Chapter 1

30 3 2
                                    

Papunta na ako sa classroom ko kasama ang mga barkada ko na sina Jane, Maddie, Natalia, Melissa, Nadine.

Pero naghiwahiwalay din kami nung nasa tapat na kami ng building namin. Ako at si Nadine ang magkasama. Si Jane at si Maddie. Si Melissa at Natalia.

Ang galing nga kasi hati kami into two for each section. Ito na tayo. A new Academic Year na naman. Kaya natin toh. Woooh!

Pumasok na kami ni Nadine sa section namin. Buti di kami na late, nagmcdo pa kasi kami kanina. Oh well, papel.

So pumili na kami ni Nadine ng seats namin. Ang weird talaga pag first day of school. Pagkapasok na pagkapasok mo pinagtitinginan ka. Nakakainis. Kung titigan ka nila akala naman nila isa kang kriminal HAHAHAHAHA

May mga kakilala naman ako kaso di ko talaga sila close. So nahihiya pa rin ako kahit na ganun.

Kilala din ang tropa namin because since last year pa going strong ang tropa namin. Magaganda naman ang mga katropa ko. Ewan ko lang kung pati ako maganda kasi hanggang ngayon hindi nya naman ako napapansin. Ops! Tama na drama. Next time na lang. HAHAHAHA

Umupo kami sa may bandang likod. Nagcecellphone lang kaming dalawa ni Nadine at nagkwekwentuhan. Biglang bumukas yung pintuan. Ayyy eto na ata yung adviser namin.

Biglang napatayo ang lahat.

"Goodmorning Sir ~~~"

Sabay sabay naming sabi. Hindi pa naman namin alam kung ano pangalan nya kaya parang nagaalangan pa yung 'Sir' namin.

"~~~Sir Alcueva" he continued and then smiled

"Goodmorning Sir Alcueva" bati ulit namin ng masigla.

Umupo na kaming lahat. Medyo kinakabahan ako pero mukha naman siyang mabait, approaching and friendly.

"Maybe you all know na naman na ako nga ang magiging gwapo nyong adviser?"

Some of us laughed.

"Hindi biro lang." sabi nya.

Yep. He's a nice adviser. Very funny pa nga. HAHAHA

"Is it alright if I call you 'mga anak'? Im just used to calling my students like that" sabi ulit ni Sir Alcueva

"Of course Sir"

"Opo Sir"

"It's alright po"

"Yes po"

"Ok po" sagot ng karamihan.

Si Sir Alcueva ay chubby at medyo bata pa. Cguro mga nasa 24 or 25 lang sha. Baby face din sha and looks very fun to be with. Mukhang wala naman akong magiging problema sa adviser ko.

"Sa totoo lang mga anak, kinakabahan ako ngayon kasi first time ko maghandle ng isang section. Hindi ko pa talaga gamay ang maging isang adviser. Kung baga I'm new to this kind of set up. Last year, MAPEH Teacher lang ako dito sa Alcantara Ford Catholic School and a swimming coach. Pero this academic year binigyan nila ako ng chance humawak ng isang section. I hope we have a great academic year together. And I will also be your pinakapoging MAPEH Teacher." With matching pogi pose HAHAHAHA

He is fun to be with. Very jolly. Just how I like it.

"Syempre dahil tapos na ako iintroduce ang sarili ko sa inyo, kayo naman ngayon. Let's start with the front row of course. Say your name, likes and dislikes in one's personality." Sabi ni Sir Alcueva

Nagstart na nga ang pagiintroduce...

"My name is Sabrina. I like approachable people and I hate liars."

"My name is Leo. I like funny people and I hate stubborn people."

"Hi! Ricky is the name! Call me Rick for short. I like interesting people and I hate backstabbers."

Bla bla bla...

Matagal tagal pa toh. Jusko. Mga nasa 30-35 students kasi kami dito tas nasa may bandang likod pa ako umupo.

After 10 minutes. It was my turn.

"Hey there! Ariana Michelle D. San Buenaventura. Just call me Ariana or Ana for short. Gusto ko sa mga jolly na tao at hindi boring kasama at ayoko sa mga taong paasa." Then I smiled to them.

Umupo na ulit ako at si Nadine naman ang nagsalita.

Hayyy... Ganito naman palagi kapag first day. Wala ng pinagbago.

Nakinig nalang ako sa mga sumunod pa sa amin. Hindi ko pa rin memorize ang pangalan nilang lahat pero may ilan ilan na akong alam dahil nakakausap ko sila last year. Yung iba naman kilala ko sa mukha pero hindi sa pangalan.

After 1 hour and 30 minutes.

Nagring na ang bell for Recess. Sabay na sana kami pupunta ni Nadine sa canteen pero sabi niya mauna na daw ako kasi magC-CR lang daw sha at baka iniintay na daw kami ni Natalia, Melissa, Jane at Maddie. So nauna na ako.

Naglalakad na ako palabas ng building namin ng may tumawag sa phone ko.

"Hello?"

"Ariana! Asan na kayo? Kanina pa namin kayo iniintay dito sa may canteen."

Si Jane pala yung tumatawag.

"Uy. Ay ganun ba? Si Nadine daw nagCR lang sabi niya mauna na daw ako, susunod na lang daw sha. Malapit na ako sa~~~~"

*Splash*

Nabitawan ko ang phone ko.

"What the f*ck?!" Sigaw ko.

God. Nabuhusan ako ng ornage juice. Nakakainis. Tas napaupo pa ako sa sahig, nahulog pa yung phone ko. Nakakainis talaga!!!

"Sorry miss. Im really really sorry." Paghihingi nya ng tawag.

Tinutulungan nya ako magpunas ng uniform ko gamit ang panyo ko na kinuha nya sa kamay ko.

Yung boses na yun... Kilala ko yung boses na yun. Hindi ko maangat yung ulo ko pero cgurado akong sha yun.

Bumibilis ang tibok ng puso ko. Parang tila naging istatwa ako doon. Parang nagfreeze ang buong katawan ko at hindi makagalaw sa posisyon. Napatulala na lang ako.

Hindi ako pwedeng magkamali kasi kilalang kilala ko yung boses na yun. Kahit hindi ko sha kinakausap at kahit hindi nya ako kinakausap, alam kong sha yun...

Ang lalaking mahal na mahal ko kahit hindi niya ako minahal pabalik...

Unsaid NotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon