-Sowon-
Papaanong naging kaibigan ni kuya yun. Napaka sungit kaya niya. Kaya naman pala hinatid niya ako ay may dahilan pala siya. Pano kaya pag hindi siya kaibigan ni kuya? Hahayaan niya kaya akong lamukin sa waiting shed. Haaaysss!
"Hoy Sowon ano tapos kana ba dyan? Bilisan mo at nakahanda na ang pagkain", sigaw ni kuya mula sa labas ng kwarto.
"Oo susunod na ako"
Matapos kong maagayos ng sarili ay bumaba na ako. Naabutan ko naman silang nasa sala.
"Kuya bakit di pa kayo naunang kumain?", tanong ko dahil mukang seryoso ang pinaguusapan nila.
"Hinihintay ka namin. Jet kain na"
Habang kumakain ay tahimik lang kami ni sir at si Kuya ang walang tigil ang bibig kakadakdak.
"Jet dito kana matulog malakas pa naman ang ulan. Isa pa hindi naman uuwi sina dad", halos masamid ako sa suhestiyon ni kuya. Hindi ko alam kung bakit masyado ba akong apektado sa presensiya ni sir. Ewan ko ba parang iba kasi e.
"No prob, if it's okay to Sowon?"
"Oo naman okay lang dyan. Diba little sis!", haynaku naman itong si Kuya e wala na akong magagawa. Tumango na lang ako bilang pag sang ayon at tinanggal ang mabibigat na braso ni kuya sa aking balikat. May pag akbay pa e.
Matapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko. Wala rin naman akong gagawin isa pa ay maaga pa ang pasok ko bukas. Chinat ko rin si Althea para makasiguro na papasok siya ng maaga para manggawa ng report. Palagi rin kasing late yun e.
"Of Course Sowon I can't be late dahil kay Sir. Han na subject yun" reply niya sakin . May pag ka malandi talaga ito e. Palibhasa'y alam ng buong klase namin na may gusto siya kay sir kaya siguro mag papa impress. Ewan ko ba sakanya!
---------------------
Tiningnan ko ang orasan sa table na katabi ng kama ko. 1:45 am na pala mag uumaga na at hindi pa rin ako makatulog.
Napagdesisyonan kong bumaba isa pa ay nauuhaw ako.
Pag baba ko ay nakita ko ang mga nakakalat na bote ng beer at mga baso. Si Kuya talaga hindi man lang nagawang ligpitin ang mga kalat nila. Sumbong ko siya kay mommy e!
Nang makakuha ng tubig sa ref ay agad na nagsalin ako sa baso. Laking gulat ko naman ng makita si sir na nasa pintuan ng kitchen namin at seryosong nakatingin saakin .
Kitang kita ko kung gaano kaseryoso ang mga mata niyang nakatitig sa mga mata ko. Kahit ako'y hindi ko maialis ang mga titig ko sakanya.
Mas lumapit siya sakin. Pakiwari ko'y halos isang dangkal na lamang ang agwat namin sa isa't isa. Naaamo'y ko rin ang amoy ng alak mula sakanyang hininga. Ganun na nga siguro kami kalapit sa isa't isa. Iniwas ko na ang mga mata ko dahil na rin sa awkwardness na nararamdaman.
"Sowon", seryoso at may diin ang pagkakabigkas niya sa pangalan ko para bang sinasabi niya na tumingin ako sakanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ramdam na ramdam ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko, sa tingin ko nga ay naririnig niya iyon.
Gusto ko ng umalis kung nasaan ako. Bakit ba kasi bumaba pa ako . Edi sana hindi ganito ang nararamdaman ko.
"Sowon please", pumiyok siya ng muling banggitin ang pangalan ko. Hindi naman ako mapakali kung titingnan ko ba siya o patuloy na iiwas sa mga mata niyang patuloy nagbabanta na titigan lang iyon.
Wala akong nagawa at natalo ako ng presensiya niya para lingunin at titigan ang kanyang mga mata
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Ilang segundo kaming tahimik, nang basagin niya ang katahimikang iyon at nagulangtang ako sa aking narinig.
" I LIKE YOU", may sensiridad niyang sabi, at sabay nun ay hinalikan niya ako sa aking noo, iniwan niya akong halos gulat sa lahat ng nangyari.Halos mapako ako sa kinatatayuan ko at hinihiling na sana ay panaginip lang iyon. Pero imposible kasi ramdam na ramdam ko parin kung papano niya nilapat ang mga labi niya sa aking noo at para bang may kung anong dumadagundong sa puso ko. Kakaiba ang nararamdaman ko.
Dahil sa nangyaring iyon ay pakiramdam ko ay mahihirapan akong makatulog. Maraming katanungan sa isip ko. Isa lang ba itong biro? Pinag ti tripan lang ba niya ako? Kahit ako ay litong lito na.
----------------
Sorry for the error
Vote and comment
Thank you😘
YOU ARE READING
My Stalker Instructor Became My Lover
RomanceThey think we are in a wrong relationship, They think we are in a wrong love. Who are they, who are they to judged that our love is full of immorality, it is because of your profession?