Episode Two: In the Arms of a Stranger

5.6K 122 5
                                    

"GOOD evening, ma'am. Welcome to Maligaya taxi. Saan po tayo, ma'am?" tanong sa kanya ng driver ng taxi na pinara siya makaraan ang isang oras niyang pamamalagi sa BluGré coffee shop. Tulad nga ng sinabi ng estrangherong naghatid sa kanya doon, masarap ang kape nila. At laking pasalamat niya dahil kahit kakaiba ang taste nito sa pananamit, marangal naman pala itong tao.

Ngunit saan nga ba siya pupunta? Wala na siyang kamag-anak sa lugar na iyon. She only came there to see Albert and stay with him afterwards. Hindi niya napaghandaan ang rejection nito, lalo na ang katotohanang nag-asawa na pala ito.

"Sa...sa Jack's Ridge tayo, manong," tugon niya. It was still eleven in the evening at natitiyak niyang hindi na gaanong matao ang lugar na iyon. She learned about it when she was browsing the net at doon sana niya iimbitahan si Albert pagkatapos nilang mag-dinner. Somehow the place looked romantic sa picture and she wanted to see it for herself. At kahit nag-iisa na lamang siya ay ipinasya niyang tumuloy pa rin sa nasabing lugar.

Kumuha siya ng perang pambayad sa driver pagdating sa Jack's Ridge nang agad siyang matigilan. Something was amiss.

Her handbag! Naroroon ang kanyang mga damit. Naiwan iyon sa kotse ni Albert, thinking na doon nga siya matutulog sa bahay nito. But would she dare call him to get her things back?

"May nakalimutan kayo, ma'am?" tanong ng driver.

"Ah...w-wala. Sige, salamat po." Mabilis siyang umibis ng sasakyan and walked toward the main entrance.

It was filled with calming yellow lights. Sa bawat bahagi ay naroroon ang ilang establishments tulad ng coffee shop at restaurant. Mula sa malayo at naririnig niya ang rock music mula sa isang bar and decided on impulse na doon ang destination niya. Agad siyang bumaba ng hagdan hanggang sa may Ampitheater. Sa kaliwang bahagi ay ang Kai's Bar and Grill kung saan nagmumula ang tugtuging rock. Perhaps that's what she needed at the moment. Sana'y kayang lunurin ng ingay ng musika ang sakit na nararamdaman sa kanyang dibdib.

Without any hesitation ay pumasok siya sa loob. Dumiretso siya sa bar at umorder ng Scotch. Iyon lang ang inuming pamilyar sa kanya bagamat hindi pa niya natikman iyon. Kunut-noong tinitigan muna siya ng bartender bago ito kumuha ng baso at walang-kibong nagsalin para sa kanya. Kasabay niyon ay ang intro music ng bandang kasalukuyang nasa stage.

Sandali muna niyang sinipat ang laman ng baso, trying to figure out how she could bring herself to drink it. Nilinga niya ang paligid at huminto ang paningin sa bandang nasa entablado. Do you ever feel out of place? Like somehow you just don't belong, And no one understands you...

The vocalist started singing. Hindi pamilyar sa kanya ang kantang iyon. Ngayon lamang siya nakarinig ng maingay na musika although it's not very bad. After all, she was not there for the music or for the song. Nandoon siya upang magpalipas ng sama ng loob and hopefully drown all her emotions with the drink she was currently holding. Still untouched.

You don't know what it's like to be like me. To be hurt, to feel lost, to be left out in the dark...

Mapait siyang napangiti sa sinasabi ng kanta. Believe me, I know what it feels like to be completely stupid, naisip niya at wala sa loob na tinikman ang laman ng baso. At napaubo siya sa magkahalong pait and hapdi sa kanyang lalamunan. Napalingon sa kanya ang bartender at muling kumunot ang noo. Nginitian laman niya ito, hoping he would not bother that she was a novice.

And no one's there to save you. No you don't know what it's like...Welcome to my life...

Muli niyang dinala sa bibig ang inumin. This time, dahan-dahan ang kanyang pag-inom.

Meant to Be My Hero [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon