bad day

15 0 0
                                        

“Oh, nasaan si Nana? Nasaan si Rance? Tawagin niyo nga, may papasok na naman na customer tapos short tayo sa staff. Ano ba naman kayo.” Sabi ni Madam L.

“Ako na lang po ang tatawag kay Nana, Madam.” Pagboboluntaryo ko.

“Sige, Chassy. Bilisan mo at marami pang gagawin.”

Lumabas na rin ako at sinundan sina Nana at Rance. Nandoon pa rin sila sa may parking lot at mukhang tinatanaw iyong kotse nina Ty.

“Nana, ano ka ba naman? Oras ng trabaho ngayon. Pasok ka na sa loob, hinahanap ka na ni Madam L. Baka mapagalitan ka.”  Sabi ko sa kanya.

“Sweetie pie sino ba iyong lalaking iyon,ha? Sino siya sa buhay mo? Ba’t hinahabol mo siya? Oi, sweetie pie,sumagot ka naman,” pangungulit ni Rance kay Nana.

Hindi sumagot si Nana, ipinagpatuloy lang niya iyong pagtanaw sa malayo.

“Uhm, Rance pasok ka na sa loob. Ako na lang bahala kay Nana.”

“Okay lang ba ang sweetie pie ko,Chassy? Bakit ganyan siya?”

“Mamaya na lang ako magpapaliwanag sa iyo, Rance. Pumasok kana. Marami na customers doon.”

Nagdadalawang-isip pa ring pumasok sa shop si Rance.

Hayy. Paano ba ito? Mukhang tinamaan ng depression si pinsan.

“Bebs?” untag ko sa kanya. Wala. Hindi sumagot.

“Oi, magsalita ka naman diyan. Pag mahipan ka ng hangin eh forever ka ng ganyan,sige ka.”

Tumingin siya sa akin. Hindi ako sigurado kung hinanakit ang nakita ko sa mga mata niya o pang-aakusa.

“Ba’t hindi mo sinabi?!” galit niyang tanong sa akin.

“Ang alin?” pasimple kong tugon.

“Na nandito si Luigi kanina!! Alam mo naman na gustong-gusto ko siyang makita, di ba? Bakit ka naman ganoon, Chassy?” naiiyak na sabi niya.

“Hindi ko sinabi sa iyo na nandito siya dahil--------“ ,

“Dahil ano?! Dahil ayaw mo na masaktan ako pag hindi niya ako pinansin? Ganoon ba?”

“Parang ganoon na nga. Look, he was being a jerk to me when I served him. I just thought that i wouldn’t want you to see that grumpy side of him. I didn’t want you to be disappointed.”

Paliwanag ko. Sana maintindihan niya iyong point ko.

“ Paano mo naman nasabi na hindi niya ako papansinin? Ikaw ba si Luigi,huh?

I don’t care what side of him I see as long as I get to see him and talk to him. You are so selfish! You knew that I’d be very happy if I see him, and you don’t want that. You want everyone else to be as hollow and miserable just the way you are!!!” umiiyak niyang sabi.

“Hey, careful with the accusations, Nana. You’re being melodramatic. You know that I wouldn’t want you to be unhappy. and he really was being an ass.”

“Really? Look what you did! I’m so freakin’ happy. I suppose I have to thank you now because I didn’t get to meet the love of my life?” she said in a sardonic voice.

“No, I suppose we have to get back to work now if you don’t want to be jobless, and we’ll settle this at home.” Sabi ko.

“There is nothing to settle, Chassy. Just don’t talk to me because you’ll never understand.”  tinalikuran niya ako at tuloy-tuloy na pumasok sa shop.

And I was left there in the parking lot feeling like I’m the worst friend ever. Was I wrong?  

Ayaw ko lang naman na ma disappoint siya. Oh dapat bang siya mismo amg pinagpasya ko kung ma didisappoint ba siya o hindi sa ugali ng ugok na Luigi na iyon?

when cupid strikesWhere stories live. Discover now