Chapter 6 (Part 1)

16 1 0
                                    

Melissa's POV

Eto kaming lahat magkakasama sa garden maliban kaya Ariana. Sinadya talaga namin na hindi sha imbitahin dito dahil paguusapan namin yung sinabi sakin ni Albert.

Oo, alam na nila yung tungkol doon. Sinabi ko na kasi hindi ko na alam kung ano ba dapat ang gawin ko. Kailangan namin gumawa ng magandang desisyon para kay Ariana.

Natatakot ako kasi alam ko kung anong klaseng lalaki si Max, alam naming lima kung anong klaseng lalaki sha kasi naging classmate namin si Max last year at kami din ang may dahilan kung bakit nagkagusto si Ariana kay Max at kung paano nya ito na kilala.

~•~•~•~•~•~•~•~

*Flashback*

"Ariana!" Tawag namin sknya nung first day of classes last year.

Lumingon siya samin at ngumit. Nagyakapan kami kasi ngayon lang din kami nagkasamasama pagkatapos nung birthday ni Jane.

"Uy may ibabalita kami sayo! Hihi" Sabi naman ni Nadine

"Oo nga! May transferee samin na lalaki tapos, shems! Ang gwapo!" Kilig na kilig naman na sabi ni Jane.

"Sus gwapo ka jan! Nako Ariana! Ang yabang nga eh! Akala mo kung sino. Ang angasa maglakad." Sabi naman ni Maddie.

"Uy wag naman Maddie. Malay mo naman may konting kabaitian si Mr. Pogi." Sabi ko naman.

"Sus. Yun na nga eh. Kapag gwapo madaming nahuhumalik kaya wag na lang. Tska wala naman akong panahon sa mga ganyan kaya kampi ako kay Maddie sa ngayon. HAHAHA" natatawang sabi ni Ariana.

"Pero alam mo girl. Kanina nung nakita ko sha naalala kita. Para kasing bagay kayo eh." Seryosong sabi ni Jane.

"Nako Jane. Wala akong panahon sa mga kalokohan mo ha! Tigil-tigilan mo ko HAHAHAHA tska ayoko sa mga lalaking mayayabang. Tss." Sabi ulit ni Ariana.

"Oh tara na kasi kanina pa ako gutom eh." Sabi ni Maddie

"Oh bakit ang init ng ulo nun? First day na first day of classes, mainit ulo?" Tanong ni Ariana sa akin.

"May PMS." Bulong ko kay Ariana at napa-aaahhhh na lang sha at naglakad na kami papunta sa canteen.

Bumili na kaming lahat ng pagkain at sabay kaming kumain. May nakaagaw ng atensyon ko sa may kanan kaya napatingin ako doon. Paano ba naman kasi may nagtitilian doon na babae. Pagkatingin ko si Mr. Pogi pala yung tinitilian nila.

Sakit sa tengga. Tsss. Pero di naman natin sila masisisi kasi gwapo naman talaga sha. Kaso hindi pa namin alam yung pangalan nya kasi after pa ng recess namin ngayon yung pagpapakilala sa mga classmates. Ano kaya pangalan nya noh?

Nakatingin pa rin ako sakanila pero napansin ko na papalapit sha sa table namin.

Agad ko naman chinika sa tropa ko para hindi marinig ni Mr. Pogi habang nasa malayuan pa lang sha.

"Psst guys. Palapit si Mr. Pogi sa table natin. Act normal." Sabi ko sknila ng pabulong.

Napatingin naman silang lahat sa gawi nya kasama na si Ariana kaso bigla itong napaubo at umiwas ng tingin. Nagtaka tuloy ako at inabutan ko siya ng tubig.

"Hi guys. Classmates ko kayo right? I just want to ask kung hanggang anong oras yung recess natin? Baka kasi malate pa ako mamaya sa pagbalik."

"Oh yeah. Ahh wait let me check our schedule." Sabi naman ni Jane. Tsk eto talaga si Jane! HAHAHAHA galawang Jane Rodriguez HAHAHAHAHA

"Our schedule for recess is 9:45 to 10:20." Sabi ni Jane at ngumiti ito kay Mr. Pogi.

"By the way, Jane, Jane Nicole P. Rodriguez. And you are?" Sabi ni Jane at nakahand out yung kamay nya para makipagkamay siguro kay Mr. Pogi.

Unsaid NotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon