-Sowon-
Isang linggo rin ang nakalipas wala naman masydong nangyari dahil hindi naman na ako inuutusan gaano ni sir, siguro magpapatawag lang yun kapag kay Ms. Santos siya magpapautos. Pansin ko kasi na kapag kay Ms. Santos ako lagi ang pinapapunta niya. Awan ko ba dun!
"Kuya alis na ako pasabi kay dad", paalam ko kay kuya ng siya lang ang makita kong kumakain sa lamesa.
"Pasaan ka? Hatid na kita?", Aniya.kakasundo lang namin kay kuya last saturday at ang dami dami niyang pasalubong sakin.
"Papasok,hindi na basta mamaya a. Sige na bye", paalam ko kay kuya mamaya kasi ay sasamahan niya ako sa mall para bumili ng gown na susuotin ko sa acquaintance party namin sa friday. Ililibre raw niya ako e. Mabuti na lamang at hindi na ako mamomoblema.
Nagcommute lang ako papuntang school. Salamat naman dahil nakapagdala pala ako ng payong, dahil medyo masama ang panahon at umaambon.
Nang makarating sa school ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Ano ba naman yan hindi pa naman tag ulan a. Bakit sobrang lakas naman ata ang alam ko wala rin naman bagyo.
"Erika! Sabay na tayo", sigaw ko ng makita si Erika na papasok palang ng gate, agad naman siyang huminto para hintayin ako.
"Asan si Darwin bakit hindi ka hinatid?"
"Nilalaganat e kaya hindi rin makakapasok ngayon",sagot niya.
Agad na pumasok kami ng room, inayos ang sarili at agad na umupo sa mga assigned sit namin.
"Ms. Guevarra and Ms. Santiago will be the next reporter tomorrow. Class dismissed", ani ni Sir. Han
Bukas na pala ang report namin ni Althea. Wala pa naman kaming napaguusapan. Napakang bitter naman kasi talaga sakin nung babaeng yun e
Papano namin magagawa yun?"Sowon wala ka bang balak gumawa ng report natin. Bukas na kaya tayo"
"Ang pagkakaalam ko kasi Althea by partner yun e", sagot ko sakanya. Ako pa ata ang balak niyang pag gawain mag isa a.
"Oo nga naman Althea bakit si Sowon lang pag gagawain mo. Dapat tulong kayo, hindi katulad ni Erika ako lang yung pinagawa", sabat naman ni Joshua, sabay tingin kay Erika na wala namang pakialam. Kawawang Josh!
"Fudge! Nevermind. Fine! Sa library nalang tayo mamaya after ng klase natin. Happy?", tinaguan ko na lang siya at plastik na ngumiti sa kanya.
-----------------------
Tiningnan ko ang wrist watch ko at doon ko napagtanto na 8pm na pala ng gabi hala! Chineck ko ang phone ko at titingnan ko sana kung may message si Kuya kaya lang dead batt na pala ako.
Ang tagal naman kasing manggawa ni Althea ng part niya e. Samantalang ako kanina pa tapos, hindi na tuloy kami ni kuya nakapunta ng mall.
"Thea sige na. Bukas nalang natin ituloy. Maaga nalang tayong pumasok okay?", suhestiyon ko kasi gabi na talaga at malakas pa ang ulan sa labas.
"Don't call me Thea we're not even close. Fine! Tutal kanina pa rin nagtetext mom ko. Bye"
Lumabas na ako ng school. Grabe ang lakas talaga ng ulan masisira ata payong ko dahil sa ulan na yan e.
Pumunta ako sa waiting shed at doon nag antay ng taxi.
Halos 30 minutes na ata ako rito ay wala pa rin taxing dumaraan. Ano ng gagawin ko, hindi pa man din ako makatawag sa bahay. Ah bahala na mag aantay nalang siguro ako.
-------------------------
-Jetenshin-
"Jet can you bring me home?" she said while using her puppy eye. Eww!
