Episode Ten: Painful Reality

4.8K 118 8
                                    


"NANDITO ka na pala, ha-handsome. Pa-kiss!" biglang nanlaki ang mga mata ni Bryan nang marinig ang boses ng dalaga. Nang malaman niya mula kay Kristoff na inihatid nito si Ellise sa bahay niya two hours ago ay napanatag siya. Inaakala niyang tulog na ito dahil patay na ang ilaw sa sala. Kinapa niya ang switch ng ilaw at nakita niyang nakahandusay ito sa sahig at nakatumba ang malaking bote ng scotch. Wala nang laman iyon.

"Ellise! Anong ginagawa mo?" agad niya itong dinaluhan at inilipat sa sofa. Namumungay ang asul na mga mata nito at namumula ang mga pisngi.

"Me? Nothing," sagot nito at bahagyang tumawa. Pagkuwan ay yumakap sa kanya.

"B-bakit ka umiinom? What's wrong?"

"Ikaw. Iniwan mo ako. You're bad," sagot nito at napahikbi.

"I-I'm sorry."

"I don't like that Kristoff guy!" sigaw nito bagamat masyadong mabagal itong magsalita dala ng kalasingan. Agad nanigas ang kanyang katawan sa narinig.

"B-bakit? Ano'ng ginawa niya sa'yo?" kinakabahang tanong niya at mabilis na sinipat ang kabuuan ng dalaga. Napalunok siya sa tinatakbo ng kanyang isip na maaaring nangyari dito sa mga kamay ng kaibigan niya.

"He kissed me sa cheeks ko!" sagot nito. "I don't like his kisses. Mas gusto ko kiss mo," at humagikhik uli ito. Nakahinga siya nang maluwag. At least hinalikan lang ito ni Kristoff sa pisngi and not...

"That's enough. Magpahinga ka na," aniya at akmang tatayo na upang alalayan ito. Ngunit ini-angat nito ang dalawang kamay sa ere.

"Pa-karga?" sambit nito. Batid niyang wala sa tamang pag-iisip ang babae dahil sa dami ng alak na nainom nito. Hindi na siya magtataka kung bigla itong magsusuka sa harap niya anumang sandali. But her drunken state did not diminish her beauty in his eyes. Mas lalo pa itong naging kaakit-akit sa paningin niya dahil sa namumungay nitong mga mata at nakaawang na mga labing tila humihiling na kanyang halikan.

Ipinilig niya ang ulo upang alisin sa utak ang pagnanasa rito.

"Ellise—"

"Please? Carry me!" paglalambing uli nito. Napapikit siya nang mariin. This is the second time na nalasing ang babae sa harap niya and it didn't do well with his senses. Matatanggihan ba naman niya ito?

"Yehey!" tuwang-tuwa pa ito nang sa wakas ay kinarga niya. Katulad noong una niya itong dinala sa kanyang bahay at iniakyat sa kanyang silid. Ang init na nagmumula sa katawan nito ay nakakapaso.

"Stay. Don't leave me, Bryan," sambit nito nang inilapag niya sa gitna ng kama. Nananatiling nakapulupot sa kanyang leeg ang mga kamay nito, pulling him close. And he allowed himself to be pulled in her embrace.

"Y-you need to rest," bulong niya at hinaplos ang magandang mukha nito.

"Kiss me. Make me feel okay." His hand froze.

"E-Ellise—I"

"Please."

"I—I can't. Not like this. You—you're vulnerable now. I can't take advantage of you," katwiran niya habang umaasang sa kabila ng kalasingan nito ay ma-realize nito ang implikasyon ng sinasabi niya.

But the hurt in her eyes almost broke his resolve. Kaya lang hindi niya maibibigay ang gusto nito. He knew she would regret it in the morning.

"It's not that I don't wan't you, Ellise. I do. But you're drunk. You're confused. You don't even know what you're asking."

Hindi ito sumagot. Nananatiling nakatitig lang ito sa kanya na para bang wala itong naririnig sa kanyang sinasabi. And her fingers are toying with the buttons of his polo!

Meant to Be My Hero [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon