Part 9

2 0 0
                                    

🎀Keeping the memories🎀
PART #9
ito na ang araw nang aquitance party sa huli naging partner ko ang isang classmate ko
Hindi ko na masusundo si heaven dahil sabay sila ng partner niya at susunduin ko naman ang partner ko
Ano kaya magiging itsura niya?
Baka mainlove na nang tuluyan yung class president namin sakanya
Argh! Eto nanaman ako
Tanggalin mona sa isip mo si heaven sev kinakausap ko na ang sarili ko
"Sev halika nga dito"lumapit ako kay mommy
"Ano yun mom?"tinitigan lang ako ni mommy
"Binata na talaga ang anak ko,masaya ako para sayo anak"
Nagdadrama nanaman siya hay
"Ano kaba mom? Syempre hindi habangbuhay isang sanggol parin ako"napatawa nang saglit si mommy
"Sev patawarin mo ako ah, kung hindi ko naibigay sayo ang isang masayang pamilya katulad nang ibang pamilya jan na kumpleto at masaya"nakita kong napaluha si mommy 
Sh*t ayoko talaga umiiyak siya
Niyakap ko si mom
"Wag mo pong sabihin yan mom,ok lang po kung hindi tayo kumpleto hindi niyo po kasalanan masaya na po ako na kayo ang kasama ko ngayon kahit may iba na palang pamilya si dad sana maging masaya narin sila mahal kita mom you are the greatest gift came into my life iloveyou!"
I kissed her cheeck 
Patuloy parin siyang umiiyak
"Napaka swerte ko na ikaw ang naging anak ko sev isa kang mabuti at maunawain na anak,sana wag kang magaya sakin anak, sana mahanap mo na ang baaeng mamahalin ka nang buong puso im so proud of anak dahil sa mabuti mong puso" at isang higpit na yakap pa ang binigay niya sakin
"Ok mom! Tama na ang drama! Haha dapat masaya lang i love you so much mom! Remember that always"
Ngumiti siya sakin
"I'll always do anak,sige na baka malate kapa baka mainip si heaven niyan haha" pinunasan niya muna ang luha niya
"M-mom hindi ko po siya partner"
"Ano? Bakit hindi siya ang inaya mo? Hay nako bata ka dapat maamin mona sa sarili mo ang totoong nararamdaman mo baka mamaya huli na ang lahat" naguluhan ako sa pinag sasabi ni mom
At hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari mamaya sa party
Pagkatapos nang pag uusap namin ay umalis na ako
----fastforward------
Andito na kami sa venue,
Bigla ko nalang nilibot ang paningin ko sa lugar hinahanap ko siya
Andito na ba siya?
Hindi talaga ako mapakali 
Habang tumatagal palala nang palala ang nararamdaman ko sakanya
Hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam ba ito
Kailangan ko nang sagot
"Sev? Kanina ka pa linga linga jan may hinahanap kaba?" Tanong nang partner ko
"None,don't mind me"nasusungitan ko narin tong partner ko
Nagsimula nang mag salita ang host
"LADIES AND GENTLEMAN THANK YOU FOR BEING HERE LET'S START THE PARTY AND JUST ENJOY THIS WONDERFUL NIGHT!"
naghiyawan na ang mga tao lahat sila ay sumasayaw sa gitna at ako naman nakaupo lang at yung partner ko naman ay kumakain na
Asan na ba sila?
Baka mamaya ibang lugar dinala nang lalaking yun si heaven!
Kanina pa nag sisimula wala parin sila aish!
Tumayo ako at pumuntang restroom
"Wait! Where you going? Iiwan mo akong mag isa dito?"
Pigil saking nang partner ko
"Restroom"at tuluyan na akong umalis
Naghilamos ako sa mukha para pakalamahin ang sarili ko
"Ano bang nangyayari sayo? 
Kumalma ka kalma lang"
Huminga ako nang malalim inhale exhale
Ilang minuto pa ako doon at pagkabukas ko nang pinto ay sakto papasok narin ang taong hinahanap ko
"Ikaw! Saan mo dinala si heaven?!"
Halata ang pagkagulat sa mukha niya
"Woah! Easy dude! Nakakagulat kanaman pwede pag ihiin mo muna ako? Kasi ihing ihi na talaga ako ok?"
Tinignan ko siya nang matalim 
Binitiwan ko ang kwelyo niya 
At agad naman siyang pumasok sa loob
Ilang minuto rin ay lumabas na rin siya
"What now?" Agad ko siyang tinanong
"Hahahaha bakit kasi hindi siya ang inaya mong maging partner tapos ngayon para kang na papraning muntik pa akong bangasan sa mukha!" Napapailing na sabi niya
"Sagutin mo ang tanong ko ang dami mong sinasabi saan na si heaven?"
Ngumisi siya sakin
Aktong susugurin ko siya ulit 
Nang magsalita siya
"Hahaha don't worry nasa table siya ni mara"
Agad na akong umalis at bumalik sa table ko.
Nakita kong masayang nagkwe-kwentuhan si heaven at nung partner ko.
"Heaven"
Mahinang tawag ko sakanya
"Oh? Sev ang gw-" hindi niya na naituloy ang sasabihin niya nang bigla nalang siya hinila at niyakap
Feeling ko gustong kumawala lahat ng emosyon ko
Hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang siyang niyakap
Pero ngayon narealize ko 
Kanina lang
'Im inlove with this woman'
At gusto kong magtapat sakanya 
Pero pinapangunahan ako ng kaba!
"Sev? Ayos kalang ba?"
Damn.
"Akala ko ano na ang nangyari sayo,naiinis ako sayo!"
"OMG! COUPLE SPOTTED! PLS COME FORWARD AND DO THE SLOW DANCE HERE"
bigla nalang may spotlight nang nakatutok samin at napansin kong may dalawang couple pa ang nakatutok sakanila at pumunta sa harap
Inilahad ko ang ang aking kamay kay heaven para yayain siya sa pag sayaw
naghiyawan naman ang mga tao
She flash a beautiful smile.
And yeah she's so damn gourgeous tonight.
(Now playing: Heaven knows)
She's always on my mind 
On the time i wake up
Till i close my eyes 
Shes every where i go 
She's all i know
Hindi ko maalis ang paningin ko sakanya.
Nakangiti lang siya sakin 
Hindi ko alam kung paano ko uumisahin ang pag uusap namin
Dahil kinakabahan ako
"Ang gwapo mo"unang lumabas sa bibig niya
"Hmm ikaw naman napakaganda mo"
Natawa siya nang bahagya
"Bakit iba ang kinikilos mo ngayon? "
Tanong niya na ikinagulat ko dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
"Bakit kayo late dumating?"
Nakangiti lang siya
"Ang totoo kanina pa kami dito"
Kanina pa sila?
"Huh? Hindi ko kayo nakita"
"Nasa likod lang kami eh haha"
Tss.
Ilanh minutong katahimikan patuloy lang kami sa pagsasayaw
Kinakabahan talaga ako.
Naiilang
"Ang saya ko na nakilala kita sev"siya uli ang nagsalita
"U-uh ako rin"nauutal ako nakakahiya!
"Alam mo nung una kitang nakilala napakasungit mo hindi ngumingiti pero nalaman ko sa likod nun ay mabigat kang pinagdadaaanan ininsip ko rin ano ba ang purpose mo sa buhay ko? Bakit tayo pinagtagpo yun pala may mission ako bago ako mawala sa m-mundong i-to" nakangiti parin siya
Paano niyang nagagawang ngumiti? 
At anong sinasabi niyang mawawala sa mundo?
Kinakabahan talaga ako
"A-anong sinasabi mo?"
"Wala! Ang sinasabi ko na may mission ako na dapat gawin bago ako mawala sa mundong ito balang a-araw" alam kong nagsisinungaling siya
"Heaven can i tell you my secret?"
Nakangiti siyang tumango
"Ano yun? Hindi ko ipagsasabi"
ipinikit ko ang aking mata
"Mahal kita"
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Natatakot akong makita ang reaction niya
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko
At sa pangalawang pagkakataon
Hindi siya ngumiti
Walang emosyon
Nakatingin lang siya sakin
Pero ilang sandali lang nagsalita siya
Isa sa pinakamasakit na salita na narinig ko
At iniwan niya akong mag isa
Bakit heaven?
Bakit mo ako sinaktan?
At hinayaang mag isa
Tuluyan nang tumulo ang luha ko sa aking mga mata
"W-wag mo akong mahalin"

keeping the Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon