BWL: 4

26 1 0
                                    

Simula nang tumira si Abby dito sa bahay ay gumulo ang buhay ko. Hindi sa ayaw ko iyon. Mas gusto ko pa nga kasi may kasama ako. Alam niyo yon, gumulo in a good way?

"Hi ma'am! Welcome to Le Vanille!" Bati ni Abby sa kapapasok lang na customer

Minsan tumutulong kami dito sa bakeshop pag wala kaming maisip na puntahan at gawin. Mag-dadalawang linggo na si Papa sa France. I got a call from him last night na mag-eextend daw sila dun. Namimiss ko na tuloy siya!

"Thank you ma'am. Enjoy your order!" Masiglang sambit ni Blaise pagkatapos mag-order ang customer na kadadating lang kanina..

Umupo si Abby sa harap ko pagkatapos tulungan si Blaise. I really feel comfortable pag siya ang kasama ko.. I treat her as my sister slash bestfriend. Bigla tuloy akong nalungkot kasi wala akong kapatid..

"I'm so bored na, Sienn! Hindi ba talaga tayo lalabas?" Nakabusangot niyang tanong

I pouted. Puro siya walwal. Nauubos na ang ipon ko dahil sa kanya. Sana kung libre niya tuwing lumalabas kami pero hindi! "It's KKB, Sienn. Okay?" That's her everytime line!

"Turuan kitang mag-bake?" Nakangiting kong sagot

She smiled "Ummmmm" bigla siyang sumimangot "Wag na pala. Ayoko! Baka mahirap"

Napairap ako sa kanya. Magsasalita na sana ako nang narinig namin ang wind chime. There's a customer!

"Good morning---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang nakita ang pumasok na customer
"Welcome to Le Vanille!" Bati ni Abby at nilapitan si Blaise para matulungan ulit siya

Napanganga ako sa lalaking cool na cool kung maglakad at nakaakbay sa kasama niyang babae. It's him! Siya yung sa jeep noon! But with a different girl. Ngumisi ako. Playboy talaga..

What's his name again? I forgot na!

"Ma'am, kilala niyo sila?"

Napatingin ako kay Jordy na kakabigay ng order sa customer kanina..

Umuling ako at ngumisi. Hindi ko na dapat iniintindi ang lalaking yun. Siguro nakalimutan na niya ako.. He's a playboy anyway!

"Okay ma'am. Mukha ka kasing nakakita ng multo" natatawang sambit niya at pumasok na sa kusina..

"What do you want, baby?" Tanong niya sa babae niya

Nakakaloka! Ang landi niya talaga! Ilang linggo palang silang nagbreak nung babae sa jeep noon, may bago na agad siya?

"I want matcha cupcake and cookies & cream frappe baby" pabebeng sagot ng girlfriend niya

Mukha na akong stalker na nakikinig dito. I can't believe na magkikita ulit kami!

"Okay. I'll have the same with her" sambit niya

"2 matcha cupcakes and 2 cookies & cream frappe sir. Can I get your names po?" Ani Blaise

"I'm Cairo and she's Dely"

It's Cairo! Cairo Zachary Andrada!

Napaubo si Abby at napatingin sa akin. Pinandilatan niya ako at patagong tinuro si Cairo. Yea, she knows it! Kwinento ko nga pala sa kanya ang nangyari noon. Siguro tinatanong niya kung siya ba ang kwinento kong Cairo noon.

Umiling ako at tumalikod na. Hindi na nakinig pa sa kanila. Naha-highblood ako! Naalala ko na naman ang kahihiyan na nasapit ko!

Nang makaorder sila ay agad silang umupo sa gilid ng table kung saan ako. Bumalik na din si Abby at alam kong hinihintay niya ang sagot ko. I really can't believe my world will cross his mine again.. Like what the? Nakamove on na ako sa pangyayaring iyon pero naalala ko na naman..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beauty Without  Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon