Work is definitely something that can keep my mind off things.
As usual marami na namang customer at hindi magkamayaw ang tao. Hanep, baka mawalan na ng customer ang Starbucks dahil sa amin. Joke lang.
Pero hindi po iyon malayong mangyari.
Hindi pa rin ako kinakausap ni Nana. Hindi siya nag-react tungkol doon sa walk-out echos ko kanina.
Mabuti na rin iyon dahil tingin ko eh hindi pa ako ready na makipag-usap sa kanya.
Kung iisiping mabuti eh pwede rin akong magalit sa reaction niya.
Akala ko ba, kaya niyang hanapin ang lahat ng dragon balls para sa akin?
Pero bakit sa isang munting mali (oo na, I admit it, maybe it wasn’t right not to tell her) lang parang nakalimutan na niya lahat ng pinagdaanan namin? Ano iyon, may expiration pa la iyong eke k niyang iyon? Grabe, akala ko blood is thicker than water.
Oi readers sa akin kayo pumanig,ako ang bida rito.hehe.
Dahil lang sa Luigi na iyon na hindi naman ka gwapuhan talaga eh kinalimutan na niya ako. Bwesit talaga na pag-ibig iyan, oo.
*tikhim tikhim* kahit si Ty bwesit?
OO! Siya ang puno’t dulo ng lahat ng ito.
Kung hindi ba naman siya nakipag kaibigan kay Luigi eh di sana ay hindi sila nagkasama sa iisang picture, at hindi ko sana nakita iyong mukha niya sa facebook ni Nana.
Walang kasalanan si Ty. Kung hindi sana naimbento ang camera,internet, at kung hindi ipinanganak si Mark Zuckerberg eh di sana wala kang problema ngayon.
Ba’t ba sabat ka ng sabat, brain voice?
Wala naman, gusto ko lang ma expose. Rexona!
Hay naku. Adik talaga, oo.
“Oi,Chassy. Kanina ka pa tinatawag ni Tatang Celo. Di mo ba naririnig?”, untag sa akin ni Lani.
“Obviously ay hindi ko siya naririnig dahil kung narinig ko siya eh di hindi mo na kailangan pa akong sabihan na tinatawag niya ako.”
Aay, pati ba naman sa pagtawag sa kin kailangan may step-by-step explanation?
“Ano ba ang meron at parang bad trip ka today?”,dagdag Nina.
“Wala. Sige punta na ako kay Tatang Celo.”
Tinungo ko na ang opisina ni Tatang. Ano kaya ang sasabihin niya sa akin? Minsan lang naman siyang magpatawag ng mga staff at iyon ay pag may serious offence na nagawa.
Kinabahan tuloy ako.
“Oh, mabuti naman at bumalik na ang pandinig mo. Kanina pa kita tinatawag.”
“ May iniisip lang po ako Tatang,pasensya na po. Ano po ba’ng kailangan niyo sa akin?”
“May tumawag kasi sa akin kagabi. Siya daw si Ms. Mavara Samaniego.”
“Ho!?” si Mama!
“Sure ho ba kayo,Tatang?”
“OI HIJA. MEDYO MATANDA LANG AKO NG KAUNTI SA IYO KAYA MATALAS PA MEMORYA KO. NAKAKASAKIT KA NAMAN NG DAMDAMIN. HINDI PA AKO ULYANIN, AKALA MO. ”
“Sorry po. Uhm wala naman po akong masamang ibig sabihin.”
“Ano ba daw po iyong kailangan niya?” kunot-noong tanong ko.
Why on earth would she call here? She doesn’t even know where I’m working. Well, pwede namang sinabi sa kanya iyon ni Tita Moira, but still, why would she bother?
YOU ARE READING
when cupid strikes
Teen FictionWhat happens when a cynic towards love got hit by Cupid's golden arrows? Can she survive the fall or be broken by it? Let's see how Chassy handles her situation the moment she met Ty, the man who will go to lengths to win her love. Let's see how th...