Chapter 6 (Part 2)

12 0 0
                                    

Melissa's POV

Eto kaming lahat, tahimik at walang imik.

Hindi ko alam kung paano namin sasabihin kay Ariana.

Hindi ko alam kung paano ba kami magsisimula ng plano namin. Hindi ko alam kung ano nang gagawin.

Lahat kami nakatulala at nagiisip ng paraan.

Jane : "So ano na?"

Ako : "Sabihin na lang natin kay Ariana. Tutal hindi naman matatago ni Ariana yun habang buhay at cguro ito na ang tamang panahon."

Maddie : "Sabihin?! Alam mo ba kung ano sinasabi mo Melissa?! Tamang panahon?! Sa tingin mo ito yung tamang panahon?! Kung kelan nasasaktan na si Ariana. Kung kelan nagdudusa na sha?!"

Hindi kami makaimik lahat. Si Maddie kasi ang pinakaclose ni Ariana bago pa kami nabuo, magbestfriends na talaga sila.

Simula nung Grade 5 sila na talaga ang magkasama. At alam ni Maddie na masasaktan si Ariana kapag nalaman nya to.

Babaero si Max at paasa. Baka mamaya kapag nalaman nya na ito, isa si Ariana sa mga lokohin nya. Ayaw namin na masaktan sha ng dahil lang sa isang walang kwentang lalaki. Ngayon pa nga lang hindi na namin kaya. Paano pa kaya kapag mas higit pa dun ang gawin ni Max sakanya? Oo, mabait si Max kaso hindi mo rin masasabi kasi sobrang dami nya ng pinaiyak na babae. Ayokong pati si Ariana mapabilang sa mga babaeng yun.

Maddie : "Alam nyong gag* si Max! Tang*na ayoko masaktan si Ariana ng dahil lang sakanya, tama na itong nakikita ko. Ayoko na mas lumala pa yung kalagayan nya."

Jane : "Maddie! Wala na tayong ibang choice! Mas lalong masasaktan si Ariana kapag tinago pa natin ito sakanya!"

Maddie : "BULLSH*T! May iba pang choice, okay?!"

Jane : "WALA NA NGA! WALA NA! Masasaktan pa rin siya kahit anong gawin natin!"

Hindi na nagsalita ang iba, kabilang na ako. Napaluha na si Maddie at Jane sa sigawan nila.

Maddie : "Ayoko lang naman masaktan si Ariana eh." Mahinahon na si Maddie pero umiiyak pa rin. Napayuko ito pero niyakap naman agad siya ni Jane.

Jane : "Sorry. Wala na tayong ibang magagawa, masasaktan pa rin siya kahit na anong mangyari."

Tumango na lamang si Maddie at umiyak pa rin.

~•~•~•~•~•~•~•~

Nauwi ang desisyon naming lahat na sabihin na lang kay Ariana. Napagkasunduan namin na mas lalo namin babantayan ang galaw ni Ariana. Kapag nakikita namin na umaaligid sakanya si Max susubukan namin ang makakaya namin upang mailayo sha dito. At kapag nakikita namin na pinapabayaan na niya ang sarili niya, kami na din mismo ang sasaway sakanya.

Hindi namin sha pababayaan. Andito kami para saluhin sha kahit ano man mangyari.

~•~•~•~•~•~•~•~

A tough decision always leads to sacrifice.

Maikli lang talaga toh guys kasi hindi ko na kayang pahabain pa yung part 1 dahil nga sa sakit ko :( pero ok na naman :)

Next chapter. Sasabihin na nila kay Ariana. And Im thinking na dun na din ako maglalagay ng FIRST POV NI MAX :)

Unsaid NotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon