Ariana's POV
"Miss..." *snap* *snap* "Miss..." *snap*
Nabalik ako sa katinuan. Nakayuko pa rin ako at ang magulo kong buhok ngayon ay nakatakip sa mukha ko.
Napaangat ang ulo ko ng dahan dahan. At tumingin diretso sa mga mata nya.
Yung mata nya na yun na ngayon ko lang ulit nakita simula nung last day of classes last year.
Yung mukha nya na lagi ko lang tinitignan sa iPhone ko dati, ito na. Sa malapitan ko na sha nakikita.
Hayyy... Nako Ariana. Wag mo na nga isipin yun.
Napatingin ako sa paligid namin, ang daming tao. Nakakahiya. Huhu. Lahat sila nakatingin samin. Nakakahiya talaga.
"Ariana!" Sabi nya. Na medyo nagulat pa sa tono ng boses nya.
"Max!" Sabi ko. Na nagkukunwari na medyo nagulat din kasi kanina ko pa naman alam na sha na itong nasa harapan ko.
Yep. He's Max Angelo B. Dela Cuesta. Ang lalaking minahal ko ng sobra. Minahal ko ng palihim. Hanggang ngayon hindi nya alam na may nararamdaman ako para sakanya kasi ngayon nya lang naman ako pinansin at ngayon lang kami nagkausap sa personal. Pero kelan nya kaya malalaman na may nararamdaman ako para sknya? Cguro hindi na. Ayoko naman kasi ipaalam. Kasi kapag nalaman nya alam ko naman hindi nya ako sasaluhin.
Tinulungan nya ako tumayo at inayos nya ang mga gamit na nahulog ko dahil sa pagkakabagsak ko kanina.
"Ariana!" May tumawag sa akin sa may bandang likod. Napalingon ako at nakita tumatakbo palapit sa akin sina Maddie kasama na din nila si Nadine.
Nagsmile na lang ako sakanila para malaman nilang ok lang ako.
"Uy nagaalala kami sayo. Hindi ka na nakasagot kanina ng maayos sa tawag ko kanina. Akala namin kung ano na nangyari sayo." Sabi ni Jane.
"Oo nga. Akala pa tuloy namin nahulog ka sa hagdan." Sabi ni Natalia.
"Ang OA nyo naman natapunan lang naman ako ng juice ni Max."
Bigla dumilat ang mga mata nila. Pinandilatan ko sila ng mata since nasa likod ko naman si Max at hindi nya naman ako makikita. Nagsmile lang naman sila ng nakakaloko. Alam kasi nila na may gusto ako kay Max kaya inirapan ko tuloy sila. Tumingin sila sa likod ko.
"Hi Max." Sabi ni Maddie
"Hey." Sagot naman ni Max
"Sorry pala kung nagaalala kayo kay Ariana. Hindi ko talaga sinasadya tapunan siya ng juice. Ariana, sorry din." Sabi ulit ni Max ng nakayuko.
"Hindi ok lang talaga. Kasalanan ko din naman hindi din kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko."
"Halika, sumama ka sakin. May extra shirt ako sa locker ko. Hiramin mo na lang. Hindi, actually sayo na lang yun. Nakakahiya naman kasi andumi na nung uniform mo."
Oh shit. Sabi ko sa isipan ko. Bat mo sinabi yan? Andito ang tropa ko!
"Hindi!" Gulat kong sabi.
"Hindi! Ok lang! Bibili na lang ako dun sa~~~"
"Ariana dba ayaw mo na nababasa ka?" Sabi ni Melissa sabay higit naman sa braso ko
"Oo nga Ariana. Dapat pumayag ka na. Nakakahiya oh. Maglakakad ka basa damit mo." Birit naman ni Natalia.
"Nako naman. Malayo pa naman yung bookstore. Cge na sumama ka na kay Max." Sabi din ni Jane
"Pero~~~" sabi ko. Kaso di naman nila ako pinatapos kasi tinulak nila ako kay Max at tumakbo na silang lima paalis.
Buti na lang hindi ako natumba kay Max. Buti na lang nagtama lang ung balikat namin kasi napaiwas ako nung tinulak nila ako. Buti na lang talaga! Pero humanda talaga sakin yung limang yun! Papatayin ko sila isa isa mamaya. GRRRR!!!
"Tara na?" Tanong ni Max
"A-ahhh. O-ok. Cge." Sagot ko.
At naglakad na kaming sabay papunta sa locker nya.
"Ay, akin na pala yung gamit ko. mabigat yan. Ako na magbibitbit." Sabi ko kay Max.
"Hindi, ako na magbibitbit para sayo." Tumingin sha sakin at nagsmile.
Shems! Yung ngiti nya na yun. Pamatay eh. Kinikilig po ako! Waaahhhh! HAHAHAHA! Ang saya saya ko kung alam nyo lang.
Pero syempre hindi ko pinahalata kasi baka mamaya malaman nya na may gusto nga ako sknya.
Hindi na ako umangal baka kung ano pa lumabas sa bibig ko. Nagsmile na lang ako sknya at nag "Thank you."
Binuksan nya na yung locker nya at kumuha ng isang plain, black, V-neck t-shirt.
"Eto na yung shirt. Dun ka na lang sa CR na yun magbihis." tas may tinuturo sha sakin na restroom sa may bandang kanan namin.
Naglakad na ako dun bitbit yung shirt at pumasok na sa CR.
Nagbihis na ako at nagayus ako ng buhok at mukha ko. Nagtali na lang ako para mapreskuhan ako kahit papano. Ang bango ng t-shirt nya. Ang sarap amoy amoyin.
Nagulat ako paglabas ko. Andun sha nakatayo at nakasandal sa pader at nakatingala bitbit pa rin ang mga gamit ko.
Napatingin sha sa akin at napasmile. So nagsmile na lang din ako sknya.
"Ayus ah! Medyo maluwag nga lang sayo ng onti pero bagay naman sayo yung shirt ko."
"Ganun ba?" Tas napatingin ako sa damit ko at nagsmile na lang ako sknya.
"Tara na. Hatid na kita sa canteen."
"O-ok. Cge." Nagsmile na lang ako. Hindi na ako tumanggi kasi alam ko namang magpupumilit sha na ihatid ako kaya no use kapag umangal pa ako.
Naglalakad kaming sabay ni Max. Tahimik lang ako. Nakatingin lang ako sa sahig habang naglalakad. Andaming nakatingin samin habang naglalakad kami kaya nahihiya tuloy ako. Sikat kasi si Max kahit kakatransfer nya lang dito sa Alcantara Ford Academy School. Gwapo kasi at mayaman kaya marami-rami din ang mga babae na nagkakagusto sknya.
Yan ang mahirap kapag nagkagusto ka sa gwapo, wala kang kalaban-laban at alam mo sa sarili mo na kahit kelan walang kang pagasa na magugustuhan ka rin nya.
Sasabihin natin na wag tayong umasa kasi masasaktan lang din tayo sa huli pero syempre hindi mo maiiwasan yun. Kasi hanggat mahal mo sha hindi sha mawawala sa isipan mo at iisipin mo lang sha ng paulit ulit. Pero lahat ng bagay may hangganan.
BINABASA MO ANG
Unsaid Notes
Teen FictionHindi mo cguro alam kung gaano ako nasasaktan ng dahil sayo. Hindi mo cguro iniisip na halos gabi gabi kitang iniiyakan. Hindi mo din cguro alam na ikaw lang lagi laman ng puso at isipan ko. Hindi mo rin alam na sa tuwing nasasaktan ako, notes lang...