Maagang nagising si Julia. Tama lang ang mga na scan nyang notes para sa test ngayong araw na ito. kung tutuusin mas kinakabahan pa siya sa pagtuturo na gagawin nya kay DJ kumpara sa Test na maaring ibagsak siya kung hindi nya aayusin.
"Pwede pa naman umatras diba?..."
nakaharap ngayon si Julia sa Salamin at kinakausap ang sarili. maya-maya ay agad niyang hinampas ang sarili.
"Hindi ka pwedeng umatras Julia! dahil kapag umatras ka wala ka nang pag asa makilala ang tatay mo balang araw! hmmmp! tama! kaya ko to! may advantage ako kasi maaga pa! Payting!"
tumayo na si Julia at nag tungo sa CR. nagshower na siya. matapos ang ilang minuto ay natapos na siya at kumain,inayos ang sarili at nagpaalam sa mama at sa uncle niya.
"Ma! alis na po ako!"
"Julia! Ingat ka! paghusayan mo test mo nak"
"OK po mama!"
"Juls,Goodluck"
"Tnx Uncle!"nadaanan na ni Julia ang Blood Moon Campus na NIGHT CLASSES ang meron.sinulyapan niya lang ito at nagpatuloy na sa paglalakad.maya-maya ay nakarating narin siya sa campus nila. pero bago sa pumasok sa gate ay huminga muna siya ng malalim at nag cross fingers...
"Lord... kayo na pong bahala sa kin.... wag nyo po ako papabayaan..."
huminga ulit siya ng malalim at pumasok na sa campus. inayos niya muna ang sarili niya. nakarating siya sa room nila na wala pa medyong mga classmate niya. pati si Kathryn na bestfriend niya ay wala parin. siguro mga 7 lang silang nasa loob na ng classroom. ang grupo nila mike na nagbabasa ng Komiks at FHM, si Thena na nag rereview pa ata. at....
Si DJ na naka nap lang sa upuan nito. napalunok si Julia nang makita niya si DJ. dahan dahan niyang nilapag ang bag niya sa upuan nila ni Kathryn.
"Julia, anjan kana pala..."
agad namang napalingon si Julia sa likod ng biglang magsalita si DJ.
"ahhh...hihi Good Morning... tulog kana ulit"
kinakabahan man pinilit ni Julia na ngumiti para hindi nito mahalata na natatakot siya. isang makahulugang ngiti naman ang gumuhit sa labi ni Dj na lalong nagpatindi ng takot ni Julia.
maya-maya pa ay nagsipasukan na ang mga Studyante.kasama na sa pumasok don ay si Kathryn.
"woooshhh! buti nalang di pa ko medyo late!"
natataranta namang nilapag ni Kathryn ang bag niya sa tabi ni Julia.
"JULIAAAAAAAAA! ANDITO KANA?!"
napalingon naman ang lahat nilang classmate kay kathryn. nag peace sign siya dito.agad naman niyang binaling ang tingin kay Julia. ngumiti lang si Julia bilang sagot sa katanungan sa utak ni Kathryn.Madalas kasi laging late si Julia dahil sa puyat. at ngayon isang himala at mas maaga pa siya kay kathryn.
"Anjan na yong professor na mag te-test satin!"
sabi nung isa nilang kak-klase. dali dali namang umayos sa pagkaka-upo ang mga studyante.
"Goodluck Juls!" "Goodluck Din"
matapos magpalitan ng mga makahulugang ngiti ang dalawa ay natahimik na ang buong klase. pumasok na ang Professor na magbibigay sa kanila ng test.
"Strictly No Moving of Heads.... dahil kapag nahuli ko ni isa sa inyo WALANG TEST Na MAGAGANAP"
nag distribute na ng Test Sheets ang Prof nila. napayuko si Julia sa ilalim ng mesa niya ng may nakita siyang papel na gusot gusot. pinulot niya ito at Binasa.
BINABASA MO ANG
The Red Moon Saga (JULNIEL)
Vampirpangil sa pangil,dugo sa dugo, lahi sa lahi may pag ibig bang mabubuo sa dalawang nilalang na itinakdang magpatayan?