BWL: 3

37 1 0
                                    




Nang makauwi kami ng Pili ay mag-aalas tres na ng hapon. Madaming kwento si Abby tungkol sa buhay niya sa Canada. Kalahati nun ay ang mga naging lalaki niya. I suddenly felt insecure because of that. May mga nagkakagusto sa kanya. I sighed. I need to move on with that unreasonable part of my life...

"Sienn, naalala mo pa ba si Namya? Yung maldita na anak ni Tito Baltzar?" tanong ni Abby habang nakahiga sa kama

Katatapos ko lang magbihis. Umupo ako sa harap ng salamin kung saan ako nag-aayos. There's a lot of make-up in it. Ang mga iba ay regalo lang sa akin. I started using make-up when I was a college. Buti na lang at mahilig magmake-up ang mga barkada ko kaya nagpaturo talaga ako. Benefit is one of my favorite brand. Medyo pricey nga lang pero it's worth it..

"Yes. Yung umaway sa akin. Kala mo naman kung sino. That bitch!" natatawa kong sagot habang nagsusuklay

"Kamusta na kaya yun? I bet marami na din naging syota yun. Last time I saw her post was last week"

Namya Jean is our first cousin. Si Tito Baltazar, her father is Tito Justine and Daddy's older brother. Gaya nila Abby ay nagmigrate na din sila sa ibang bansa. Sa Australia. Well, hindi ko alam kung nagbago na ba ang kanyang ugali. Basta maldita at masungit siya noong bata pa kami. That was the last time I saw her. Childhood memories..

"Nag-uusap minsan si Daddy at Tito Baltazar. I don't know. Baka may asawa na"

Tumawa kaming dalawa. Hindi na ako magugulat kung sobrang ganda na niya ngayon. Sabagay maganda na siya kahit noong mga bata pa kami..

Nang mag-gabi na ay binigay na ni Blaise ang income ngayong araw ng bakeshop. Bigla tuloy akong nakonsensya nang ikwento niyang madami ang customers ngayong araw. Kawawa naman silang tatlo. Naiimagine ko tuloy si Jordy na nagmamadali at hindi na alam ang gagawin.

"Thank you, Blaise! Mag-iingat ka, ha?"

"Welcome Ma'am Sienna! Sige po! Una na po ako" paalam niya

Kumaway ako at umakyat na ng kwarto. Alas otso na ng gabi. Tinatawag na kami ni Melinda para sa hapunan pero hindi kami gutom ni Abby. Ang dami naming kinain sa SM kanina. Anyway, our house is not that huge nor too small. Two-storey ito at medyo malawak naman. We have four bedrooms located in the 2nd floor. Kahit papaano ay nakapagpundar si Mommy at Daddy ng aming magandang tahanan...

"Sienna! Come here! Nagchat sa akin si Namya! Oh my gosh!"

Agad akong lumundag sa kama at hinarap ang laptop ni Abby. I saw a message coming from Namya sa Facebook. Well, hindi ko naman siya friend kaya baka hindi niya ako mamessage..

"Hi Abby! How are you? I hope we can video call if you have time" bulong ni Abby na binasa ang mensahe

How amazing. Kanina lang ay pinag-uusapan namin siya. Pero ngayon ay nagparamdam na siya sa amin. Siguro ganun pag kadugo mo. May lukso ng dugo sabi nga nila. Wait, is it connected? Ewan ko!

Nagreply agad si Abby at nagulantang na lang kami ng tumatawag na siya. Inayos ko ang buhok ko at sinagot ni Abby ang tawag..

"Abby! Sienna!"

Namya Jean became oozing hot chick. Blonde na ang kanyang mahabang kulot na buhok ngayon na dati ay black. Mas lalong nadepina ang kanyang mga facial features. Mas lalo ding tumangos ang kanyang ilong. Ang hindi lang nagbago ay ang kanyang maliit na mukha. She's very beautiful!

"Hi Namya! How are you? It's been a long time!" masaya kong bati

"Sienna! I'm fine. Malamig lang dito sa Australia kaya doble ang jacket ko. Abby! How are you na?" inayos niya ang kanyang scarf na nakaikot sa kanyang leeg

Beauty Without  Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon