see you again

19 0 0
                                    

Dumeretso ako sa CR noong makaalis ako kina Ty.

Iyong something on your nose pala na sinabi niya ay soot.

Naman, ano na lang iisipin niya sa akin? Pinahid ko na iyong duming nasa ilong ko.

*coughs coughs*

Matanong ko lang,ha. Eh ano ba ang pakialam mo kung ano ang isipin niya sa iyo? Wala ka naman sigurong plano na makipag-close sa lalaking iyon? Kaya hindi mo kailangan magpa-impress Chastity.

Whatever he thought of you is unimportant and irrelevant,ok? Let’s get that thing straight.

Tama. Hindi dapat ako nag-iisip ng mga bagay na ganoon.

I just have to stop noticing how his eyes seems to glint when he smiled—or how those lips curve into that oh so charming smile, or how his voice-----

Sinabi ng stop,kung anu-ano pa pinagsasabi. TUMIGIL KA NA,BRAIN!PLS NAMAN..

I promised myself that I will never fall in love with anyone. I don’t want to break that promise. I will never break that promise. I’m not gonna end up like her.

Pero mukhang ngayon na masusubukan ang katatagan ko..

(Radio: Oh tukso, layuan mo ako...)

----**----

Nang makabalik na ako sa may counter, hindi na masyadong busy si Nana.

Hanggang ngayon eh nagdadalawang isip pa rin ako kung sasabihin ko bas a kanya o hindi na si nandito ngayon iyong hindi naman pala kagwapuhan at mabantot pang si Luigi niya.

Sasabihin ko ba o hindi? Isip isip...

“Nana, pa refill nga ng Frapp dark para sa table 7,dalawa. Oi,Chassy, saan ka ba nagpunta? Ikaw iyong nakatoka sa table nila pero bigla ka na lang nawala.”, sita sa akin ni Lotty,isa din sa mga servers.

“ah iyon ba? Nag CR ako eh. Pasensya ka na Lotty,nagalit ba si Madam? Salamat sa pagsalo ha?”

“Hindi naman napansin ni Madam, pero mukhang napansin nung customers. Tinanong ako kung ano ba daw nangyari sa unang server nila. Kilala mo ba ang mga iyon? Grabe, ang gwagwapo talaga! Type ko iyong naka brown.”, mukhang kinilig itong si Lotty.

“Hindi naman mga gwapo iyon,mga mukhang unggoy nga eh.”, except sa naka brown,hehe,dugtong ko sa isip ko.

OI.TAMA NA SABI EH.

“Gwapo? Ako ba ang pinag-uusapan niyo? I’m sorry girls pero hindi ko kayang pagtaksilan ang sweetie pie ko. Pasensya ka na Lotty, pero wala ka ng chance sa akin.”, sabat ng kararating lang na si Rance.

“Narinig mo iyon sweetie pie? Faithful ako sa iyo. Ikaw lang talaga—

Ibinigay na ni Nana iyong mga order ni Lotty sabay sabi kay Rance ng

“Hoy Calderon! Wala akong pakialam kung makipag landian ka mga babae mo pero para sa kaalaman mo, hindi ikaw iyong pinag-uusapan nilang gwapo. Ang kapal talaga ng apog mo.Ikaw iyong mukhang unggoy.” Sabay irap dito,

“Oh ayan na Lotty. Sino ba iyong mga nasa Table 7 na iyan?” then she leaned over the counter to take a peek.

Naku,baka makita niya si Luigi siguradong riot ito.

“OI NANA!ANO BA ANG PINAGGAGAGAWA MO DIYAN?BUMALIK KA NA RITO AT MAGTRABAHO! KUMIKIRENGKENG NA EH ANG BABATA NIYO PA! TIGIL TIGILAN MO SI NANA RANCE AT BAKA PUMANGIT ANG TIMPLA NIYAN PAG MAINIS SA IYO. OH BALIK NA SA TRABAHO! ITONG MGA BATANG ITO TALAGA. AT AKO LANG ANG GWAPO RITO!”

when cupid strikesWhere stories live. Discover now