"I'm really sorry Ms. Santos may dadaanan pa kasi ako. Bye", she's really annoying napaka trying hard niya para umasta ng cute at makulit. Hindi naman bagay, kung si Sowon pa ang gagawa nun ay mas matutuwa ako at kikiligin. I'm not saying that Ms. Santos is ugly, Yea she is totally pretty but my Sowon is prettier than her. Masyadong madikit or should I say malandi si Ms. Santos, she's acting like she's my girlfriend. But definitely a big NO! Kaya nga si Sowon ang inuutusan ko sa tuwing may papasabi ako kay Ms. Santos, dahil kung ako ang pupunta ay mangungulit yun.
Pumunta na ako ng parking lot at kinuha ang sasakyan ko. Totoo naman kasi na may dadaanan pa ako dahil tumawag sakin si Yuan at pinaalam na narito na siya sa pilipinas.
Dirediretso akong nagmamaneho, nang mapansin kong familiar ang babaeng nakita ko sa waiting shed. Kaya walang pag aalinlangang nag U-turn ako.
Tama nga ako si Sowon nga ang nakita ko. Ano pa ang ginagawa niya rito sa school gabi na a.Wala bang susundo sakanya.
Huminto ako sa harapan niya at nakita ko naman ang gulat sa kanyang muka. She didn't expect me huh!
"Sakay na Sowon. Ang lakas ng ulan basa kana", sabi ko sakanya. Nakakainis naman bakit ba siya ginabi ng uwi. Wala naman akong inutos sakanya a.
"Naku sir nakakahiya po. Okay lang may taxi nanaman dadaan e"
"I insist sakay na. Ihahatid na kita", ang tigas talaga ng ulo niya!
"Ahh okay po", she said while shyly smiling . She's really cute, Damn Sowon my heart start pumping again, stop smiling like that.
Hinubad ko ang jacket na suot ko at isinuot sakanya. Hininaan ko rin ang aircon ng sasakyan dahil mukang nilalamig talaga siya.
"Sir ahm one hour po byahe papunta samin. Sa ****** subdivision po"
"Yea I know"
"Okay lang naman po kahit hanggang labasan lang" ang kulit niya talaga para naman papayag ako na hindi siya ihatid sa bahay nila e.
"Can you please just shut your mouth", hindi naman ako galit sadyang gusto ko lang talagang ihatid siya para safe at isa pa bibisitahin ko nga si Yuan mabuti nalang at nakita ko si Sowon.
Tahimik ang naging byahe namin. Nang makarating ay agad na nasa labas ng bahay si Yuan tinext ko kasi siya kanina na kasama ko si Sowon at ako na ang maghahatid.
"Ano bakit dika man lang nagtetext?", panenermon agad ni Yuan sakanyang kapatid. Badtrip siya tinatakot niya si Sowon.
"Kuya naubos na kasi yung battery ko. Sorry na"
"Pasalamat ka at wala si mommy at dad dito naku kung hindi. Mabuti nalang at nakita ka ni Jet", nakita ko naman na kumunot ang noo ni Sowon.
"Kuya kakilala mo si sir?", manghang tanong niya. Nakakatawa mukang wala talaga siyang kaalam alam na mag kaibigan kami ng kuya niya.
"Ah Oo barkada ko yan sa college, nagpunta na yan dito a nung 18th birthday mo"
"Hindi ko nakita e. Pero teacher ko siya sa communication"
"Ano teacher mo yang ugok na yan. Hoy Jet ipasa mo itong kapatid ko a"
"Depende nalang kung nag iintindi siya sa klase ko", sagot ko at sabay na ngumisi ako kay Sowon.
"Hahahaha. Tara na nga sa loob malamig dito. Tara na Kuya", pag iba ni Sowon ng usapan. Hahhaahha nakakatawa ang mukha niya pero still maganda pa rin.
-------------------
Luh? Ang pangiiit😂
Sorry for the error. Hahaha feeling ko mag aupdate ulit ako mamaya.
Vote and Comment
Thank you 😘
YOU ARE READING
My Stalker Instructor Became My Lover
RomansaThey think we are in a wrong relationship, They think we are in a wrong love. Who are they, who are they to judged that our love is full of immorality, it is because of your profession?