“Bye,Dad. Salamat po sa paghatid.” Paalam ni Nana kay Tito.
“Huwag na po kayong mag-abala pa mamaya sa pagsundo sa amin. Dala naman namin itong mga bisikleta. Salamat po uli.” sabi ko naman habang ibinababa mula sa truck ang mga ‘service’ namin.
“Okay,sige. You guys enjoy the day and be good.”
“Psh,what are you saying Dad? Of course we’ll be good. Kelan ba naging hindi?” nakangiting wika ni Nana.
“ Don’t get me started on you, young lady. My memory is still pretty sharp and I still clearly remember noong tumawag sa akin si Tatang dahil binuhusan mo ng kumukulong kape iyong customer niyo.”
Natawa ako sa sinabi ni Tito habang ikinakandado sa my rehas ang mga bike namin . Di ko ineexpect na maaalala pa niya ang bagay na iyon,it’s been two years since that incident.
“Tito, not that I approve of what she did,but Nana had a pretty good reason on doing so.”
“Oo nga naman,Dad. The guy was being a total jerk. HE INSULTED MY COFFEE! At kahit sinong gumawa nun eh parang ininsulto na rin ang pagkatao ko!” nangangalaiting tugon ni Nana.
“If you say so,but still, your reaction was over the top, princess. Control that temper,ok? See you guys later.” Sabay halik sa pisngi naming dalawa.
“ Bebs,come on.” Yaya ko sa kanya. Hindi pa rin maipinta ang mukha niya habang tinatanaw palayo ang sasakyan ni Tito.
“ Pasok na tayo, baka masabon tayo ni Tatang. Lunes pa naman, siguradong madaming tao ngayon.”
“ You’re right. Nakakainis lang ba’t pa kasi ipinaalala ni Daddy iyon nangyaring iyon. Bwesit talaga ang lalaking iyon, naku pag makita ko uli siya hindi lang kapeng kumukulo ang ibubuhos ko sa kanya, mantika na rin.”
“Grabe,masyado ka yatang bayolente ngayon,huh. At kahit makita mo uli siya hindi mo na rin naman iyon mamumukhaan di ba?”
Noong binuhusan kasi ni Nana ng kape iyong lalaki eh nakatalikod naman sa kanya iyon at hindi niya masyadong nakita ang mukha.
“ I don’t need to see his face to know it’s him. I can smell my enemies 10 miles away,bebs.” Sabi niya na may evil look sa mukha na nakakatawa imbes na nakakatakot.
“At saka nakita ko na may maliit siyang birthmark sa likod ng left ear niya,pwede na iyong palatandaan pag hindi gumana ang pang-amoy ko. Hehe.”
Sasabihin ko pa sana na hanga ako sa memory at observation skills niya at pati munting birthmark eh natandaan niya ng biglang dumagundong ang tinig ni Tatang Celo, ang head barista at boss namin sa Bean n’ Love,mula sa may backdoor.
“HOY KAYONG DALAWA!TAMA NA ANG SATSAT AT PASOK NA SA LOOB!DARATING NA ANG MGA CUSTOMER HINDI PA NAKAAYOS ANG MGA MESA,ABA ABA. HINDI KAYO BINABAYARN PARA BLA BLA BLA BLA...” at kung anu anu pang sermon.
Opo. Ganyan lagi ang linya niya tuwing umaga. Medyo good mood pa nga iyan sa lagay na iyan, kadalasan kasi ang una mong maririnig eh sesante ka na dahil late ka ng 5 segundo. Pero kahit ganyan siya eh nakasanayan na naming lahat, alam naman kasi naming lambing lang niya iyan at may soft spot siya para sa amin.
In a way na hindi nga lang masyadong halata.
Pagpasok na pagpasok mo sa loob ng Bean n’ Love eh agad mong maaamoy ang aroma ng kape na parang umeengganyo sa iyo na manatili sa lugar na iyon at hindi na kailanman umalis. OA much?hehe.
Pero sa totoo lang eh napakasarap talaga ng kape namin, at hindi iyon pagbubuhat ng sariling bangko. The ambiance of the place definitely spells home, simple lang ang mga kagamitan pero kaaya-aya naman ang hitsura. Nakadagdag pa doon ang abot-kayang presyo sa mga produkto.

YOU ARE READING
when cupid strikes
Teen FictionWhat happens when a cynic towards love got hit by Cupid's golden arrows? Can she survive the fall or be broken by it? Let's see how Chassy handles her situation the moment she met Ty, the man who will go to lengths to win her love. Let's see how th...