🎀Keeping the Memories🎀
PART #11andito ako ngayon sa harap ng room ni heaven nangjnginig ang kamay ko kung papasok ba ako o hindi
"Iho? Ano pang ginagawa mo jan tara na at pumasok"siya na ang nagbukas ng pinto
Dahan dahan akong naglakad papasok at una ko agad nakita si heaven na nakahiga ang daming kung ano ang nakakabit sa katawan niya
"Heaven? May bisita ka"
Hindi ko siya kayang makita na ganito sitwasyon!
Parang unti unti akong nasasaktan pinipigilan ko lang ang luha ko ayokkng makita niya iniiyakan ko siya!
Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata
Inilibot niya ang paningin niya at napahinto iti sakin
"Sev? A-anong pano ka napunta dito"yung tito niya na ang nagsalita
"Ako ang nagdala sakanya dito iha dahil gustong gusto ka niyang makita sige maiwan kk muna kayo"naglakad nang paalis yung tito ni heaven
"S-sev akala ko ba ayaw mo na akong makita"
Siya ang unang bumasag nang katahimikan dahil hindi ko kayang magsalita kasi kapag magsalita ako ay bibigay na ang luha ko at ayokong mangyari iyon!
"Sev?"
"B-bakit hindi mo sinabi?"
Yun agad ang lumabas sa bibig ko dahil naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko alam ang bagay na ito! Pero halos lahat sila alam nila ang sitwasyon ni heavenNgumiti siya
Nakakainis!"Ayoko kasing may isang tao nanamang nasasaktan dahil sa sitwasyo ko"nakangiti niyang saad
Hindi ko na napigilan ang sarili ko
"BAKIT NAKUKUHA MO PARING NGUMITI?! kahit nahihirapan kana sa sitwasyon ngumingiti ka parin! Hindi ka ba napapagod?! Heaven hindi masama ang umiyak"
Nagulat siya dahil sa pagtaas ko nang boses ko hindi ko rin na control ang sarili ko dahil sa emosyon na nararamdaman ko!
"Napapagod na kasi akong umiyak"
napatulala ako ng ilang saglit
Ibig sabihin umiyak na siya?
"Kapag umiiyak ka ibig sabihin pinipili mo ang pagiging miserable pero kapag lagi kanamang nakangiti tinutuloy mo lang ang pamumuhay mo sa mundong ito nang masaya oo hindi naman masama g umiyak pero mas pinili ko ang ngumiti para hindi ko maramdaman ang miserable nang buhay ko tinutulak ko sila palayo nasa sayo yan kung ano ang pipiliin mo choice"
Nakangiti parin siya habang sinasabi ang mga salitang iyon na animo'y wala siyang dinadalang hirap sa buhay niya
"Heaven please kayanin mo kahit hindi mo ako kayang mahalin pabalik please labanan mo yan dapat mabuhay ka"
Nakatingin lang siya sakin na may ngiti sa labi
"Oo sev mabubuhay ako para sayo at ikaw ang lakas ko kaya siguradong makakaya ko ito"
Naiiyak ako
Kaya nagpaalam Muna ako kay heaven para makapag pahinga na siyaHabang palakad na ako ay nakasalubong ko ang tito niya
"Sev? Aalis kana ba? Gusto sana kitang makausap"
Tanong niya
"Ah sige po, nagpapahinga na po si heaven"
Dinala niya ako sa office niya
At umupo ako"May gusto lang sana akong sabihin sayo tungkol kay heaven"nakinig na lang ako nang mabuti sakanya
May inabot siya saking litrato
Isang pamilya
Masaya at si heaven na nakangiti kasama ang buong pamilya niya tinitigan ko nang mabuti yung lalake na hula ko ay ito ang dad ni heaven"Solong anak nila si heaven, ang daddy niya na si Mayor Gilbert Martin at ang Mommy nyang si Theresa Martin isang Doktor din at kapatid ko ang mama niya
Sobra silang maimpluwensiya sa bayan nila dahil mababait at tinutulungan nila ang mga taong may nangangailangan nang tulong hanggang isang araw may nagtangkang pumasok sakanilang bahay at lumaban ang dad niya pero isang malungkot na pangyayari nasaksak ito sa bandang puso dead on arival ang katawan niya kitang kita ko ang pag iyak ni heaven kung paano siya sumigaw habang sinisigaw ang pangalan ng kanyang daddy at ang kanyang mommy hindi rin nagawang iligtas ang kanyang asawa dahil sa sobrang daming dugo ang nawala at nalaman din 4 na saksak ang natamo nang kanyang daddy kaya namatay ito walang ginawa ang mag ina kundi ang umiyak ng umiyak hindi nagtagal namuhay parin ang mag ina ng masagana pero ang kanyang ina sinubsob ang kanyang sarili sa trabaho kaya kadalasan si heaven lagi ang naiiwan mag isa sa bahay nila sobrang lungkot ang natamo nang bata hanggang sa nalaman na lang namin isang araw nagkasakit ang kanyang mommy dahil sobrang pagod at napabayaan na nito ang kanyang sarili dahil lagi siyang nag tatrabaho dahil nga wala na ang dad ni heaven isang malungkot nanaman na kwento ang buhay ni heaven namatay ang kanyang ina at ngayon si heaven nalang ang naiwan mag isa"
BINABASA MO ANG
keeping the Memories (Completed)
Historia CortaInspirational stories💖 Rank achieve #987 in shortstory😊