We’re back in Manila! Balik na sa maingay at mausok na siyudad. Malapit na kasi ang pasukan kaya I need to enroll na for this sem. Third year tourism student na ko ngayon. Kailangan ay maaga kaming makapag-enroll para hindi maubusan ng magandang sched. Unahan kasi samin ang pag-enroll para makuha mo yung schedule na gusto mo. Hindi kasi samin uso ang block section, kaya ayun kailangan mong magtiyagang gumising ng maaga. Gusto ko kasi ng pang-umaga na schedule which is usually ang mga schedule na maagang nauubos so I gotta be quick.
“Sharm! Bumaba ka na jan! Baka mawalan na tayo ng slot, anong oras na oh!” – Kuya Shin
Si Kuya Shin ang maghahatid samin ngayon sa school. Nasa vacation pa kasi yung driver namin at si Kuya Shan naman ay nag-aaral palang magdrive kaya no choice kundi sa masungit na si Kuya Shin ang magdadala samin sa school.
“I’m almost done! Wag mo nga akong madaliin, lalo akong natataranta eh!”
“Okay fine. I’ll give you 5 minutes. Pag di ka pa din bumaba after 5 minutes iiwanan na kita!”
Sanay na kong laging badtrip si Kuya Shin pag maagang nagigising. Hindi kasi siya morning person. Usually, 11 pm na siya nagigising. Pano kasi pag gising siya gabi. Wala siyang ibang inaatupag kundi ang magliwaliw kasama ng mga barkada niya. Ewan ko ba diyan kay kuya, parang hindi estudyante. Pero di ko rin naman siya masumbatan kasi kahit na ganun siya, matataas pa din yung nakukuha niyang grades. Sana lang mas magfocus na siya ngayon lalo na at graduating siya.
“Sharm!!!!!!!” – Kuya Shin
Narinig ko na ang engine ng kotse kaya dali-dali akong bumaba without double-checking kung nakuha ko ba lahat ng kailangan ko. Hindi kasi magdadalawang isip si kuya Shin na iwanan ako pag nagkataon.
Tahimik lang kami sa loob ng kotse at hindi talaga nagtangkang mangulit si Kuya Shan kay Kuya Shin ngayon dahil pareho naming alam na badtrip si Kuya. Kaya naman nakinig na lang ako ng music sa itouch ko.
“Sheez!” – pabulong na expression ni Kuya Shan.
Ganyan lagi ang expression word ni Kuya Shan kapag naiinis, nagagalit, or nabibigla. Hindi kasi kami nagmumura kaya hanggang ganyan lang ang mga expression words namin.
Nakatingin lang si Kuya Shan sa bintana na halatang gulat na gulat sa nakita kaya naman sinundan ko kung anong tinitignan niya. Pero nalagpasan na namin ang tinitignan niya kaya hindi ko na nakita.
“Ano ba yun Kuya Shan? Para kang natatae jan.” – pabiro kong sabi
“Ahhh, w-wala. Wala lang yun! Nagulat lang ako d-dun sa, dun sa aso. Oo sa aso kasi muntik nang masagasaan ng sasakyan.”
“Hahaha! Whatever. Whay are you stuttering, huh? Dog lover ka na pala ngayon.”
Hindi na umimik si kuya at kinalikot na lang ang cellphone niya. Pero, halata pa rin sa mukha niya ang gulat at pag-aalala. Siguro ganun nalang talaga yung concern niya dun sa aso.
“Andito na tayo.” – Kuya Shin
Oo, kuya alam namin. Gustong-gusto ko yan sabihin sa kanya kaya lang baka mabadtrip siya lalo kaya tahimik nalang ako na bumaba.
“Oo nga pala, mag-taxi na lang kayo mamaya pauwi. May dadaanan pa kasi ako kaya di ko na kayo masasabay.”
Tumango na lang kami ni Kuya Shan dahil expected naman na namin yun. Kahit kelan talaga, mas mahalaga kay Kuya Shin ang barkada niya kesa samin. Kahit di niya sabihin, alam naman namin na may gimik lang sila ng mga barkada niya kaya di niya kami mahahatid pauwi.
Nagkahiwa-hiwalay na kami nila Kuya pagpasok ng school kasi magkakaiba naman kami ng building. Si Kuya Shin ay sa may Business Building, si Kuya Shan ay sa Engineering Building, at ako naman ay sa Tourism Building. Kada program kasi sa university na ‘to ay iba-iba ang building. Imagine-nin niyo nalang kung ilang courses ang ino-offer ng university namin tapos tig-iisa yun ng building. Yup, our school is big. And hindi lang ‘to isang ordinary university. Lahat ng mga nag-aaral dito ay mayayaman at matatalino. Well, kung di ka naman matalino gaya ni Kuya Shan, atleast dapat super talented ka or magaling sa sports para tanggapin ka ng admin.
Dumiretso na ko sa registrar kung saan kailangan mong pumili para ma-encode yung mga subjects and sched na kukunin ko for this sem. As expected, madami ng tao at mahaba-haba na din ang pila.
“Sharmmmm!” – Clarisse
Si Clarisse ang aking childhood friend. Simula gradeschool classmates na kami. Naisip ko nga na siguro kung di ko siya consistent na naging classmate mula gradeschool, baka di ko siya naging friend. Super opposite kasi ng ugali namin. Kumbaga, naging friend ko siya kasi no choice. Hahaha ansama ko ba? Well, i’m just true. Pero don’t get me wrong ah! I’m grateful kasi naging friend ko siya. Napaka maasahan kaya niya.
“OMG! Anong ginawa mo buong bakasyon? Bakit mas lalo kang gumanda?“ – Clarisse
“Kumain ng barbie.” – seryoso kong sinabi kay Cla kahit na sobrang natatawa na ko kasi alam kong maniniwala siya
“What do you mean? Shocks! Don’t tell me pati yung damit ni barbie kinain mo?” – Cla with matching concerned face
“Pffffft – HAHAHAHA. Seriously Cla? Ganyan ka na ba talaga ka-slow na mas inintindi mo pa yung damit ni barbie? Hello?! Hindi pa kami naghihirap para kumain ako ng barbie at kahit maghirap kami never ko yun gagawin kasi hindi naman po nakakain ang barbie. Hahaha”
“Hindi ako slow! Ikaw talaga Sharm pinag-ti-tripan mo naman ako.”
“Whatever!”
“Oo nga pala, you won’t believe who I just saw!”
“Sino na naman ba yan? One of your exes?” – me
“Well, one of the exes. But not mine.” – Cla
“Hindi ako manghuhula Cla, spill it!”
“Jeremy Sandoval.”
With that, napanganga ako. Kelan pa siya nakabalik? Anong gagawin ko ngayong nandito na ulit siya? Should I welcome him with open arms? Or should I slap him for leaving me hanging? Hindi ko alam ang gagawin ko. Pero isa lang ang sigurado ako. Nandito na si Jeremy Glaze Sandoval.
BINABASA MO ANG
Soul Mate
Teen Fiction“People think a soul mate is your perfect fit, and that’s what everyone wants. But a true soul mate is a mirror, the person who shows you everything that is holding you back, the person who brings you to your own attention so you can change your lif...