Poem #5: Akala

153 1 0
                                    

• Akala •

Hanggang kailan ba ako iiyak?
Ilang luha pa ba ang kailangang pumatak?
Gabi gabi kong iniisip ang mga ala alang tumatak
Pusong kumakabog na biglang nawasak

Akala ko wala na akong nararamdaman,
Akala ko namanhid na akong tuluyan,
Ngunit bakit ng makita kita ulit,
Puso ko'y biglang nanikip.

Luhang nag uunahan umagos,
Mga paa ko'y tila nakagapos.
Hininga ko ay parang kinakapos,
Nasambit ko sa sarili ko kung kailan ba to matatapos?

Minsan ako'y na tutulala,
Iniisip ang panahong nakalipas na,
Sa una'y ngingiti ngunit matatapos sa hikbi,
Wala na akong nagawa kundi pumikit,
Hinihiling sa sarili na sana ako'y nananaginip.

Sa dami ng babaeng iyong nasaktan,
Bakit hindi ko manlang naisipan,
Na baka ako'y hindi mo pahalagahan,
Kagaya ng ginawa mo sa karamihan.

Paano ko pa nasasabi sayo na mahal kita,
Kahit ilang beses na kitang nakita na may kasamang iba?
Paano ko pa nasasabi na kaya ko pa,
Kahit na pakiramdam ko ako'y sinukuan mo na?

Story Poems (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon