001

1K 53 55
                                    

I CLOSED my fist and did that "AJA" thing.

Magagawa ko ito. Malapit na. Makukuha ko na ang side niya. Konting konti na lang, matatapos na ako.

Sinundan ko siya ng tingin habang papasok siya sa pintuang iyon. May ngisi sa mga labi ko habang nakatitig sa napakaganda niyang tindig at napakasexy niyang paglalakad.

Yes, he's handsome. More handsome than me. Hindi ko matanggap, pero di ko din idedeny. Nung una, ayoko talagang tanggapin na mas gwapo nga siya sa akin, pero kalaunan ay naappreciate ko din ang taglay niyang kakisigan. Naks! Lumalalim na naman ang lolo niyo! Hihihi.

Halos dalawang linggo ko ng sinusundan ang lalaking ito. At sa loob lamang ng dalawang linggo, madami na akong alam tungkol sa kanya, mula sa pamilyang pinanggalingan niya at kahit ang pinakamaliliit na bagay tungkol sa kanya.
Akala ko dati ay sikat lang siya dahil sa looks at net worth niya. Pero nagkamali ako. Why, the man is more than that. Matalino din pala siya, matulungin, maawain at masipag. But, still, on top of all of that, tahimik, snob at masungit din siya. Kaya nga hanggang ngayon ay di ko pa siya nakakausap ng maayos at di ko pa nakukuha ang side niya. Hnnnnng!

Nang makapasok siya ay mabilis akong sumunod. Inayos ko ang suot ko at tumikhim. Pumasok ako sa kabilang pintuan at nakangising naupo sa stool na nandoon. I cleared my throat again and grinned.




"Ano ang iyong nais ikumpisal, hijo?," I asked, trying to sound like an old man.

He cleared his throat. Napatitig tuloy ako sa anino niya sa kabilang panig ng masikip na kwartong kinalalagyan namin. From the screens, I can see his blurred sexy image. My grin widened.


"About my gender," blangko ang boses niyang sagot.

I frowned. Napakamot ako ng ulo.


Ano namang problema niya sa gender niya? Diba may girlfriend siya? Huh?

Kahit naguguluhan ay mabilis kong inilabas ang notebook at ballpen ko para magsulat.



"What about your gender?," I asked him.

He cleared his throat again before speaking.
"I think I'm turning into a gay," he said without hesitation.

Nabitawan ko ang ballpen ko dahil doon. Gulat akong napatingin sa malabo niyang. Umangat angat ang dulo ng bibig ko para sana umusisa. Pero naalala kong nagpapanggap nga pala ako. So napatikhim ako ulit.


"Bakit mo nasabi ang bagay na yan?," tanong ko.

He sighed. Mula sa repleksiyon niya ay kita kong nagkibit-balikat siya.
"I don't know. Pakiramdam ko po kasi. And I think I'm feeling strange for a certain guy..."

Nabitawan ko naman ang notebook ko sa lagay na iyon.

Maygadeu! Seryoso ba to?!

"Sigurado ka ba?," tanong ko.



He coughed. And from the view, his shoulders are moving like he's laughing.

"I'm not certain," he answered.


Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya. Nasapo ko ang dibdib ko dahil biglang lumakas ang tibok ng puso ko doon. Huminga ako ng malalim at mabilis na pinulot ang ballpen at notebook ko.

"If you're not certain, hindi pa siguro. Bumalik ka na lang ulit dito next time. Kapag bakla ka na, saka mo ako kausapin, mahayblad pa ako sayo," ibinulong ko na ang huling mga salita ko.



He made an unfamiliar sound after I spoke. Then followed by a huff, and followed by a weird sound again. Napakagat labi ako at napatingin sa screen. I can see his shoulders moving as if he's laughing. I frowned.

He's laughing? Why is he laughing—Maygadeu, he's laughing!





"I didn't know you could be this desperate," he said.

"What?"

He chuckled. Nagsalubong ang mga kilay ko.
Ano bang sinasabi niya? Nababaliw ba to?

Napatayo ako sa kinauupuan ko ng makita kong tumayo din siya. I blinked, at bigla na lang siyang nawala sa kabilang room. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napahawak sa kurtinang nagsisilbing pintuan ng confession room na yun.

Nawala siya!



As I tore the curtain open, a hand touched mine. And his face appeared just in front of mine. The few inches between our faces made me suck my breath and have that unexpected drumroll in my chest. Nakangisi siya at titig na titig sa akin.

"J-Jisoo," I stuttered.




His grip on my hand tightened. Naningkit ang mga mata niya at tiningnan ako ng masama.

"Yoon Jeonghan," he whispered.


Napakagat labi ako habang nanlalaki ang mga mata.

Nahuli na naman niya ako!



"I didn't know you could be this desperate. Pretending to be a priest? You are really something. Hindi ko alam na aabot ka sa puntong ito," he said.

"H-Huh?"


Bigla na lang niya akong itinulak papasok at isinandal sa pader. My breathing hitched and my chest felt like it will blow just in seconds. Gumalaw ang isang kamay niya para hawakan ang isa kong kamay at itaas iyon sa gilid ng ulo ko.

S-syet!


Halos magkandabaliw baliw ako ng ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko na para bamg balak niya akong halikan. Napapikit ako ng mariin at napigil ang hininga ko.

Gashness!


Halos manayo lahat ng balahibo ko ng maramdaman ko ang hininga niya sa pisngi ko. Nanginig ako at pakiramdam ko ay mahihimatay na ako. And I almost did lost my consciousness when I felt his tounge licked the shell of my ear.




"FYI, pretty man, the priest doesn't have a long hair, a deep voice and doesn't spray sweet cologne," he whispered in my ear. Muntik pa akong napaungol ng kagatin niya ang tenga ko bago nagsalita muli. "And tbh, I'm not gay. And you know it. That's all. I hope God will forgive me for doing this inside the church. See you on your next cosplay, pretty man. Just keep trying, I might give you what you need if you succeed in catching my interest and trust. Goodbye. And goodluck."

Seconds after ay hindi ko na siya maramdaman. I opened an eye at sumilip. Wala na nga siya. Halos napaupo ako sa sahig dahil sa sobrang panginginig ng mga binti ko. Napahugot ako ng malalalim na hininga.

Gadz! What happened?!


romance • jihanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon