Dati nagpakatanga-tangahan lang ako kasi akala ko balang araw mamahalin mo rin ako. Naniwala ako sa sinabi ng ibang tao na baka may gusto ka sakin. Kaso ngayon parang nagising ako sa katotohanan na hinding hindi pala mangyayari yun kasi hindi naman ako ung type mo.
Sorry ah. Sorry kung hindi ako yung mga type mong babae. Sorry kasi ganito lang ako. Hindi ko kayang maging kagaya ng mga type mong babae. Kasi ako lang naman ito eh. Simple. Hindi kagandahan. Medyo matalino. Hindi ako sexy. Hindi kami mahirap pero hindi din naman kami mayaman. Sorry ganito lang ako. Pero kahit ganito lang ako. Mahal na mahal kita kahit ayaw mo sakin.
Sa bawat gabi na umiiyak ako, isang bagay lang ang lagi kong hawak. Ang iPhone ko. Sa notes ng iPhone ko, dun ko nilalagay lahat ng nararamdaman ko. Dun ko kinukwento lahat. Oo may mga kaibigan ako na pwede kong pagsabihan pero ayokong pati sila madamay ko. Ayokong umiyak sa harapan nila. Ayokong makita nilang nasasaktan ako kasi ayoko silang magalala. Ayoko malaman nila na kapag anjan ka nasasaktan ako. Kaya tinatago ko na lang lahat sa sarili ko at sa notes ko na lang binubuhos lahat ng emosyon ko.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
But when he knew about the notes she has written, will everything change or was he too late? Too late for what? A happy ending? But they say before you finally claim your happy ending, you'll suffer through a lot of things. Is it to suffer from a lot of pain and complications?
BINABASA MO ANG
Unsaid Notes
Teen FictionHindi mo cguro alam kung gaano ako nasasaktan ng dahil sayo. Hindi mo cguro iniisip na halos gabi gabi kitang iniiyakan. Hindi mo din cguro alam na ikaw lang lagi laman ng puso at isipan ko. Hindi mo rin alam na sa tuwing nasasaktan ako, notes lang...