Meron talagang mga times sa buhay ng tao kung saan dadaan siya sa point na hahanapin niya kung sino ba talaga siya. Kung ano ba talaga ang mga gusto niyang gawin sa buhay niya, kung may mga pangarap ba siyang gustong ma-accomplish, or as simple as paano ba siya magiging masaya? Well, honestly, that’s not simple. Ang hirap kayang hanapin kung ano ba talaga ang mga magpapasaya satin kasi paiba-iba ng isip ang mga tao at madali din tayong magsawa. Minsan napapasaya tayo ng isang bagay o ng isang tao pero pag tumagal na, nagsasawa na tayo sa bagay o tao na yun. Nasa nature na kasi natin ang walang contentment.
*Tok-tok-tok*
Ughhhh, istorbo naman oh.
“Bukas po yan” – me
“Ma’am, bumaba na daw po kayo. Handa na po ang tanghalian.” – Maid
“Okay, susunod na ko. Ililigpit ko lang tong mga gamit ko.”
Hininto ko muna ang pagsusulat ko sa aking reflection notebook at itinago ko iyon sa ilalim ng aking unan. Mahirap na kasi, baka biglang pasukin ng aking mga kuya itong room ko at basahin ang mga kadramahang nakasulat doon. Napakapakielamero pa naman nung dalawang yun.
Dali-dali na kong bumaba sa kitchen dahil magagalit na si mommy kapag hindi pa ko nagmadali. Hindi kasi sila nag-s-start kumain hanggat hindi kami kumpleto sa table. Naabutan ko sila Kuya Shin at Kuya Shan na nakasimangot na. Panigurado ay gutom na silang dalawa kaya umupo na agad ako at pinagdasal ang pagkain. Ako kasi ang naka-assign ngayon sa prayer. So, as you can see, my family is religious. We always go to church every Sunday, and we are also involve in other church activities. I’m happy that my family is like this kasi it teaches me how to be the best version of myself.
“So how’s your grades Sharmaine? Did you make it to Dean’s list?” –Dad
My dad is a very successful man. That’s why he also wants us to be successful like him. He always wants us to be the best and sometimes dahil sa laki ng expectations niya sa amin, lalo na in me, nakakapressure na siya. But atleast he always motivates me to study. Kung hindi siguro ako napepressure kay dad baka andami ko ng failing grades.
“It’s not yet finalize. Hindi pa po kasi nag-e-encode yung ibang mga Profs. Pero so far naman po, pasok yung mga grades ko for Dean’s list.” –me
“Well, that’s good to hear. Alam ko namang pasok ka na talaga diyan kahit wala pa yung iba mong grades. You’re a bright kid.” –Dad
See? Anlaki talaga ng trust niya sakin when it comes to academics kaya ganun na lang din yung expectations niya. Masyado ko kasi ata silang sinanay kaya ganun. Simula kasi ng pumasok ako sa school, marami na kong natatanggap na awards. May it be in academics or extra-curricular activities. Consistent honor din ako simula Grade 1. Actually, hindi naman talaga ako ganun katalino. Masipag lang talaga akong mag-aral. Wala na kasi akong ibang alam na gawin kundi mag-advance reading at magkabisado ng formulas. Dahil sa sobrang bored ko sa bahay, paulit-ulit ko na lang yung ginagawa hanggang sa nasanay na din ako. Pero dumating din naman ako sa point na nagsawa na ko sa ginagawa kong yun. Yung feeling na parang gusto ko nalang maging isang normal na estudyante na kahit bumagsak man ako minsan sa seatworks, okay lang. Pero hindi eh, nakapag-set na kasi ako ng standard sa mga tao sa paligid ko na dapat ako lagi yung the best kaya lagi na din nila inaasahan na ako yung best.
“You are not eating your food, Sharm. And you’re spacing out. Kanina pa kita kinakausap, is there any problem?” –singit ni Mommy.
“No mom, i’m fine. What’s your question again?” – Me
“I said kung kamusta na ba yung boyfriend mo? Diba it’s been three years nung umalis siya. Akala ko ba 2 and a half year lang siya dun kasi kumuha lang siya ng short course? Or is he still your boyfriend?” – Mom
Si mommy talaga! Pati lovelife ko kailangan kong ireport sa kanya. Ayoko na ngang pag-usapan yung bagay na yun pero she keeps on asking for informations. Hindi ko rin naman masisisi si mom. I know she’s just concern. She really cares too much for us which is, I think, natural na sa mga mommy.
“Well, he’s doing great. He just extended for some months kasi may mga requirements pa siya na kailangang tapusin. Maybe he’ll be back soon.” – Me
I lied. Honestly, wala na kong balita sa kanya since that day na umalis siya. Actually, wala nga akong idea na umalis na pala siya. I just heard from his friend. He leaves me hanging.
“Puro naman buhay ni Sharm pinag-uusapan niyo. Minsan tuloy naiisip ko na si Sharm yung favorite niyong anak” – Kuya Shan
Naka-pout pa si kuya after niyang sabihin yan. Ewwww, so gay. Pero, atleast alam niya kung kelan siya sisingit. Tuwing na-ha-hot seat kasi ako, siya yung nag-iinterrupt para hindi na sakin mabaling yung usapan. Siya kasi yung nakakaalam ng lahat ng tungkol sa akin. Lahat ng mga saloobin ko at hinanakit sa buhay, alam niya. Tsismoso kasi siya. :D i mean, siya yung tipong “overprotective” brother. I’m glad na may kuya akong gaya niya kasi may nasasabihan ako ng mga bagay na di ko kayang sabihin sa iba.
“Okay, since you insist, how’s your grades?” – natatawang tanong ni Dad kay Kuya Shan.
“Uhm, change topic?” – Kuya Shan
Sabay-sabay naman kaming natawa after yun sabihin ni Kuya Shan. Halata kasing iniiwasan niya yung question na yun kasi puro mabababa yung grades niya. Hindi naman na siya pinapagalitan ni Dad as long as hindi siya bumabagsak. Sanay na kasi sila na ganun si Kuya Shan.
“Yan kasi, bro. Ang hilig mo kasing sumingit sa usapan. Hahaha!” – Kuya Shin
Wala nang ibang ginawa yan si Kuya Shin kundi asarin kami ni Kuya Shan. Pero mas lagi niyang inaasar si Kuya Shan kaya naman laging badtrip sakanya si Kuya Shan. Hindi mo na siguro talaga maaalis sa mga magkakapatid ang mag-asaran at magkapikunan. Kumbaga, natural lang yun and normal.
“Tigilan niyo na nga yan. Magkakapikunan na naman kayo niyan.” – Mommy
Pag sinabi na ni mommy ang mga “magic words” na yan, automatic na tatahimik na kami. It’s like a sign na kailangan na naming magseryoso. Kaya naman nanahimik na si Kuya Shin at Shan at pinagpatuloy na namin ang pagkain. Nang maubos ko na ang pagkain ko ay nagpaalam muna ako na magpapababa ng kinain sa may pool area.
Ang sarap talaga dito sa resthouse namin sa Tagaytay. Ang fresh ng hangin at province na province pa yung ambiance. Wala kang maririnig na maiingay na busina ng cars or motors at walang usok unlike sa Manila. Sana nga dito nalang kami tumira kasi ang peaceful talaga ng feeling dito kaya lang ayaw pumayag nila dad kasi masyado daw malayo sa University na pinapasukan namin nila kuya.
“Hoy Sharmaigne! Nag-eemo ka na naman jan!” – Kuya Shan
“Hoy ka din Shanxer! For your information, hindi ako nag-eemo. Nagpaplano lang naman ako kung pano papasabugin yang bibig mo. Napakaingay mo talaga!” – Me
Ganyan talaga kami mag-usap ni kuya pag kami lang dalawa, parang hindi siya mas matanda sakin. Eh isang taon lang naman kasi ang pagitan namin kaya naman parang magka-edad lang yung turingan namin kadalasan. Pero alam ko pa din naman yung limit ko bilang mas nakababata and I really respect my kuya because he deserves to be respected.
“Aba aba Sharm, kung makapagsalita ka parang hindi naligtas ng kadaldalan ko yung pang-iintriga ni mom sa’yo kanina about dun sa – “
“Okay, kuya, fine. I get it. Thank you, okay?”
“Ayan, tama yan. Mabuti naman natuto ka ng tumanaw ng utang na loob.”
“Whatever.”
“Pero, eto Sharm, seryosong usapan. Kelan mo ba sasabihin kila mommy yung totoong nangyari ha? Wag mo nang pagtakpan yung mga ginawa sa’yo nung lalaking yun.”
“Please kuya, I don’t wanna talk about it right now.”
“Okay, I understand. I just want you to know that you always deserve the best which is obviously not him. But if what you want is not the best, it’s okay as long as it’s what you want and that what makes you happy. I’ll always support your decisions.”
Niyakap ko si kuya ng mahigpit. Alam na alam niya talaga kung ano yung gagawin para mapagaan yung loob ko.
BINABASA MO ANG
Soul Mate
Genç Kurgu“People think a soul mate is your perfect fit, and that’s what everyone wants. But a true soul mate is a mirror, the person who shows you everything that is holding you back, the person who brings you to your own attention so you can change your lif...