A/N: All credits goes to the owners of the pictures that I will be using as a reference for my story.
Responsibility
Third Person's POV
18 years ago
Year 2000, December 25th (Earth's basis of date)
"ANG una mong kahilingan ay naisakatuparan na. Kinakailangan mo ng gamitin ang pangalawa't huli mong kahilingan para ika'y makabalik na sa iyong mundong pinagmulan. "
Isang napakagandang sirena ang namumuno sa karagatang Schelva at napapalibutan ang kanyang karagatan ng maraming palamuti na nagbibigay liwanag at ganda sa parte na ito ng karagatang Schelva.
Malumanay ang kanyang boses at kulay pula ang kanyang buntot at mayroon ding palikpik sa kayang likod.
Siya ang Reyna ng karagatan.
"Reyna ko, hindi ba ako pwedeng manatili muna rito? Nanganganib ang apat na kaharian kaya pati ang Schelva ay nasa panganib rin. Magkakaroon ng ikalawang digmaan!" wika ng isang babae na may itim na mahabang buhok at maputi ang kutis. Bakas sa kanyang boses ang pangangamba at takot.
Ang kanyang mga mata ay parang mga perlas na kagaya ng mga perlas sa karagatan ng Schelva.
Siya ay walang iba kundi ang SABER ng Schelva na ipinatawag mula sa planetang Earth upang iligtas ang planeta at mundong tinatawag na Schelva.
"Tapos na ang iyong misyon sa Schelva at nailigtas mo na ang kaharian ng mundong ito kaya naman hindi mo na kaylangan mangamba pa dahil hindi babagsak ang kaharian ng Schelva sa paparating na ikalawang digmaan.
Hindi matatalo ang Schelva sa dalawa pang kaharian sa hilaga at silangan sapagkat kakampi ng Schelva ang Wysteria ng kanluran."
Tinitigan ng Saber ng Schelva ang magandang sirena na nakaupo sa kanyang trono.
Pansamantalang may bula na nakabalot sa kanya upang makahinga sa ilalim ng dagat dahil siya ay isang tao at hindi isang sirena.
Makikita ang lungkot sa kanyang mga mata. Ayaw niya pang lisanin ang mundo na napamahal na sa kanya.
"Ikinagagalak kong makilala ka. Illiento (Thank you) at iniligtas mo hindi lang ang kaharian ng Schelva kundi pati ang mga naninirahan sa planetang ito. Hinding hindi ko malilimutan ang ginawa mo para iligtas kami. Illiento, Saber Graciana."
Wala ng nagawa pa ang Saber kahit na labag sa kanyang kalooban ang bumalik na dahil may banta pa rin na panganib sa Schelva. Ngunit oras na para sabihin ang pangalawa niyang kahilingan.
Iniisip niya kung ano ang magiging huli niyang kahilingan. Tuwing siya ay mag-isa lagi niya ng iniisip kung anong magandang hilingin na makakabuti pa rin para sa lahat.
YOU ARE READING
The Wysteria of the West
FantasíaFiammata Lagera, a sophisticated woman who thinks none other than the welfare of her family that she grew up together with. Life turns out to be boring for her in her 17 years of existence in Earth, until the day of Christmas. Her arrival together w...