Chapter 3

25 1 1
                                    

Ariana's POV

Nakaalis na si Max kani-kanina lang. Nag thank you ako sa kanya. Sabi ko pa nga sknya lalabhan ko mamaya itong t-shirt nya kaso sabi nya, wag na daw at akin na lang daw ito. Nagsorry ulit sha sa akin. Sabi ko naman, ok lang talaga at ayun umalis na sha.

Kasama ko ngayon ang tropa. Since 15 minutes na lang yung break bumili na lang ako ng tuna sandwich at juice. 45 minutes break daw kasi since first day of classes pero ngayon lang yan! HAHAHAHA!

"Oh Ariana! Kamusta?" Tanong ni Melissa.

"Ha? Anong kamusta? Ok lang naman ako" nagugulong sagot ko.

"Sus kunwari ka pa. Kayo! Kayo ni Max! Anong nangyari?" Sabi ni Natalia

"Wala namang nangyari eh. Ayun, binigyan nya ako ng shirt, nagbihis ako, hinatid nya ako dito." Sabi ko.

"Nagbigis kang kasama sha?!!!" Gulat na tanong ni Maddie.

"Gaga! Malamang nagCR ako at naiwan sha sa labas!" Pagdedepensa ko.

"HAHAHAAHA! Sabi ko nga! HAHAHAHA" natatawang sabi ni Maddie.

"Bat ka natawa?" Inis na tanong ko.

"Eh kasi yang itsura mo HAHAHAHAHAHAAHAHA nakakatawa."

"Che" sabi ko at nagsimula na kami kumain.

Hindi ko na sinabi yung kabuan na nangyari kanina. Mangaasar lang yang mga yan.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Naghiwahiwalay na kami at bumalik sa kanya kanyang classroom. 1 hour na lang naman ang natitira at magsisiuwian na din ang mga students.

Nakita ko na naman sha kasama ang tropa nya. Hindi ko nalang pinansin at nagkunwari akong hindi ko sha nakita. Iniintay ko na lang na lumagpas sha samin kaso etong si Nadine siniko ako sa may bandang tagiliran kaya naparay ako at napatingin sknya ng masama.

Ngumiti lang sha ng nakakaloko at ngumuso sa may gawi nila Max. Napatingin tuloy ako tas nahuli ako ni Max na nakatingin sknya kaya nagsmile na lang ako at nagsmile din naman sha pabalik.

Nung nakalagpas na sila samin, hinampas ko si Nadine ng dalawang beses at kinurot sa may braso. Napaaray naman sha. Tas tinignan ako ng masama.

"Sus kunwari ka pa jan! Alam ko namang kanina ka pa kinikilig! HAHAHAHAHA" Sabi nya na tumatawa.

"Manahimik ka nga!" Inis kong sabi

"Uyyy. Maganda na ang simula ng school year nya. Yieee." Asar nya sa akin. At tinutusok tusok pa yung tagiliran ko na parang sinasadyang mangasar.

"Sus. Tawagin ko si Benj eh!" Pananakot ko sknya.

HAHAHA ayun, natahimik HAHAHA

May gusto kasi sha kay Benji Floid D. Manderson. Isa din sa mga heartthrobs mula sa batch namin.

Maganda si Nadine. Kaso nga lang she's like me. Hindi rin sha type ni Benj. Or baka hindi pa lang sha napapansin ni Benj. We don't know? We can't tell the future.

Medyo close kami nyan ni Benj since naging kaklase ko sha last last year. Ngayon, magkakaklase sila ni Natalia at Melissa.

Pumasok na ulit kami sa section namin at umupo sa pwestong inupuan namin kanina. After ilang minutes lang dumating na rin si Sir Alcueva and nagdiscuss na rin ng mga bagay na dapat pagusapan.

From what I have heard bukas na raw namin mamemeet ang mga subject teahers namin. So goodluck na lang samin.

Nagdiscuss pa si Sir Alcueva ng kung anu-ano at ako naman nakatingin sa bintana at tinitignan ang garden sa labas. Iniisip ko ang mga nangyari kanina.

Masaya ako pero malungkot at the same time. Masaya kasi nakasama ko sha kahit sandali lang. Malungkot kasi heto na naman ako, umaasa sa wala.

After 45 minutes. nagdismiss na si Sir at nagsialisan na kami. Kinuha ko na ang mga gamit ko at pumunta sa locker area at isinalpak ko na ang mga gamit ko doon.

Naglakad ako magisa kasi mauuna na daw si Nadine kasi anjan na daw yung kuya nya. Nagaantay daw sa labas. Kaya sabi ko na lang cge.

Tinext ko na ang driver namin at sinabi ko na magpapasundo na ako.

Nagintay na lang ako sa may parking lot. Tinitignan ko ang mga kotse na dumadaan sa harapan ko. Hindi katagalan, may nagtext na sa phone ko.

"Andito na po ako sa harap ng gate." Sabi ni Kuya Roel, yung driver namin.

Hindi po kami mayaman. Sakto lang po. Kaya po ako may driver kasi po yung parents ko separated and parehas silang nasa ibang bansa. Yung yaya ko lang ang nagaalaga sakin, si Ate Christel.

"Sige kuya papunta na po ako jan." Reply ko sakanya.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Pagdating ko sa bagay, pumasok agad ako sa kwarto, naghalf bath at nagbihis na. Hindi ko nilagay sa labahan yung t-shirt ni Max. Ayoko kasi ipalaba. Ayoko mawala yung amoy nung t-shirt na yun.

Tiniklop ko na yung black t-shirt ni Max at nilagay na sa drawer ko. Humiga ako sa kama ko at napatingin sa kisame. Iniisip ko pa rin yung mga nangyari kanina. Bakit, ang bait nya? Hindi naman sha ganun dati.

Si Max kasi medyo maangas yan. Hindi ko nga alam kung bakit ko sha nagustuhan eh. Minsan nababalitaan ko na nakipagsapakan daw sha sa may canteen o di naman kaya sa may parking lot. Normally, ang mga kaaway nya higher batch sa amin.

Lagi nyang kasama ang mga tropa nya kaya kapag napapaway sha, ang tropa nya ang sumasagip sknya. Nababalitaan ko kasi minsan nasasabi sakin ni Jairus, isa sa mga katropa nya. Pero hindi nya alam na may gusto ako sa kaibigan nya. Minsan nababanggit nya lang sakin.

Si Max, siya ang tipong lalaking maangas, mayabang pero mabait sa mga babae. Sadyang gago lang talaga sha sa mga ibang lalaki. Pero sa sinasabi sakin ni Maddie, mabait sha sa mga babae, gentleman at protective. Cguro yun ang nagustuhan ko sknya. Pero yun din cguro ang mga nagustuhan ng mga ibang babae sknya.

Pero sabi nga nila kung mahal mo talaga ang isang tao, mamahalin mo sha ng buong buo, flaws and all, walang kulang, walang labis.

Hayyy... Kinuha ko na lang yung cellphone ko at nagsulat ako sa notes ko.

June 14, 2014 / 12:37PM

Litong lito na ako. Hindi ko alam kung bakit sha ganun. Sadyang mabait lang ba talaga sha sa mga babae o isa lang ako sa mga babaeng pinapaasa nya? Hindi ko alam. Sana mabigyan ako ng chance na malaman kung ano yung totoo sa hindi para habang maaga pa hindi na ako umaasa. Masakit kasi umasa lalo na kapag akala mo totoo na pala pero biglang babawiin ni tadhana.

Oo kanina, inaamin ko masaya at kinikilig ako. Kasi yun ang unang beses na nakausap kita sa personal pero natatakot din ako na baka pagnalaman mo na, lumayo ka na sa akin. Gusto kong sabihin sayo yung mga nararamdaman ko pero natatakot nga ako kasi baka kapag nalaman mo na paasahin mo lang ako kagaya ng mga ginagawa mo sa iba mong mga babae. Natatakot ako na baka hindi mo ako saluhin. Natatakot akong masaktan kasi baka kapag nangyari yun, hindi ko na alam kung paano pa ulit magsisimula.

Hindi ko na namalayan na tumulo na pala yung luha ko. Pinunasan ko na iyon at tinabi na ang phone ko at tumagilid na ng higa. Napapikit na lang ako at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Unsaid NotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon