Poem #3: Pakiusap

187 5 0
                                    

•Pakiusap•

"Itigil na natin to." Nakayukong sambit mo.

Ngumiti ako sayo at nag bingi bingihan sa sinabi mo.

"Kumain ka na ba? Ipaghahanda kita." Tatalikod na dapat ako ng ako'y pigilan mo.
.
"Seryoso ako. Hindi narin naman magtatagal to kung mag isa ka nalang na nag mamahal dito. Mas mabuti pa sigurong tapusin na agad kung ano mang meron tayo. " Hinarap kita at ngumiti. Pinipigilan ang mga luhang nag babadyang lumihis.

"Sige. Pero maaari bang sabihin mong mahal na mahal mo parin ako kahit sa huling pag kakataon?" Tinignan mo ako na tila ba'y naaawa ka sa kalagayan ko.

"Hindi ba mas masasaktan ka pag ginawa ko iyon? Bakit ba mas gusto mong pahirapin ang sitwasyon mo?" Nakangiti parin akong umiiling at pilit na itinatago ang sakit, kahit pakiramdam ko ako'y sinasaksak ng paulit ulit.

"Hindi ako masasaktan, pangako iyan. Kahit man lang sa huling sandali ay marinig kong muli ang salitang iyong binibitawan." Napa buntong hininga ka at pilit na sinambit ang katagang aking hinihiling.

"Matulog ka na, ayokong napupuyat ka. Wag mong kalimutan na mahal na mahal kita. " Tumingin ako sa mata mo at may kung anong nag pabilis sa tibok ng puso ko. Umalis ka at iniwan akong nakangiti. Pinaniniwala ang sarili na totoo ang iyong sinabi. Umaasa ako na mahal mo parin ako at tila ba walang nangyari.

Story Poems (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon