Poem #6: Ala Ala

155 2 0
                                    

•Ala-Ala•

Mga ala-alang binuo ng mag kasama,
Mga ala-alang hiniling na sana ay mawala na,
Pagmamahalan na nabuo ng hindi sinasadya,
Pagmamahalan na sana ay hindi nagawa.

Paano ba makalimot?
Tanong na hindi malaman ang sagot,
Tuwing maaalala walang ibang dala kundi poot,
Noon ay saya ang nadarama ngunit napalitan ng takot.

Takot na baka masaktan ka ulit,
Takot dahil baka iwan kang muli,
Mapapatanong ka nalang kung bakit?
Saan ba ako nag kamali?

Unang pag ibig ay hindi raw mamamatay,
Ngunit ako'y sumusuway,
Unang pag ibig ay namamatay,
Ngunit ang ala ala ay mananatiling buhay.

Oras lamang ang kailangan,
Wala ng sakit na mararamdaman,
Mahirap man sa una,
Pero mawawala yan ng di mo namamalayan.

Story Poems (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon