Wala akong mapuntahan. Dapat pala hindi nalang ako tumakbo palabas at nagkulong na lang ako sa kwarto magdamag. Ayoko munang isipin yung nangyari kanina. Hindi pa ma-absorb ng utak ko ang mga events sa araw na ‘to. Basta ang alam ko lang pagod ako. I need distractions.
Hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng aking mga paa sa basketball court. Sakto namang may mga naglalaro ng basketball kaya umupo muna ako at pinanood ang mga naglalaro. I think it’s a great way to distract myself. Honestly, wala akong alam sa basketball. Basta ang alam ko lang dapat ma-shoot mo yung bola dun sa ring.
“Look out!” – Boy 1
*BOOGSHHH*
“Miss, are you alright?” – Boy 2
Basang-basa ako ngayon, hindi ng tubig, kundi ng pintura. Natamaan kasi ng mga naglalaro yung karpentero na nagpipintura nitong court at sakto namang sakin pa talaga natapon yung pintura. Great! This is such a wonderful day to me! Ughhhhhhhh!
Dahil sa sobrang inis ko, hindi ko na napigilang umiyak. Bakit ba ang malas malas ko ngayong araw? Parang sinumpa ako sa araw na ‘to.
“I’m sorry miss, di ko sinasadya. Wag ka ng umiyak, papahiramin nalang kita ng jacket ko.” – Boy 2
Hindi ko siya pinansin at sinamaan ko lang siya ng tingin.
“Tss, ang arte naman. Papahiramin na nga ng jacket, bat kailangan pang umiyak. Napaka-sensitive.” – Boy 1
Kahit na pabulong lang yun na sinabi nung player ay narinig ko pa din. Duhhhh, anlakas kaya ng bulong niya! Kaya naman hindi na ko nakapagtimpi at sumabog na lahat ng hinanakit ko sa araw na ‘to.
“Sa tingin mo ba kayang takpan ng jacket na yan yung ginawa niyo saken huh?! FYI hindi ako maarte at sensitive! Kayong mga lalaki kayo, wala na talaga kayong ibang ginawa kundi manggulo at mang-asar! Hindi ba nabubuo ang araw niyo kapag wala kayong nasasaktan na babae hah?! Sa umpisa lang kayo magaling! Ipapa-feel niyo samen na importante kami sainyo, na special kami pero sa huli, pag nakuha niyo na yung gusto niyo, iiwan niyo na lang kami basta basta. Pwede niyo namang kunin yung gusto niyo eh, pero ‘wag niyo namang paglaruan yung feelings namin. Mang-iiwan na lang kayo basta basta tas pagbalik niyo may bago na naman kayo? Anong klaseng trip naman yan oh. Pero bakit ganun, kahit gaano kami nasaktan, sa huli pipiliin pa din naming intindihin kayo? Kayo ba? Kino-consider niyo ba yung feelings namin?”
Kasabay nang dire-diretsong pagsabi ko niyan ay ang tuloy-tuloy na pag-agos ng aking luha. Wala na kong pake kung magmukha akong tanga sa harap ng madaming tao. Gusto ko lang talagang mailabas ang nararamdaman ko sa ngayon.
Biglang sinoot ng isang lalaki sakin ang kanyang varsity jacket kaya naman napatingin ako sakanya. Halata sa kanyang mga mata na naaawa siya sa akin. Nginitian niya ako at pagkatapos ay inabutan ng panyo.
“T-thank you” - me
“Tsss, ang drama” – Boy 1
“Stop it, Klein” – Boy 2
“Sorry, tama siya. Andrama ko nga. Pasensya na sa abala.” – me
Ngayon lang umepekto sakin ang hiya. Kahit na nakakaiinis yung sinabi sakin nung Klein, di ko na lang siya pinatulan dahil baka kung ano-ano na naman ang masabi ko.
Tangkang tatayo na ako at aalis sa court nang may biglang tumawag sakin na pamilyar na boses.
“Sharm!” – Kuya Shin
Shiz! Kasama niya pa rin sila Jeremy at Tricia at iba niya pang barkada na halatang kanina pa naghahanap sa akin. Dumapo agad ang tingin ko sa kamay nila Tricia at Jeremy na magkahawak kaya naman bumalik lahat ng inis na nararamdaman ko kanina.
Dahil sa inis, hinablot ko ang kamay ng isa sa mga player na nakapaligid sakin at hinalikan ko ito sa labi. Atleast manlang makaganti ako kay Jeremy at mapakita ko sakanya na may iba na din ako kahit hindi totoo.
“Sharm! What are you doing?” – Kuya Shin
Bigla niya kong hinablot at pinaharap sa kanya. Base sa itsura niya ay galit siya. Hindi kasi ako yung tipo ng tao na PDA kaya naman nagulat din siguro si kuya sa inasta ko.
“As you can see, I’m kissing my boyfriend.” – sarcastic kong sagot
Tinignan ko kung sino ba sa mga lalaki na nakapalibot sakin ang nadamay ko sa kabaliwan ko at laking gulat ko na lang na si Klein pala ang nahalikan ko. Masama ang tingin nito sakin at halatang hindi nagustuhan ang ginawa ko. Ang iba naman ay nakatulala lang at halatang nagulat. Kaya para mas maging makatotohanan ang acting ko ay pinakilala ko si Klein kay kuya.
“Oh by the way, this is Klein. Klein, this is my brother Shin and his friends.” – me
Laking gulat ko nang in-offer ni Klein ang kamay niya kay kuya. Inaasahan ko kasi na ide-deny niya ito ngunit nagkamali ako.
“Nice meeting you, bro” – Klein
Inabot ni kuya ang kamay niya at tumango lang.
“Umuwi na tayo, Sharm. Maya-maya ay nasa bahay na sila daddy at magtataka yun kapag wala ka pa sa bahay. Let’s go.”
Tinalikuran na kami nila kuya pwera kay Jeremy na halatang gulat pa din. Hah! Kala mo ikaw lang.
Susunod na sana ako nang bigla akong hilahin ni Klein sa braso at halikan uli sa labi.
“Take care, bae.” –Klein
Sinabi niya yan na parang nambabanta. Natakot ako lalo sa kanya dahil halatang inis na inis siya sa ginawa ko. Sana lang hindi na kami magkita ulit.
BINABASA MO ANG
Soul Mate
Teen Fiction“People think a soul mate is your perfect fit, and that’s what everyone wants. But a true soul mate is a mirror, the person who shows you everything that is holding you back, the person who brings you to your own attention so you can change your lif...