Taste. To sense the flavor of something that we are eating or drinking. Sweet, bitter, salty and sour. He is amazing and smart because He made those tastes to give life on our food and drinks that we ate and drink. Paano naimbento ang mga lasang iyan? Paano nalaman na ang matamis ay matamis? Na ang mapait ay mapait? Hanggang ngayon madamipa ding tanong sa aking utak..
Sumilip ako sa labas nang marinig ang wind chime at bumukas ang pintuan ng bakeshop ko habang kasalukuyan kong nilalagyan ng icing ang strawberry cupcakes na ginawa ko.. I saw a bunch of teenager girls wearing a uniform. Tumingala ako sa orasan, mag-aalas onse na ng umaga!
"Good morning ! Welcome to Le Vanille!" masiglang bati ni Blaise, empleyado ko dito sa bakeshop
Napangiti ako nang makitang isa-isang niyang kinukuha ang bawat order ng mga teenagers..
Tinikman ko ang strawberry cupcake nang matapos kong lagyan ito ng icing. Napapikit ako sa sarap at tamis na nalasahan ko. This is perfect! Pwede na itong ibenta..
"Jordy! Pakilabas na ito please" sigaw ko
Agad pumasok ng kusina si Jordy at kinuha ang tray na may cupcakes. Jordy is my waiter. May isa din akong baker na si Aliena. Isa lang ang kinuha kong baker kasi kaya ko namng mag-bake. I only hired Aliena to help me if I have many orders and customers..
Mag-iisang taon na ang bakeshop ko. So far, maganda naman ang takbo nito. Nagpapasalamat talaga ako kay Daddy na nagpatayo nito at pinagkatiwalaan ako. Baking is my passion. Bata pa lang ako ay gustong-gusto ko nang mag-bake. Kaya naman talagang natupad talaga ang pangarap ko nang ipatayo ko ang Le Vanille..
"Ma'am Sienna, nandito po ang Daddy niyo" sigaw ni Blaise
Tinanggal ko ang apron ko at naghugas ng kamay. Lumabas ako at nakita si Daddy na nakaupo sa tabi ng mga teenagers na kumakain na ngayon.. Kahapon lang siya umuwi dito sa probinsya..
"Dad! Alis kana? Bakit ang bilis naman!"sigaw ko at nilapitan siya. Umupo ako sa harap niya at sinenyasan si Jordy na bigyan kami ng kape at cupcakes..
"Sienna Elisabeth! Ang ganda talaga ng anak ko. Busy ka ba anak?"
With his corporate attire, he is amazingly handsome! No doubt na sa kanya talaga ako nagmana. Daddy is working in Salvador's Incorporation sa Maynila as a manager. Buti na lang at nakauwi muna siya dito sa Camarines Sur kahit dalawang araw lang. Sampung taon na siya sa trabaho at malapit na siyang magretire. Konting ipon na lang at hindi na niya kailangang magtrabaho..
"Hindi naman po, Daddy. Katatapos ko lang mag-bake. Bakit?"
"I'm going to France this afternoon with my co-managers. May seminar kami. Siguro 1 week ako doon. May ipapabili ka ba?" ani niya at uminom ng kape na binigay ni Jordy
Kinuha ko ang kape na para sa akin. Inamoy koi to pumikit. Bango!
"Wala po. Mag-iingat po kayo dun ha?"
Tumayo ako at nilapitan siya para yakapin. He's my hero. He's my love. Hindi ako magsasawang mahalin at alagaan siya. Simula nang mamatay si Mommy, bata pa lang ako ay siya na ang tumayong nanay at tatay ko. He's a superman!
"Oo. Mag-iingat ka din anak. Wala ka pa bang boyfriend? Ang tagal naman! Excited na ako"
Tumawa ako at umiling. Sana lang meron na. Sana dumating na nga siya pero wala pa din. Wala pa ding nagkakagusto sa akin..
Nang magpaalam si Daddy ay bumalik ako sa kusina para mag-bake naman ng chocolate cupcakes. Dumadami na ang customer kasi oras na ng meryenda.. We offer different flavors of cupcakes and cakes, coffees and other pastries. Ang best seller namin ay ang aking green matcha cupcake na kinahuhumalingan ng mga suki ng bakeshop.. I like experimenting flavors. May mga combined flavors kaming cupcakes na affordable at syempre masarap.
Nang mag-alas sais na ay nagsisimula na kaming maglinis at magligpit. 7 pm ang closing time ng Le Vanille. Buti naman at konti na lang ang customers kaya hindi kami mahihirapang magsara.
Nagulat kami nang madulas si Jordy habang hawak ang tray na may lamang plato at tasa na ginamit ng customer. Nabasag ito kayanapasigaw si Blaise na nasa cashier..
"Okay ka lang Jordy? Mag-ingat ka kasi" alala kong tanong at nilapitan siya
Tinulungan siya ni Blaise para makatayo at si Aliena naman ay nilinisan ang mga natapon. Buti na lang at mukhang hindi naman siya napuruhan.. pero bakas pa din sa mukha niya ang sakit..
"I'm sorry Ma'am Sienna" ani Jordy nang makaupo siya
"Ano ka ba, okay lang! basta mag-ingat ka next time. Wala akong pampa-ospital sa'yo no!" nakangisi kong sabi
"Naks! Ang bait talaga ni Ma'am Sienna. Wala po bang nanliligaw sa inyo?" tanong ni Blaise na nasa gilid ni Jordy
Umiling ako at pumunta sa cashier para kunin ang income ngayong araw. Pagkadating ko ng bahay ay doon ako nag-iinventory at nagcocompute..
"Weh? Wala talaga ma'am? Sa ganda niyong yan! Talo niyo pa nga yung mga artista sa TV eh. Mas maganda po kayo!"
Tumawa kami at umiling na lang ulit ako. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya o nagpapasipsip lang siya sa akin. Sorry Blaise, pero wala munang bonus ngayon. Malayo pa ang pasko!
Pagkadating ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto at humiga. I'm so tired! Tinatamad na akong mag-inventory. Gusto ko na lang matulog...
Naalala ko yung sinabi ni Blaise kanina. Tinanong niya kung wala daw akong manliligaw. Nakakahiya kasi ang totoo ay wala talaga! As in no boyfriend since birth ako. Ewan ko ba! kasi simula noong elementary ay wala namang nagkakagusto sa akin. Lahat ng lalaking gusto ko ay hindi ako gusto o di kaya'y may girlfriend. Ang alam ko naman ay maganda ako kasi yun ang sinasabi nila..
Pero bakit?
Bakit walang nagkakagusto sa akin? Bakit lahat ng gusto ko ay hindi ako gusto?
#
BINABASA MO ANG
Beauty Without Love (ON-GOING)
General FictionSienna Elisabeth is obviously pretty and sexy. She is beautiful inside and out. She's the perfect girl that would make a man obssessed with her... But the problem is, she had no boyfriend since birth at walang nagkakagusto sa kanya. Bakit kaya? W...