-Sowon-
Kinabukasan, hinatid na ako ni daddy sa school pero late naman akong nagising kaya late pa rin akong nakapasok. Ang alam ko naman ay hindi na si Mrs. Ty ang first subject namin ngayon. Mabuti na lamang dahil napaka istrikto niya.
Kumatok ako ng dahan dahan sa pinto ng room namin at saka ito binuksan.
Napabuntong hininga ako ng mapagtanto ko na wala pa ang Instructor namin. Dirediretso akong umupo sa katabi ng upuan ni Erika
"Asan teacher natin?", tanong ko kay Erika
"Bago na si Mr. Han balita ko nga gwapo e", nakangiting sagot niya sakin.Sana naman ay hindi istrikto ang bago naming teacher. Lagi pa naman akong late baka mamaya bumagsak ako dahil dun
"Goodmorning class", nanlaki ang mata ko ng pumasok ang isang matangkad at gwapong lalaki. Umubob ako sa desk ko para magtago.Papanong napunta si Mr. Yabang dito ibig sabihin siya si Mr. Han teacher ko siya? Shet! Shet! Patay ako! sinipa ko pa man din siya kahapon at may cut pa yung labi niya.
Ang tanga mo naman Sowon e, hindi mo man lang napansin na teacher siya sa school na pinapasukan mo. Sabagay hindi naman siya naka pang teacher uniform kahapon kaya hindi ko alam. Actually muka siyang istudyante.
"I am Mr Jetenshin Paulo Han, I will be your new instructor in your communication subject", ang lambing ng boses niya ha samantalang kahapon sobrang yabang!
"Btw where is Sowon Dielyn Guevarra", agad akong napatayo ng banggitin niya ang pangalan ko. Patay!
"Mr. Yab- ahm Sir bakit po?", kinakabahang sagot ko. Jusko! lupa lamunin mo na ako plsss! Hindi ko siya matingnan dahil sa kahihiyang ginawa ko kahapon. Wala na! Bagsak na ako sa subject niya.
"After this class. In my office", malamig niyang sambit at muli ay nginisian nanaman niya ako. Ang weird talaga ng lalaking yun I mean ni sir. Matapos kong tumango ay tumalikod na siya saakin.
Habang nagkaklase ay hindi ko magawang tumitig sakanya. Pakiramdam ko sa tuwing sinusubukan kong lingunin siya ay mga ngisi niya ang pinapakita saakin. Kinokonsensya pa ata talaga ako dahil sa pagsipa ko sakanya kahapon . Napakayabang naman kasi niya. Malay ko ba pating teacher siya rito!
"Class dismiss. Ms. Guevarra in my office", muli niyang sabi bago lumabas ng room
"Wow ang swerte mo naman Sowon"
"Bakit siya kilala ni sir. Nagkita naba sila"
"Sana ako nalang siya. Ang gwapo ni sir"
Bulungan ng mga chismosa kong mga kaklase! Akala nila ang swerte ko I'm pretty sure na pag uusapan namin yung nangyari kahapon jusko! baka isumbong niya ako sa principal. I kennaaaat! Wala na hindi na ako makakapag aral. Masisira na ang kinabukasan ko. Sowon naman kasi e!!
Bago kumatok ay tiningnan ko muna ang nakasulat sa pinto. Mr. Jetenshin Paulo Han. May sarili talagang office ang bawat instructor dito ewan ko ba ang alam ko naman dapat faculty faculty e. Awan ba dyan, Huminga ako ng malalim at muling kumatok . Kayo na po ang bahala saakin lord wag niyo pong hayaan na masira ang kinabukasan ko.
"Come in", shet bat ang gwapo talaga ng boses niya I mean parang lahat sa kanya gwapo. Sowon anlandi mo kinakabahan ka at hindi ka na gagwapuhan sa yabang na yan!!
"Siguro naman alam mo kung bakit kita pinatawag", nakatitig na sabi niya habang nakaupo sa swivel chair niya
"I'm sorry sir diko po talaga sinasadya wag niyo po akong isumbong sa principal promise po kahit anong punishment gagawin ko please", pagmamakaawa ko sakanya. Ayokong madissapoint sakin si mommy lalong lalo na si daddy kaya kahit lumuhod pa ako rito ay gagawin ko.
"So nagsosorry ka?", lapit
"Punishment?", lapit malapit na talaga.
"So susundin mo", sobrang lapit na niya. Yung hininga niya ang init nararamdaman ko sobrang lapit na namin sa isat isa. Ang gwapo!
Bago pa man siya mas lumapit sa muka ko ay pinigilan ko na siya. Dahil ang bilis na ng tibok ng puso ko.
"Yes sir! Promise susundin ko", mabilis kong sagot, haaaays! Pinagawisan ako dun. Bat kasi ang gwapo niya! Sowon bad!
"Okay, you will be my S.A for the whole semester"?
"WHAAAT? but sir akala ko paglilinisin mo lang ako ng library o kaya ng bawat room pero S.A?", nababaliw na talaga ang lalaking ito.
" Okay Sumunod kana lang sakin sa principal office sasabihin ko na may isang istudyante na marunong bumastos sa kaniyang teacher" , katuwiran niya
"Wait lang po. Sige na sir. Okay na po", bahala na nga! Arrrgh nakakainis
"Madali ka pala kausap. Pede ka na mag umpisa bukas. You may go", hindi na ako muling nagsalita at dirediretsong umalis sa opisina niya. Ang weird talaga ng teacher kung yun. Papano nakapasa yun sa H.R dito, may saltik ata sa ulo ang lalaking yun. Ay ano ba tong napasok ko. Bahala na!
YOU ARE READING
My Stalker Instructor Became My Lover
RomansaThey think we are in a wrong relationship, They think we are in a wrong love. Who are they, who are they to judged that our love is full of immorality, it is because of your profession?