"hay naku ! kainis .. late na kasi ako nakatulog kagabi eh .. yan tuloy late na ako nagising .. kainis talaga .. wala pang masakyan .. hay naku ! .."
habang naglalakad ..
"hey ! Mina .. sakay na .. baka lalo ka pang malate kung hindi ka sasabay.." wika ni Michael ..
"ha? eh wag nalang maghihintay na lamang ako ng taxi .. nakakahiya naman sayo .." sagot nito..
"ano ka ba ? ayos lang yun noh .. sige na sakay na .. at sa university rin naman ang punta ko .."
wala ng nagawa si Mina .. kung sa bagay .. baka malate din ito kung maghihintay pa siya ng taxi na masasakyan .. tiyak pa na mahal ang bayad sa taxi ... habang nagmamaneho si Michael .. ay parehas na tahimik ang dalawa .. hanggang sa malapit na sila sa university ng biglang ihinto ni Michael ang sasakyan ..
"M..michael ! bakit tayo huminto .. baka malate pa ako sa klase ko .." wika nito ..
" gusto ko lang sana ipaalala yung tungkol sa pinagusapan natin kahapon .. gusto ko lang malaman kung pwede akong manligaw sayo .. at kung manliligaw man ay may pagasa ba ako sayo ?" tanong ni Michael ..
"hindi ko pa alam .. pinagbabawalan pa kasi ako nila tita na magkaboyfriend .. at saka baka masaktan lang daw ako sabi ng bestfriend ko .."
"please mina .. promise .. handa akong maghintay and don't worry once na naging gf kita ako na mismo ang pupunta sa inyo para sabihin sa tita mo na gusto kita maging gf .." pagmamakaawa nito..
"ha .. eh .. oo .. sige na nga .. " sagot ni mina ..
"anong ? anong sige na nga ?" tanong ni Michael ..
" ahm .. oo sige na .. papayagan kita manligaw .. pero sana wag mo ko lolokohin .."
"YESS !!!!! sigaw ni Michael .. Promise Mina .. magiging seryoso ako sa panliligaw ko sayo.. and I promise na hindi kita lolokohin .." sagot ni Michael na may galak sa kanyang mga mata ..
matapos nun ay inihatid na ni Michael si Mina sa loob ng campus .. at kanya kanya na silang nagpunta sa kanilang mga silid aralan .. pagpasok ni Mina ay wala pa ang kanilang prof. at naupo na lamang siya sa tabi ni ... teka .. tila .. wala ang kanyang bestfriend .. tinignan nito ang kanyang cp .. may 6 messages galing kay krisha ..
"bhest hindi muna ako makakapasok ngayon .. nilalagnat ako eh .. xoxo Krisha."
"sige bhest get well soon .. sorry now lang nakapagreply.." reply nito ..
tahimik ang classroom .. isa isa na kasing nagsisialisan ang mga classmate niya .. wala na naman kasi ang prof. nila .. pero si Mina .. malayo ang lipad ng isip .. iniisip niya padin yung nangyare sa kotse kanina .. kinikilig na naman siya .. hanggang sa isang tao ang nasa pinto .. si Michael ..
" hey mina ! wala kayo klase ? tara sabay na tayo maglunch " pagaaya ni Michael ..
"sige .. "
habang naglalakad sila .. ay may biglang nagabot ng rosas kay Mina .. hanggang sa halos lahat ng mga classmate nitong lalake ay nagaabot ng mapupulang rosas sa kanya .. at biglang lumapit ang bestfriend niya sa kanya mula sa kanyang likuran ..
"Bhest !?! teka ? akala ko ba may lagnat ka bakit ? anong ginagwa mo dito ?" tanong ni Mina ..
"basahin mo yan bhest .. angsweet kinikilig ako ! " sagot ni Krisha sabay lakad palayo ..
"Dear Mina .. gusto kita .. simula pa ng highschool tayo.. oo hindi ka katulad ng ibang mga magagandang babae at mga babaeng pinaglaruan ko .. alam mo kung bakit ? Kase iba ka .. iba ka sa lahat .. Hindi ka pangit mina .. maganda ka .. matalino at mabait pa .. Gusto kita Mina .."
pagkatapos itong mabasa ay natilian ang bawat studyante sa kanilang paligid .. na tila kinikilig na ewan ! Inabot ito ng 1 taong panliligaw .. grabe .. talagang seryoso si Michael.. hatid sundo niya si Mina at lagi silang sabay kumain ..
hanggang sa isang araw .. nakita niya si Michael .. sa isang bar malapit sa University nila .. kung kaya't nagtago siya sa likod ng van na malapit dito .. nagwawala ito at sinasabi sa kanyang mga barkada na .. "ok panalo kayo .. suko na ako .. OO natalo ako sa pustahan .. Mahal ko siya .. nahulog talaga ang loob ko sa kanya .. at mali na pinagtripan natin siya .. mahal ko siya .. at kung tatanggalin niyo man ako sa grupo .. sige mas pipiliin ko siya .."
ng mga sandaling iyong napapaisip si Mina kung sino ang baabeng iyon .. kinakabahan siya na baka siya iyon .. hindi na lamang niya nilapitan si Michael kundi dumeretso na siyang umuwi ..