Illiento
Graciana Lagera's POV
Year 2004, December 25th
SAKTONG apat na taon na ang lumipas mula ng makabalik ako mula sa ibang mundo.
Disyembre 25 taong 2000 sa Earth's based date and time nang ampunin ko sila at dalin sa planeta ko na tinatawag na Earth. Apat na taon ko na rin kasama ang mga batang 'to na tinuring ko ng mga sariling kong apo.
Ngayong araw ay dobleng selebrasyon ang aming ipinagdiwang. Ang kapaskuhan at ang aking kaarawan. Nang matapos silang maghapunan ay tinulungan ako ni Mike, isa sa mga kinilala ko ng apo ko, mag hugas ng kanilang mga pinagkainan.
Sa maliit na bahay namin na iniwan sa akin ng magulang ko ay kaming anim lang ang naririto.
Si Mike ang pinaka matanda sa edad na 7 ay may isip na siya na parang isang ganap na binata. Tinutulungan niya ako sa mga gawaing bahay at sa pag-aalaga kaya naman hindi ako nahihirapan gano.
Nang matapos kami maglinis ay nakita namin sila Mark, Eric, Cristina at Fiammata na may pinagkakaabalahan sa living room. Mga coloring book, canvas, at sketch pad. Iyon ang mga regalo ko sa kanila para sa ngayong kapaskuhan. Nakatanggap si Mike ng libro tungkol sa medisina dahil pangarap niya maging isang Doctor balang araw.
Lumapit ako kay Fiammata at tinignan ang kanyang pagkukulay sa coloring book.
"Bakit kulay dilaw ang buhok niya Fia? Hindi ba't krayolang itim dapat dahil itim ang buhok ng Prince charming ng sirena na si Ariel?" Tanong ko rito.
Napaisip ako saglit ng banggitin ko ang salitang sirena.
Nasa mabuting kalagayan kaya siya?
Para namang biglang nahiya si Fiammata nang mapagtanto siguro na mali ang kanyang kulay.
"K-kasi.. si little Prince po kulay dilaw buhok." Wika nito na tila nahihiya.
"Ah! Crush mo little prince no?!" Biglang singit ni Eric sa usapan at tumigil sa pagpipinta ng kung ano sa canvas.
"Ayiiiee!" Asar ni Cristina kay Fiammata at sinusundot pa ito sa tagiliran.
Si Mark naman ay patuloy lang sa pag do drawing ng isang pigurang anghel sa sketch pad. Tila hindi nito alintana ang ingay sa paligid. Nasa tabi niya na ngayon ang kanyang kuya Mike na tinutulungan siyang gumuhit.
Hindi man ako ang kanilang totoong lola at kahit medyo mahirap kumayod para lang matustusan ang kanilang mga pangangailangan ay gagawin ko dahil inako ko na ang lahat ng responsibilidad nang kunin ko sila four years ago, December 25, 2000
Bandang alas onse ng gabi ay pinatulog ko na ang mga bata. Hindi muna ako natulog kaya bumaba muna ako at nag timpla ng kape at nag isip-isip.
Graciana Lagera ang ibinigay sa'kin na pangalan ng aking mga magulang. 35 years old na ako ngunit heto hindi na nag-asawa.
Inalala ko ang mga memoryang sariwa pa rin sa aking isipan kahit lumipas na ang mga taon.
Hindi pa ganong katagal mula ng mawalay ako sa kanila.
Napako ang aking tingin sa litrato ng mga bata na nasa lamesa na may mga matatamis na ngiti sa kanilang labi.
Tunay na magkapatid si Mike at Mark. Sa edad na 5, mahilig na si Mark sa pag do drawing ng mga bagay na hindi pangkaraniwan. Plano niya na maging piloto balang araw.
Kasing-edad ni Mark si Cristina na 5 years old na rin. Nakitaan ko si Cristina at Fiammata ng matinding koneksyon sa isa't isa na para bang kapatid na ang turingan sa isa't isa. Mahilig siya sa lutu-lutuan. Pagiging isang chef naman ang kanyang ninanais.
YOU ARE READING
The Wysteria of the West
FantasíaFiammata Lagera, a sophisticated woman who thinks none other than the welfare of her family that she grew up together with. Life turns out to be boring for her in her 17 years of existence in Earth, until the day of Christmas. Her arrival together w...