Poem #2: Pag sisisi

250 9 0
                                    

•Pag sisisi•

Walang araw na hindi ko sinasambit ang pangalan mo,
Nandito ka man o wala sa tabi ko,
Tuwing binibigkas ko ang pangalan mo,
Kasabay ang luha na umaagos sa mga mata ko.

Ikaw ay masaya na sa piling ng iba,
Ngunit ako ay patuloy parin na nagdudusa,
Puno ng pagsisisi at nawalan na ng pag asa,
Tila ba ako ay habang buhay nang mag iisa.

Bigla bigla ko nalang naaalala,
Ang sinabi mo nang huli tayong nagkita,
Mga dahilan kung bakit mo ako iniwan,
At syang dahilan kung bakit ako naliwanagan.
Ito ang mga kataga na iyong binitawan

"Patawarin mo ako sa aking nagawa,
minahal kita, maniwala ka.
Pero sa kanya ko nakita ang lahat,
Pati na ang pag ibig na masasabi kong tapat.
Noong mga oras na wala ka sa tabi ko, Sya ang naroroon para patawanin ako,
Noong panahon na kailangan ko ng masasandalan,
Yung balikat nya ang laging nandiyan.
Masisisi mo ba ako sa pangungulila ko sayo?
Ikaw nga yung kasintahan ko pero lagi kang wala sa tabi ko.
Hindi ako mag sasawang humingi ng tawad sayo,
Ngunit hinding hindi ako mag sisisi na mas pinili ko sya kaysa sayo."

Story Poems (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon