🎀Keeping the Memories
🎀
PART #8andito ako ngayon sa harap ng bahay ni heaven
Pangalawang beses na akong nag dodoorbell pero wala paring lumalabas na heaven
Sobrang dilim parin nag bahay nila wala manlang kailaw ilaw sa labas at hindi ko rin makita Sa loob
Alam kona!
Nagmadali akong umakyat sa kwarto ko at nagtungo sa may veranda inaninag ko kung may tao ba sa loob pero nakatakip ito ng kurtina pero may ilaw may naaninag akong naglalakad sa loob!
Baka si heaven yun!Kumuha ako nang malilit na bato sa mga paso dito at binato ang slidingdoor ni heaven
*pok* *pok* *pok*
Nakita kong papalapit na ang anino nang tao sa pinto
Nakita ko siya
"Heaven!"
Nagulat siya nang bahagya pero ngumiti agad ito
"Sev bakit? Anong kailangan mo?"
Parang may iba sakanya parang maputla siya
"Bakit hindi ka pumasok? Wala tuloy akong kasama kanina"
Ngumiti siya nang malawak
"Namiss mo ako?" Mapanuksong Sabi
Nagulat naman ako
"H-huh di ah!"
"Bukas na kasi ang aquitance party! Baka hindi mo sulputin ang partner mo" nagpout siya ng konti
Cute.
"Akala ko naman na miss mo ko wag kang mag alala nag absent lang ako p-para maghanap nang susuutin ko"
Hay buti naman
"S-sige! Matutulog na ako!"
Agad na akong tumalikod"Sige goodnight! I love you!"
Napahinto ako bigla
At biglang bumilis ang tibok ng puso ko lumingon ako sa veranda ni heaven at saktong sinarado niya na ang pintoBakit ganun?
Ang lakas ng epekto ng pagkasabi niya ng"I love you"
Argh!!! Nababaliw nanaman ako nagiging o.a na ako sa lahat ng mga nangyayari sa kin lalo na dun sa babaeng yun! Makatulog na nga lang!

BINABASA MO ANG
keeping the Memories (Completed)
ContoInspirational stories💖 Rank achieve #987 in shortstory😊