Episode 11. Restless

4.9K 113 8
                                    

A/N: May mga part sa episode na ito ang wala sa actual book. Of course, edited na ang libro when it was published before. What I am posting is the unedited version. Enjoy!


------------------------

"SHE must be very special."

Nag-angat ng tingin si Bryan nang marinig ang boses ng kanyang papa sa bungad ng pinto ng kanyang opisina. 

"Who Dad?" taong niya at muling itinuon ang pansin sa kanyang laptop. Kasalukuyan niyang pinag-aaralan ang stocks ng kumpanya.

Nagkusa nang pumasok sa kanyang silid ang ama niya at naupo sa silyang naroon. Mula ng umalis si Ellise ay wala na siyang ibang ginawa kundi isubsob ang sarili sa trabaho. Dati ay iisa lang ang dahilan kung bakit siya nagsusumikap na magtrabaho para sa kumpanya nila. He only wanted to make his father proud. He wanted him to realise na kahit pa kumakanta at nagsusulat siya ng mga kanta para sa Southern Fever ay hindi pa rin siya nagpapabaya sa kanyang responsibilidad. Kahit isang tipid na ngiti lang mula sa kanyang ama ay sapat nang kabayaran sa lahat ng gabing nagpupuyat siya sa opisina kapag wala silang naka-schedule na gig.

But now, he was working himself to death just to forget her. Damn her. She left without saying goodbye. Kahit sinong lalaki naman siguro mawawala sa sarili kapag ang babaeng unti-unting nagkakapuwang sa kanyang puso ay biglang lalayas ng walang dahilan. Wala itong iniwan kundi isang note na nagsasabing aalis na ito sa buhay niya.

"The woman who had kept you occupied these past few days," sagot ng kanyang ama. Hindi siya kumibo at ipinagpatuloy lang ang ginagawa.

I couldn't say goodbye in person. I know you will try to stop me from leaving. Kaya aalis na ako. Congratulations on your upcoming wedding. I wrote a song for you bilang pasasalamat. Thank you for the memories and for last night...

Iyon lang ang laman ng note. The message was so cold. Every word felt like it was dipped in ice. Ni hindi nito sinabi kung saan ito pupunta. Pero hula niya ay bumalik na ito ng New York. Back to her old life na para bang isang panaginip lang ang nangyari sa kanilang dalawa. Samantalang heto siya at hirap na hirap kalimutan ang mga ngiti nito. Sa maikling sandali ay nasanay siyang nasa tabi ito at sa isang iglap, just when he was so happy his heart nearly burst from happiness ay naglaho itong bigla. Tangay nito lahat ng magagandang ala-ala. Tangay nito pati puso niya.

Hindi niya alam kung saang planeto nito nakuha ang ideya na ikakasal siya. Gumagawa lang ba ito ng excuse para makaalis sa buhay niya? If she wanted to leave, she didn't need to resort to all those suspense. Papayagan naman niya itong umalis. What he only wanted was a proper goodbye. 

Tama nga sila. There is no such thing as a proper goodbye. People leave when they want to and there is nothing you can do about it.

"When will I meet her?" pangungulit ng ama niya. Kumirot ang isang bahagi ng puso niya sa tanong nito. Hindi niya maintidihan kung bakit bigla itong nagka-interes sa love life niya. Sa dami ng babaeng na-link sa kanya, ngayon lang ito naging curious.

"You won't meet her. She left," tipid niyang sagot at nagkunwaring abala sa ginagawa kahit na labis ang pagdurusa ng kanyang puso.

Nang araw na malaman niyang wala na si Ellise sa kanyang bahay ay daig pa niya ang binuhusan ng maraming yelo. Pagkatapos ng nangyari sa kanila ay nawala itong parang bula. Halos mabaliw siya sa kakaisip kung nasaan ito at bakit ito umalis.

Ang daming tanong sa isip niya. May nagawa ba siyang mali? Balewala lang ba dito ang lahat? Hindi na ba mahalaga para sa babae ang pinagsamahan nila? Sure, it was a short and sweet love affair. But it would have lasted for as long as forever if she didn't leave. He was so willing to give up everything para lang maging masaya ito. Handa na siyang talikuran sana ang pagiging coldhearted niya para lang makita itong nakangiti every morning of his life. He would even give up everything for her if she would ask him to. But she didn't. She didn't give him the chance to explain. Now his home felt so cold and so empty dahil wala na ito.

Napalakas ang pindot niya sa keypad ng laptop. Natutukso na siyang basagin iyon ngayon kung hindi lang niya kaharap ang papa niya. Pati mga kasamahan niya sa banda ay nag-aalala na sa kanya. Good thing Marco was there. Ito ang nagsisilbing bokalista ngayon habang inaayos pa niya ang kanyang nawasak na puso. Marco is the keyboard player and backup singer. Kaya hindi na ito nahirapang pumalit sa kanya sa center stage.

"Find her." Bigla ay utos ng kanyang ama. 

Nahinto ang pagtipa niya sa keypad.

Nag-angat siya ng tingin. 

Hindi niya natitiyak kung tama ba siya ng naririnig. Kailan pa nagka-interes ang kanyang ama sa kanyang lovelife? He never approved of Sameena before. Why would he care about someone whom he had never even met? May kinalaman ba rito ang paghingi ng tawad ng kanyang mama rito?

A few days ago ay nagkapatawaran na ang mga magulang niya. He was happy for them. Kaso may mga bagay na kapag nawasak na ay mahirap ng buuin uli. But he was grateful that his dad was doing everything he can to be good to his mom. Pati na rin ang half-sister niya ay hindi nito itinuring na iba. 

"Find her and bring her back." ulit nito.

"I can't. She's halfway around the world right now and she hates me." Iyon lang ang naisip niyang dahilan kaya ito umalis. Baka nagsisi ito sa nangyari sa kanila. Baka hindi talaga siya nito kayang pakisamahan. Baka galit pa rin ito sa kanya dahil pinaniwala niya ito noon sa fake nilang kasunduan. Ang daming naglalaro sa isip niya. Pawang walang kasiguruhan. But he had to start believing the things his mind was telling him. Otherwise, hindi siya makaka-moved on. 

"Did she say she hated you?" pang-usisa pa nito.

Umiling lang siya.

"Why don't you find out her side of the story?"

Hindi siya kumibo. Ilang beses na rin niyang tinanong iyon sa sarili. Ang totoo natatakot siyang malaman mula rito ang totoo. Natatakot siyang masaktan kung marinig niya mula rito na wala itong nararamdaman sa kanya at that what happened between them meant nothing to her. Natatakot siyang muli niyang maramdaman ang sakit sa kanyang puso noong iniwan siya ng kanyang ina. So he suffered.

"I know I never took time to reach out to you, son. As I should. But I don't want you to be like me and if I'm not mistaken, this girl is the best thing that happened in your life. You are intelligent. Hindi ka dapat magduda sa kakayahan mo. You can still rebuild yourself after you fail but you only have one chance to pursue the woman you love so much. Don't waste it."

"D-dad..." garalgal niyang sambit. He couldn't even voice his thoughts. Parang may bumara sa lalamunan niya at kung hindi niya pipigilan ang sarili ay baka tuluyan siyang mawalan ng kontrol at umiyak sa harap ng ama.

"Alam kong wala kang ibang gustong gawin kundi ipakita sa akin na kaya mong hawakan ang kumpanya kahit pa hindi talaga ito ang gusto mong gawin. You are just like your mom. You love to sing and I was wrong for trying to ridicule your talent. You are a good singer, a good son and a good CEO someday. Walang ibang qualified na mamamahala ng kumpanyang ito maliban sa'yo. And I'm telling you this hindi dahil anak kita. I am telling you this because I have seen your dedication to the company all these years. But you need a good woman by your side to keep you in line. So go and find her. Go. Before it's too late." 

He met his father's eyes. There were unshed tears. Tila may kung ano sa anyo nito na nagpalambot sa kanya. Hindi ito ang inaasahan niyang makakaintindi sa pinagdadaanan niya. But he was wrong. If there was someone who could understand what he was going through right now, it was his father. Ayaw nitong matulad siya rito. Pinagsisihan marahil nito na hindi nito ipinaglaban ang mama niya noon. He wanted him to take the risk and fight for Ellise. Tila iyon ang nababasa niya sa mga mata nito. 

Hindi na siya nagdalawang-isip. He leapt out of his chair and did the one thing he had never done in his entire life since his mother left them.

He hugged his father.

"Thanks, Dad."

"Don't thank me yet. Find her first."

"I will."

---------------------------

A/N:

Okay. I'll share a little secret hahahaha I'm the queen of stowaways hahaha pag may problema, my first thought is to run away and leave. So...there. bye. 

hahaha

tseeeee!

Meant to Be My Hero [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon