Keeping the memories"
Part#4Halos araw araw siya ang kasama ko kahit pinagtutulakan ko na siya palayo ay sinusundan niya parin ako ,at lagi siyang sumusulpot kahit nasaan ako
Close na nga sila ni mommy eh eto nman si mommy tawag niya kay heaven anak tss
"Oy! Sev! Andito na tayo sa groceries!"
At ngayon kasama ko siya sa pagbili ng mga kailangan para lulutuin mamaya
Dahil birthday ko
"Ang saya ko dahil andito ako ngayong araw sa birthday mo hihi" medyo nasanay narin ako sa kaulitan niya at pag daldal niya.
"Wahhhhh!! Mommy! Daddy"
Nasa kalagitnaan kami ng pamimili ng may biglang batang umiyak
"Oh? Bata? Bakit ka umiiyak naliligaw ka ba? Gusto mo hanapin natin parents mo?"
Tinignan lang nung bata si heaven at tumango tango
"Tara hanapin nanatin"hinawakan niya ang kamay nung bata
Bigla akong tiningnan ni heaven
"Oy sev? Ano na? Tara na!"
Tss napaka pakialamera talaga nitong babaeng to.
Pumunta kami dun sa lost station at pina announce na may naliligaw na bata
Ang kailangan lang namin gawin ay maghintay s magulang niya na dumating.
"Baby? Saan ang anak ko?!"
Isang pamilyar na babae ang pumasok at palinga linga na hinahanap ang kanyang anak."Ah maam kayo po ba ang mommy ng batang to?"
Napatingin ako sakanya
"Baby anak! Thankgod! Nahanap kita mommy's here"
Bigla namang lumapit ang bata sakanya.
"Mommyyy"
Niyakap niya ang kanyang anak.
Nanlamig ang buong katawan ko nang magtama ang paningin namin
Hindi ako pwedeng magkamali
"Hon? Nahanap mo ba ang anak natin oh my god! Tyron you're ok?"
Pigil ko ang hininga ko nang makita ko siya
Ang kinasusuklaman kong tao
Ang dahilan kung bakit miserable si mama at malungkot
Napansin niya ako
At halata sa mukha niya na nagulat siya"S-sev"rinig kong sabi niya
"Salamat sainyo ah! Anong pwede naming gawin? I ibibigay namin kung anong gusto niyo bilang pasalamat sa inyo"
"Ay hindi na po maam masaya po kami na nakatulong kami sain-"
Pinutol ko na ang sasabihin ni heaven
"Hindi namin kailangan ng kapalit sa pagtulong"
Hinila ko na si heaven at kinaladkad paalis
Narinig ko pa ang mahinang tawag ng magaling kong ama sakin
Bakit ngayon pa?
Dapat masaya ang araw na ito
Kaso hindi na siguro magiging masaya itoHindi na kailanman magiging

BINABASA MO ANG
keeping the Memories (Completed)
Short StoryInspirational stories💖 Rank achieve #987 in shortstory😊