🎀Keeping the Memories🎀
PART #10Simula nung araw na iyon
Iniiwasan ko na siya
Sa tuwing kakausapin niya ako sinusungitan ko siyaHindi ko siya kayang tignan ng diretso sa mata.
Siguro ganito talaga
Wala talaga siyang nararamdaman para sakin
Dapat kalimutan ko na siya
Total ayaw naman niya sakin dibaPapunta na akong school
Nang nakita kong naghihintay si heaven sa labas nang bahay
Dumiretso lang ako at hindi ko siya pinansin
"Sev! Kausapin mo naman ako oh" hinawakan niya ako Sa braso
"Bakit kapa lumalapit sakin diba ayaw monaman sakin? Umalis kana hindi na kita kailangan" nakita ko ang pagkalungkot sa mukha niya
"Patawarin mo ako sev kung nagsinungaling ako sayo p-pero k-kung yan t-talaga ang g-gusto mo sige l-lalayo na ako sayo"
Parang gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa mga nasabi ko sakanya
Pero mas masakit ang sinabi niya sakin
Kaya ko nga ba?
Mahal na mahal kita heaven*sunday morning*
Ilang araw narin kaming hindi nagkikita ni heaven
At sa mga araw na iyon para akong lantang gulay hindi ako makakain ng maayos dahil siya ang iniisip ko
Pagkatapos niyang sabihin ang salitang yun kinabukasan ay hindi na siya pumasok
Nag aalala ako sakanya.
Kapag pupunta din ako ng veranda gabi gabi ay walang ilaw wala akong nakikitang tao walang heaven
Namimiss ko na ang mga ngiti niya,namimiss ko na siya.
Monday
Umaasa akong sana pumasok na siya
Sana makita ko na uli siya
Pero nadismaya ako na wala akong nakitang heaven wala siya sa tabi ko
Habang nakaupo ako ay narinig ko ang isang babae na nagsalita yung nagtanong sakin kung kamusta na ba si heaven
"Naku! Ano nanaman kaya ang nangyari kay heaven? Ang tagal niya nang nag absent katulad dati sana ayos lang siya" gustong gusto ko na talagang malaman kung ano ba ang meron kay heaven
Nilapitan ko siya
"Miss pwede mo bang sabihin kung anong meron kay heaven" tanong ko sakanya
"Huh? Hindi mo parin alam? Boyfriend ka niya pero hindi mo alam hay naku"nanggagaliti na ako sa inis saan naman nila nakuha na magkarelasyon kami ni heaven? Busted nga ako
"Pwede ba sabihin mo na! Isang tanong lang naman yun eh mahirao ba sagutin" natakit naman bigla ang babae dahil sa pagtaas ng boses ko
"M-may sakit siya isang malubhang s-sakit"napayuko ako ito
Parang nabingi ako sa sinabi niya
Ayaw tanggapin nang sistema ko na ang babaeng mahal ko ay may malubhang sakitAgad na akong umalis
Dahil sobrang kaba ang nangingibabaw sakinHeaven please saan kana ba?
Sh*t!Pinuntahan ko siya sa bahay nila nagdoorbell ako nang nag doorbell
"HEAVEN! LUMABAS KA PLS"
Ilang sandali pa ay may biglang lumabas na medyo katandaan na mga nasa 50's siguro at may bitbit na bagahe
"Hinahanap mo ba si heaven?"
Hindi ko alam kung sino siya pero tinanong ko nalang siya
"A-asaan po siya!? Kailangan ko po siyang makita!"
Sinama niya ako kung nasaan si heaven at nalaman kong tito niya pala ito at isa siyang doktor
Kinakabahan ako nang makita kong nasa hospital kami
Parang gusto konang umiyak
Bakit ngayon ko lang nalaman ang bagay na ito?
Kailan pa ba matatapos ang sakit na ito.
BINABASA MO ANG
keeping the Memories (Completed)
Historia CortaInspirational stories💖 Rank achieve #987 in shortstory😊