7 taon na ang nakakaraan simula ng umalis si Mina ng pinas kasama ang kanyang tita tes .. 7 taon ng pagkalimot niya kay Michael .. Kahit siya ay nagbago .. mula sa pananamit, pananalita , kilos , at sa itsura .. dito na nagtapos ng pagaaral si Mina .. naging Model din siya at nakapagtrabaho sa isang real state bank sa California .. kahit narin ang kanyang tita tes at Melinda ay napakasexy kung manamit .. para silang mga teenagers at minuminuto, oras oras ay may tumatawag sa dalawang ito ..
"hay naku .. ito talagang dalawang to .. daig pa ang dalaga .." pagpaparinig habang nakaupo sa sofa ..
"Aba ! syempre naman noh ? dapat maganda kami all the time .. alam mo naman naharap tayo sa client .."
habang nakaupo ang tatlo sa sofa .. at nakapatong ang mga paa sa mini table sa sala ay biglang naalala ng Tita Melinda niya ang pinas .. bagay na ikinagalit ni Mina ..
"haha .. sya nga pala .. 15 years narin pala akong nagttrabaho dito sa California .. kamusta na kaya ang Pinas ?" tanong ng tita melinda ..
"Oo nga noh .. kami naman ni Mina 7 taon na kami dito .. halos nasanay na nga kami dito eh .. hehe .." sagot ni tita tes ..
"Hay naku ! bakit naman biglang napasok dito ang Pinas ? heller ?! ilang taon na tayo dito naalala niyo pa yan .. di pa ba sapat ang mga balita sa tv ?" inis na sagot ni Mina
"syempre naman ! ano ka ba .. mas maganda parin kung manggagaling ito mismo sa sarili mong lugar hindi ba .." malumanay na sagot ng tita tes nia ..
"hhmmm.. ah ! alam ko na ... what if magvacation muna tayo sa Pinas .. kahit 1 buwan lang .." sabat ni Melinda ..
lubhang ikinabigla ni Mina ang kanyang narinig .. ayaw niyang sumama .. dahil paniguradong magkikita sila ni Michael dun .. hay naku ! ang akala niya na nakalimutan na niya andun parin pala sa kanya .. hindi parin nito magawang mapatawad si Michael sa tuwing naaalala niya ang mga nangyare ... pero kalaunan ay wala rin itong magawa ..
