Episode Nine: Revelations

4.9K 113 7
                                    

"NATUTULOG na ba ang mga kaibigan mo?" bungad ni Ellise kay Bryan nang magising siya ng madaling araw. Pansin niyang bukas pa rin ang ilaw sa may hardin kaya lumabas siya upang tingnan kung may tao pa doon. Nakita niya itong nakahiga sa malaking duyan na yari sa rattan. May mga throw pillows rin doon. Isang bote ng alak ang hawak nito habang nakatanaw sa malayo. Mag-isa na lang ito ngayon kaya natitiyak niyang natutulog na ang mga ka-banda nito sa isa sa mga guestrooms pagkatapos i-celebrate ang pagkakaroon ng album.

"I thought you're asleep," anito at umayos ng upo. 

Kumibit-balikat lang siya. "Naalimpungatan ako at nahirapan nang bumalik sa pagtulog. Naisipan kong magpahangin," aniya. "I-ikaw, why are you still awake?"

Tumungga muna ito ng alak bago sumagot. "I can't sleep," tipid nitong sabi. 

Bumuntunghininga siya at tumingala sa langit.

"Are you cold?" tanong nito. Marahil napansin nitong kanina pa niya yakap-yakap ang sarili.

"A little."

"Upo ka dito. Mas kumportable dito kesa mangawit ang paa mo sa kakatayo riyan," suhestiyon nito. Agad naman siyang tumalima. "You want one?" alok nito sa kanya ng alak. Hindi niya alam kung bakit niya tinanggap. But she learned her lesson the last time. Hinay-hinay na ngayon ang pag-inom niya.

They sat in companionable silence for a while. Nang nangangalahati na ang bote niya ay binasag niya ang katahimikan.

"C-congratulations, uli."

"Thanks. Cheers?"

"Cheers," aniya. Ngunit sa halip na magtoast sila ay bigla siyang kinabig ni Bryan at hinalikan.

"W-what was t-that for?" habol ang hiningang tanong niya.

Nananatiling magkadikit ang kanilang mukha at napakahigpit pa rin ng yakap nito sa kanya, as if not wanting to let her go.

"I-I just want to s-say thank you f-for—for everything."

She was breathless too at lalo pang nadoble ang tibok ng kanyang puso. Sinalubong niya ang mga titig nito and it dawned on her suddenly. Katulad nga ng palaging binubulong ng kanyang puso at kinukontra naman ng kanyang utak: inlove na nga siya sa binata.

"Impossible," mahina niyang sambit. Kumunot ang noo ng kaharap.

"W-why?"

Hindi niya madesisyunan kung dahil ba sa alak na nainom o dahil sa damdaming kanyang natuklasan. Kaya naman sa halip na sagutin ang tanong nito ay inilapit niya ang kanyang labi sa mga labi nito and kissed him. It was supposed to be a quick kiss ngunit nang akma na siyang dumistansiya ay saka naman siya nito hinapit papalapit sa katawan nito at gumanti rin ito sa paghalik. Mas maalab, mas masarap kesa noong unang beses siya nitong hinalikan.

"W-what was that for?" it was his turn to ask.

"I-it means, y-you're welcome." Matagal siyang tinitigan nito habang hinahaplos nito ang kanyang mga labing kanina lang ay hinahalikan nito.

"Welcome lang ba talaga ang ibig sabihin nun?" paanas nitong tanong. Napasighap siya at agad nag-iwas ng tingin. Would she dare tell him of her feelings? "Wala na bang iba?" tanong pa nito. Sinalubong niya muli ang mga mata nito at napagtanto niyang nagbibiro lang ito ngayon dahil sa kakaibang kislap niyon.

"A-assuming ka ha? Gusto mo bang goodbye na ang ibig sabihin niyon?" Ganti ring tanong niya. Right. She's leaving. Hindi tamang pagtuunan niya ng pansin ang damdamin niya para dito. They would be miles apart one of these days.

Meant to Be My Hero [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon