08

500 32 8
                                    


WALANG patutunguhang naglalakad ako sa kalsadang di ko naman alam. Walang ampat sa pagtulo ang mga luha kong kanina ko pa pinapahid, at tila ba hindi nauubos. Mas napahagulgol ako ng maisip kong nakakapangit ang umiyak.

Halos hindi ko maalala kung ano nga bang iniiyakan ko. Basta ang sakit sakit ng dibdib ko at wala akong ibang gustong gawin kundi ang umiyak ng umiyak.

Ano bang problema ko?

Ay naaalala ko na.
I sat beside the road and hugged myself. I bit my lips and buried my face on my arms.

I already realized it. Everything I've been doing since then. And the reason of those everything. Pakiramdam ko ang bobo bobo ko dahil ang tagal ko ng ginagawa pero ngayon ko lang naisip. Kainis.

I'm irrevocably in love with that man!

Mas ngumawa ako. Basang basa na ako sa pawis, luha at uhog pero wala na akong pakialam. I just want to cry and cry and cry.

I feel stupid.
Nahulog na pala ako, ni hindi ko man lang napansin. Busy-ing busy ako sa pagpapagana ng puso kaysa sa utak. I should've taken care of my heart. Tama ang sinabi ng babaeng iyon, dapat nag-ingat ako, dahil gwapo daw ang boyfriend niya at gentleman, baka daw mainlove ako. Joke lang yun kaya di ko sineryoso ang banta, ayan tuloy, umiiyak ako dahil nagkatotoo.

Ang adik ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya sa mga pinaggagawa ko para magpapansin sa kanya. Halos nagawa ko na lahat ng bagay na ginagawa ng isang stalker. Pft ang desperado. Pathetic pa.

Natawa ako sa mga iniisip ko.
Posible pala talaga yun. Yung umiiyak ka na nga nagagawa mo pang tumawa. Para akong timang dito.

"Ngina mo, Yoon Jeonghan, stahp na sa pag-iisip," bulong ko sa sarili. Pero mas lalo lang dumaloy ang mga alaala at isipin sa utak ko. Napasabunot ako sa buhok ko.

Letse, nakakabaliw magmahal at maging tanga. Ang sakit sakit sa dibdib magmahal at di maranasang mahalin pabalik.

Ayan na naman. Haha. Ang sakit. May pakiramdam palang ganito. Nakakanumb ng puso.

Napahawak ako sa dibdib ko at hinaplos ang bandang puso ko. "Kalma ka lang. Aayusin natin to. Aayusin natin," bulong kong muli sa sarili ko.

Pero kahit anong sabihin ko sa sarili ay di pa rin tumitigil ang pagsama ng loob ko. Patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko..







"Yoon Jeonghan."

Napaangat ako ng tingin. Ganun na lamang ang kabog ng dibdib ko nang mabungaran ko ang bulto ng lalaking mahal ko. Nakatayo siya ilang hakbang mula sa pwesto ko, tumataas-baba ang mga balikat niya marahil sa pagtakbo. Umatras ang mga luha ko. Pero nagsituluan din lahat ng kumalat ulit ang sakit sa puso ko.

Hindi ako nakapagsalita. Umawang ang mga labi ko ngunit walang salitang lumabas, sa halip ay isang hikbi. Sunod sunod na hikbi hanggang sa humahagulgol na ako.

Ang gwapo ng mahal ko. Ang sarap niyang yakapin. Ang sarap niyang hawakan. Ang sarap niyang mahalin. How I hope ganito rin siya sa akin. Gustong-gusto kong mahalin niya din ako. Pero imposible.

Parang nataranta siya dahil nanlaki ang mga mata niya. Mabilis siyang lumapit sa akin at lumuhod sa tapat ko. "Why are you crying? Nasaktan ka ba? May pasa ka sa mukha, did they punch you?," halata ang pag-aalala sa boses niya.

Ang sarap ng haplos sa puso ko ng tono niya. Nag-aalala siya. Nagaalala siya.

I shook my head.
"O-okay lang ako..," sagot ko.

romance • jihanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon