CHAPTER 5

5 0 0
                                    

Walang imik kaming bumalik sa bahay. Hindi ko kinikibo si kuya dahil sobrang naiinis talaga ako sakanya. Napaka-unfair niya kasi hindi manlang niya sinabi sakin na may alam pala siya kung ano nang nangyayari kay Jeremy nung mga panahong gulong-gulo talaga ako. O kaya naman kahit yung i-inform man lang niya ko na may bagong girlfriend na pala yung kutong-lupa na yun para naman di na ko umasa na parang tanga na babalikan niya pa ko. Pero there’s this part in my mind telling me to understand them. Na may dahilan kung bakit ganito yung nangyayari. Pero dayum, how can I understand them if they don’t want to tell me what’s going on.

Dumiretso na lang ako sa kwarto ko para magpalit ng damit dahil nanlalagkit na ko sa pintura. Hayyyy, naalala ko na naman tuloy yung ginawa kong katangahan kanina. Nakakahiya! Sana lang talaga hindi ko na ulit makita yung Klein whosoever na yun.

Mabuti naman at di na ko sinundan ni kuya dito sa kwarto ko. Gusto kong matahimik muna kahit mga 5 minutes. Pero mas okay kung mas matagal dun. Basta ayoko muna sila makita. Sa sobra ng nangyari ngayon feeling ko isang linggo na ang nakalipas. Pero hindi eh, isang araw lang! Shizzz!

Nang maayos ko na ang sarili ko ay humiga muna ko sa kama ko. Pumikit ako sandali para kumalma ang utak ko. Pero hindi din ako nagtagumpay dahil puro si Jeremy lang ang naiisip ko. Ito ang ayaw ko kapag masyadong tahimik eh, silence gives too much memories in your head kaya andaming bagay ang pumapasok sa isip ko.

Kinuha ko na lang yung iPod ko at magpapatugtog nalang ako to avoid thinking too much. I connected it to my mini speaker and play it in shuffle.

Come up to meet you, tell you I'm sorry

You don't know how lovely you are

I had to find you, tell you I need you

Tell you I set you apart

Oh great! Nakiki-ayon pa talaga sakin ang tadhana.

Tell me your secrets and ask me your questions

Oh, let's go back to the start

Running in circles, coming up tails

Heads on a science apart

Okay, maybe this is the best way to cope with all of these. I just let myself think of Jeremy. Starting from the moment I laid my eyes on him.

Our story didn’t start like any other’s love story where the boy and the girl starts as friends until they realized they like each other. I really think that ours is very unique. It all started when I entered in highschool.

(FLASHBACK 7 YEARS AGO)

FIRST YEAR HIGHSCHOOL: Ito yung moment na pinakahihintay ng bawat teenager, yung pagsisimula ng high school years. Dito kasi, makakakilala ka na naman ng mga bagong tao at mostly this is the best time to re-invent yourself. This is a fresh start so you can be whoever you want to be.

Hindi na ko masyadong kinabahan sa pagpasok kasi ka-schoolmate ko naman si Kuya Shan at classmates kami ni Clarisse. Si Kuya Shin ay sa ibang school nag-aaral kasi ayaw niya daw maging ka-schoolmate si Kuya Shin dahil baka kulitin lang siya nito sa school. If I know ayaw niya lang makita namin yung mga kalokohan niya.

Noong unang  araw ay kami lang ang nagkukulitan ni Cla sa klase at hindi pa gaanong maingay ang classroom dahil halos hindi pa magkakakilala ang lahat. Kahit naman tahimik ang iba ay nag-uusap parin sila pero not the close way, just casual talk. Pero may napansin akong isang namumukod-tangi na lalaki na hindi talaga nakikipag-usap o kahit tumingin man lang sa paligid. Gwapo siya kaya nga napansin ko eh. Nakita ko na tina-try siyang kausapin ng katabi niyang babae pero iniwan niya ito bigla at lumipat ng upuan. Suplado. Yan ang naging first impression ko sa kanya. Kasi naman pwede naman niyang tanguan na lang yung girl kung ayaw niyang kausapin hindi yung iiwanan niya pa talaga. Nakakaawa tuloy yung itsura ng babae kasi napahiya siya. Akala ko ako lang yung nagmamasid sa kanila pero halos lahat pala ng babae ay nakatingin. Ang lakas naman ng charisma nitong lalaking ‘to kasi parang kahit bago pa lang kaming magka-kaklase ay nakuha niya na ang atensyon ng halos lahat ng babae. Hindi ko naman sila masisisi kasi gwapo naman talaga siya, suplado lang siya na at para bang may sariling mundo pero my classmates find it really cool. Kumbaga siya yung klase ng lalaki na pa-innocent.

Jeremy Glaze Sandoval. Yan ang pangalan niya na halos araw araw ko nang naririnig sa school na ‘to. Hindi lang pala sa loob ng classroom namin maraming nagkakagusto sa kanya pati na din sa ibang section at year. Kahit na almost 6 months na kaming magkakaklase ay wala pa rin siyang nagiging kaibigan. Paano ba naman kasi siya magkakaroon ng kaibigan eh parang umiiwas siya sa mga tao. Alien yata ‘to eh.

Habang tumatagal mas lalong nahuhumaling ang mga kababaihan sa kanya. To be honest, kaming mga kababaihan except Cla, ayaw niya na daw yun pag-aksayahan ng panahon kasi hindi naman namamansin. I really find him interesting na hindi ko namamalayang nagkakagusto na ko sakanya. But I’m not like the other desperate girls na nagbibigay sa kanya ng kung ano-anong nonsense stuffs para lang magpapansin. Kuntento na ko sa pagtingin lang sa kanya sa malayo.

SECOND YEAR HIGH SCHOOL: Nagkaron siya ng girlfriend. It was a very big news. Pano ba naman si Jeremy Glaze Sandoval na parang star na hanggang tingin na lang namin ay may girlfriend?! Kung sino man yung babaeng yun, napakaswerte niya. Ang balita ay taga-ibang school ito at higher year pa. At first akala ko rumors lang yun until we saw how Jeremy was transformed. Nakikipag-usap na siya sa ibang tao. Natuto na din siyang tumawa at makipagbiruan. He even involve himself in social gatherings. Kung dati puro acads lang ang inaatupag niya, ngayon pati extra-curricular activities ay sinasalihan niya. He even try-out for the school varsity and expectedly, nakapasok siya. Whoever that girl is, he really transformed Jeremy into a better person. Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig. Kaya naman nang makita ko yung mga transformations niya hindi na ko naging bitter dahil may girlfriend na siya. Instead, I really felt happy for them. Kahit na hindi naman kami close ni Jeremy compare sa iba naming classmates, natutuwa talaga ako kasi anlaki nang pinagbago niya.

Akala namin ay araw araw na naming makikita ang flashy smile ni Jeremy, pero mali pala kami. Kung gano kabilis ang balita na may girlfriend na siya, ay ganun din naman kabilis ang balita nang break-up nila. Bumalik na naman si Jeremy sa dati. Hindi siya totally bumalik sa dati kasi he’s still a varsity, madami pa din siyang mga orgs at may mga kaibigan pa din siya. Hindi na nga lang siya ganun kadalas tumawa at makipagbiruan sa iba gaya ng dati. And a big big change really happened to him. He became a jerk. A total ass. He starts breaking hearts and flirting. Napapadalas na din ang pag-ka-cutting classes niya. He even learn to smoke and drink liquors. Naging bad influence ang mga ka-varsity niya kaya naman he turned into something worse. Grabe talaga ang love, it can either make the best out of you or make the hell out of you.

Soul MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon