Chapter 6
Fiammata's POV
I sighed heavily like I lost all my hopes in life. Nasa tapat ako ngayon ng salamin at inaayusan ni Eddelrittuo dahil lalabas kami para masanay daw ako sa pamumuhay rito. Para akong baby na kaylangan masinagan ng araw. Pagkatapos niya akong tulungan sa aking damit ay bumaba na kami at nakita ko na kompleto ang mga pinsan ko ngayon. Si Eddelrittuo ay katabi namin ni Cristina sa pagtulog dahil dito na rin namin siya pinatira dahil bata pa lang din siya at wala na daw pamilya, ayon sa kwento niya.
Laking pasasalamat ko na hindi ako sinumbong ni Eddelrittuo kay Mike na may ginawa akong katangahan kahapon. Sabado ngayon kaya day-off nila Mike, Mark at Erick sa trabaho.
Si Mike ay nagtatrabaho sa cafe bilang baker sa Swilvane town dahil mas mataas ang pinapasweldo sa Swilvane kaysa sa Sylph town kaya maaga siya umaalis. Si Mark naman ay sa cafe ng port nagtatrabaho as pastry chef malapit lang sa Sylph kasama si Erick na brewer naman. Kami ni Cristina ang nagdecide kung anong trabaho ang papasukan nila at sa cafe lang dapat. Kaya minsan ay may uwi sila na mga sweets, bread, cake, appetizer at dessert sa amin.
Actually I'm very envious about them that they got to work their asses off everyday and earns for a living. Kahit na mapagod ako okay lang basta gusto kong magtrabaho. Maybe not as a cook since I don't belong in the kitchen. Sinabi ko na kahit waitress lang sa cafe ni Mike ay okay na kaya lang ayaw talaga.
Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami ni Eddelrittuo ng kaming dalawa lang papunta sa port dahil sinabi ko na gusto kong makita ang dagat ng Wysteria. And that made me remember about what happened yesterday inside the Palace of Wysteria. I shook my head at hindi naman ako pinansin ni Eddelrittuo dahil alam ko naman na nababasa niya ang nasa isip ko.
The moment I felt the sea breeze I instantly run off towards the sea without thinking twice. Napapikit ako sa sobrang sarap na nararamdaman ko dahil ang aliwalas ng paligid at napaka sariwa pa ng hangin. But I was stopped by a certain old man and told me to leave the sea right in this very moment at nagtaka ako kung bakit kaya nang makarinig ako ng malakas na tunog, hudyat na paparating na barko, ay dali-daling umalis ako dahil mukhang sa gawi ko titigil ang barko.
Maraming bumaba mula sa barko at sinalubong ang mga mahal nila sa buhay. Ngunit napukaw ang atensyon ko sa isang grupo ng lalaki nakasuot ng parang royal guard na pababa ng barko na buhat ang itim na casket. Narinig ko na pinag-uusapan ito ng mga tao sa paligid.
"Saan dadalhin ang labi ni Raha Verdandi?"(Lord Verdandi) wika ng isang babae na ka-class ko lang sa madaling salita, a peasant. Peasants are the lowest class in hierarchy. Bihira lang na may makita kang mayaman sa Sylph town. Kadalasan mga taga Sylph ang pumupunta sa Swilave.
"Dadaan muna daw ito sa palasyo para mapag-usapan ng mga opisyal. Balita ko ay bukas darating lahat ng Raha at Hara ng Wysteria sa palasyo para mapag-usapan ang unang insidente sa Wysteria mula noong labing walong taon na ang nakakaraan."
YOU ARE READING
The Wysteria of the West
FantasyFiammata Lagera, a sophisticated woman who thinks none other than the welfare of her family that she grew up together with. Life turns out to be boring for her in her 17 years of existence in Earth, until the day of Christmas. Her arrival together w...