•Pasensya na•
Pasensya na mahal ko,
Dahil hindi ako ang babaeng pinapangarap mo,
Pasensya na,
Dahil hindi ako perpekto kagaya ng taong mahal mo,
Pasensya na aking mahal,
Dahil pag mamahal lang ang kaya kong ibigay,
Pasensya,
Dahil hindi tulad ng iba,
Ako ay simpleng babae lang na hindi maganda.Kahit hindi man ako ang babaeng pinapangarap mo,
Asahan mo na ako ang mag mamahal sayo ng totoo,
Kahit pa ialay ko ang buhay ko sayo,
Marinig ko lang sa labi mo na mahal mo rin ako.Pero paano ito mangyayari,
Kung ang atensyon mo ay nasa iisang babae?
Tila ba sya lang ang nag iisa sa mundo,
Dahil reyna sya kung ituring mo.Sya ay perpekto sa iyong paningin,
Kung itatabi mo ako sa kanya ay wala pa ako sa kalahati,
Taglay nya ang lahat ng wala sakin,
Pati na ang puso mo na ang sinisigaw ay pangalan nya lagi.Kaya pasensya nang muli mahal ko,
Pero ang nararamdaman ko ay hindi ko isusuko,
Ipaglalaban ko parin ito,
Kahit ako nalang mismo ang natira sa labang to.
BINABASA MO ANG
Story Poems (Tagalog)
PoezjaA collection of different Story Poems written by me. Please do not repost or copy without my permission or without giving credits. This book is in tagalog language. I'll try to make an english version of this book but I'll finish this first. Enjoy...