SUMANDAL ako sa sandalan ng bleacher na inupuan ko. Naiinip na napatingin ako sa entrance ng gym.Ang tagal naman yata ng mga magpapractice ngayon? Ang sabi ni Seungcheol may practice game sila ng 3PM dito sa gym. Pero 3:15PM na wala pa sila. Yung kalaban nilang tagaibang school ay kanina pa nandito. Nakakainis na nga dahil ilan sa kanila at mga fans nila ay pasulyap sulyap sa pwesto ko.
I scrunched my nose in annoyance. Binalik ko ang paningin ko sa libro at nagpatuloy sa pagbabasa kahit na hindi ko naman naiintindihan ang nababasa ko.
Nakaupo ako sa pinakakadulong upuan sa panglimang baitang ng bleachers. Medyo malayo ako sa mga manonood mula sa side namin. Plus balot na balot pa ako ng jacket. Parang haring nakataas ang mga paa sa ibabang bleacher, may hawak na libro, nakaeyeglasses at nakaearphone.
Di nga siguro maiwasang makakuha ako ng atensyon sa itsura ko ngayon. Hays...
Bakit ako balot na balot? Kasi may trip na naman ako. Rather, may gagawin na naman ako para kuhanin ang atensyon ni Joshua.
First time kong gagawin to. Ayaw ko sana pero tinatamad na akong umatras. Ipagpapatuloy ko na lang. Nasimulan ko na eh.
"Uh, hi, Miss."
Napaangat ang tingin ko mula sa libro para tingnan ang kung sino mang istorbo sa buhay ko. Magkasalubong ang mga kilay na napatingin ako sa ngiting ngiting mukha niya.
"Anong sinabi mo?," madiin kong tanong.
Napakamot siya ng ulo. Para bang nahihiya siyang sumagot. Pacute ang bwisit. Aba.
"I said hi, Miss," pagi-english niya pa.Mas lalo yatang sumama ang pakiramdam ko ng inulit nga niya. At mas nagpacute pa. Umupo pa sa tabi ko, mga tol! Ang kapal?!
I gave him a disgusted look.
"Gago ka ba? Hindi ako Miss!," pigil ang inis kong imporma sa kanya.He frowned. Hindi naman niya bagay?! Si Joshua lang ang bagay na magfrown?! Si Joshua lang ang cute sa mundo?! Si Joshua lang ang bagay magEnglish?! Si Joshua lang pwede lumapit sa akin?! Si Joshua lang!!?!
"Uh? Hindi ko gets. Pero, hello. My name is Joshua Park. Anong pangalan mo?," pagpapakilala niya.
Muntik ko ng ibalibag ang upuan ko sa sobrang gulat. Leche flan, Joshua din siya?! Knwlnsjnsonkshosjojsoj?!
Nang iabot niya ang kamay niya ay tiningnan ko lang iyon with matching tsk bago siya inirapan.
"Kung ang susunod mong tanong ay kung ano ang relationship status ko—"
"Paano mo nalaman—"
"Taken na ako," mabilis kong sagot.
Then, saktong nagsitilian ang mga babae sa magkabilaang side. Napamura ang lalaki sa tabi ko habang nakatitig sa entrance mg gym. Sinundan ko ang tinitingnan niya at halos magningning ang mga mata ko ng ang una kong nakita ay ang taong kanina ko pa namimiss. Kahit siya ang pinakahuling pumasok ay siya pa rin ang una kong napansin. Napaangat ang pwetan ko mula sa upuan at muntik na akong napatayo.
"My Jisoo..," I whispered dreamily.
A familiar feeling creeped in my chest, spreading through my system, when his eyes suddenly turned on my way. Tumigil ang mundo ko saglit bago tuluyang umikot ng napakabilis.
His face and eyes are void of any emotion. Pero sa sobrang intense ng pagiging malamig ng mga mata niya ay para bang nababasa ko na ang kung anong iniisip niya.

BINABASA MO ANG
romance • jihan
Short StoryWattpad Love Series #1 Romance "In which Yoon Jeonghan pretends to be different persons just to have the side of the story from the popular guy Hong Jisoo."