Episode 4: The Contract

5.4K 115 15
                                    

"OUCH!"

Ellise groaned and pulled the covers over her head. The sudden glare of sunlight dahilan ng agad pagkirot ng kanyang ulo.

Nasaan ang blinds niya at nakapasok ang liwanag sa kanyang silid? Kahit nasa ilalim na siya ng puting comforter ay tila nanunuot pa rin ang nakakasilaw na liwanag na iyon. Andrea wouldn't dare open her blinds dahil alam nitong sumasakit ang ulo niya sa tuwing gumigising siyang maliwanag ang silid. Her eyes are very sensitive to light and—wait!

Nahinto ang malalim niyang pag-iisip nang mapuna ang kakaibang bagay. White comforters. She never had anything in her possession na may ganoong kulay. Para sa kanya, white is a boring color. Walang challenge or spunk kaya hindi siya kailanman bumibili ng kahit anong bagay in that particular shade. She hates it as much as she hates the color gray.

So, kaninong comforter iyon?

She peeked from the covers and took a closer look at the window to her left. Walang blinds doon at masyadong malaki ang bintanang iyon for her peace of mind. Sa halip ay isang sheer white curtains ang nakatakip roon. She squinted her eyes and her attention was caught by the shapes outside the huge glass window.

The skyscrapers are gone! Ang tanging naroroon ay mga naglalakihang puno. Napabalikwas siya ng bangon at matamang tinitigan ang bintana. It was a real window, with real trees outside. Ang mga dahon ay bahagya pang gumagalaw kasabay ng ihip ng hangin. Mahina siyang napasighap.

Was she somehow transported to another place while she was sleeping? Katulad na lamang ng mga fantasy novels na nababasa niya.

Nasaan ako? Lihim niyang tanong sa sarili. Mula sa bintana ay umikot ang kanyang tingin sa kabuuan ng silid. As expected, puti ang kulay ng dingding, accentuated by a few abstract paintings in monochromatic colors. Isang kulay itim na study table ang nasa may paanan ng kama. Katabi niyon ay isang malaking tv screen in piano black color. Sa kabilang sulok ay isang open doorway na sa tantiya niya ay tungo sa closet at banyo. Sa isa pang sulok ay naroroon ang saradong pinto.

Ngunit agad ding nahinto ang assessment niya sa silid nang maagaw ng kanyang pansin ang nasa ibabaw ng kama. Isang hubad na katawan ng lalaki ang mahimbing na natutulog sa kanyang tabi!

Bumukas ang kanyang bibig ngunit walang salitang lumabas roon. It was then when she noticed that she was naked too, barely covered by her skimpy underwear! Nanlaki ang mga mata niya when realization suddenly hit her. This time, hindi na niya napigilan ang kanyang sarili.

She screamed.

"What the—shit!" bulalas ng lalaking tila inaalimpungatan pa. Bumangon ito and in one swift move ay nasa tabi na niya ito. Kunut-noong lumingon ito sa kanya, dahilan upang lalo siyang mag-panic.

"Stop! Don't touch me!" hysterical niyang sambit at mabilis na tumayo sabay hablot sa mabigat na comforter at ibinalot iyon sa katawan. Pinagmasdan niyang mabuti ang hitsura nito at lalo pa siyang nasindak sa kanyang nakita.

"You! A-anong—bakit mo ako dinala dito? A-ano'ng lugar ito?" sunud-sunod niyang tanong.

It was the same man from last night! Ang estrangherong muntik nang bumangga sa kanya. At ito rin ang vocalist ng banda kagabi. Kung hindi siya nagkakamali, Southern Fever ang pangalan ng banda nito. Ang hindi niya alam ay kung bakit magkasama silang natulog sa iisang kama without their clothes on!

Dahan-dahan siyang napaatras tungo sa malaking bintana. Noon niya napagtantong hindi iyon ordinaryong bintana lamang. Nagsisilbi rin itong pintuan palabas sa veranda. She immediately planned her escape.

Meant to Be My Hero [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon