The next morning, Abby went home to get something that she forgot. Okay lang naman iyon kasi magsho-shopping ako. Ayoko kasi ng may kasamang bumibili, parang hindi ako makipili ng maayos pag may nangingielam o nanonood sa akin. Pagsisisihan ko lang pag may binili akong hindi ko naman pala gusto...
It's Sunday kaya hindi muna ako pupunta sa bakeshop. Bahala na lang siguro sila dun. Nagbihis na ako at nag-ayos. I chose to wear maong shorts with my tube crop top pero nagcardigan ako. I wear my gladiator. Maagang umalis si Abby para daw maaga din siyang makabalik..
"Melinda! Punta lang akong SM" sigaw ko at lumabas ng bahay
Tinatamad akong magdrive kaya mag-jejeep na lang ako tutal namimiss ko na din ang sumakay ng jeep. Simula kasi nung may kotse na ako ay minsan na lang akong magcommute.. Walang SM ang Pili kaya pupunta pa ako sa Naga pero malapit lang naman..
Nang may mataan akong paparating na jeep ay tumuwid ako ng tayo. Inayos ko ang sling bag ko at pumara. Sakto naman na maluwang ang jeep kaya huminto ito. Maganda ang araw ko pero pagkaupo ko ay biglang nabadtrip ang buong kaluluwa ko..
"Cairo, ayoko. Wag mo akong iwan, please"
Kaharap ko ang magshotang nag-aaway. I rolled my eyes. Dito pa talaga sila sa jeep nag-away! Pwede naming bumaba na sila at mag-away na lang sa daan..
"Anna, ayoko na sabi. We're done! Hindi ka ba nakakaintindi?" sagot ng lalaki na rinig ko ay Cairo ang pangalan
Hinawakan ng babae na Anna daw ang pangalan ang kamay ni Cairo. Pinagtitinginan na sila ng mga pasahero. Hindi ba nila alam ang mahiya? Kumuha ako ng barya at inabot ang bayad..
"Bayad po, pakiabot" sabi ko nang walang kumukuha sa pamasahe ko
Buti na lang at nakisama si Kuya na nakasumbrero ng pula. Tumingin ulit ako sa harap ko. Gwapo si Cairo at maganda si Anna. Ano kayang problema nilang dalawa?
"Can you just please stop, Anna? Naiingayan na ako! Mahiya ka naman!" galit na sabi ni Cairo
Hindi ko na lang sila pinansin at nilabas ko ang aking earphones para makinig ng kanta. Pero hindi ko maiwasan na tignan sila ng masama. Nakakaimbyerna sila! This bitch is desperate! Ayaw na nga sa kanya pinipilit pa niya ang sarili siya.. Pag ako nagkasyota, hindi ako magiging demanding. Pag ayaw, di wag!
Tumingin sa akin si Cairo at ngumisi. Sa gilid niya ay ang nakasimangot pa din na si Anna. Tumingin ako sa katabi ko kung siya ba ang nginingisian niya pero hindi! Ako talaga!
"Baby! I'm sorry, makulit talaga siya. Ang akala ko ay maiintidihan niya pero hindi talaga. Anong plano natin?"
Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Ako ba ang kinakausap niya? Do I know him?
Nagulantang ako nang lumapit siya sa tabi ko kaya umusod yung babaeng katabi ko. Huh? Anong sinasabi ng lalaking 'to?
"Babe, kita mo naman diba? Ayaw niya talaga!" sabi niya ulit
"What the hell? Kaya ka ba nakikipaghiwalay dahil sa babaeng to?!" sigaw ni Anna
Napatingin ako kay Cairo na hinawakan ang aking kamay. Naestatwa ako kasi may naramdaman akong kuryente. What the hell is he doing? He interwind his fingers to mine. Agad akong napatingin sa mga kamay namin..
"See? May bago na ako, Anna. Kaya break na tayo"
"Walang hiya kayo! Pinagplanuhan niyo pa talaga ang pagbreak mo sa akin! Ikaw babae! Pinanood mo pa talaga? Ano ka desperada? Ako ang nauna!"
Biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Malapit ko nang ihagis 'to! Kung makapagsalita siya ay ang ayos ayos niya. Siya naman itong desperada at malantod!
"Anna, wag kang mag-eskandalo dito! Wala na tayo. You better shut up!"
"What the hell is happening?" sa wakas ay nakapagsalita na ako..
Inayos ng isang kamay ko ang aking cardigan. Hindi ko nagegets ang dalawang 'to! Dinamay pa talaga nila ako! Anong baby? How dare him! I don't even know him!
"Walangya kang babae ka! Malandi! Mang-aagaw!"
Lalapit na sana si Anna sa akin pero pinigilan siya ng katabi niyang lalaki. Concern citizen. Buti na lang at pinigilan niya ang babaeng 'to kung hindi ay baka nag-away na kami! Tumingin ako sa paligid. Buti na lang at walang nagvivideo sa amin. Baka kasi ipagkalat pa ito sa social media..
Nagpreno ang driver at hininto ang jeep sa gilid ng kalsada. Napatingin kami sa harap..
"Bumaba na nga kayo! Nakakaistorbo kayo sa mga pasahero ko! Kung gusto niyong mag-away, wag dito! Pumunta kayo sa palengke!" galit na sabi ngdriver
"Let's go babe" ani ni Cairo at hinila ako pababa ng jeep. He's still holding my hand!
Ayoko mang sumunod ay wala na akong magagawa dahil sa hiya. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila dahil napagkamalan pa akong desperada at mang-aagaw!
Sumunod na bumaba si Anna na nagdadabog at masama ang tingin sa akin. Tumingin ako sa paligid nang umalis ang jeep. Malayo pa ako sa SM! Kainis naman! Ang ganda ganda ng plano ko na magshoshopping pero bakit napunta ako dito sa kalsada!
"What the hell are you doing?!" galit kong sabi at humarap kay Cairo
Matangkad siya kaya nakatingala ako sa kanya habang nasa bewang ang mga kamay. Hindi ko alam kung bakit niya pa ako dinadamay! Gusto ko na lang siyang ihagis at mawala na sa paningin ko..
"Manloloko kayo! Fuck you, Cairo! Magbabayad ka!" ani Anna at sinampal si Cairo
Napatakip ako sa bibig nang makitang namumula ang pisngi ni Cairo dahil sa sampal. That's intense! Pinara ni Anna ang taxi na paparating. Agad siyang sumakay at iniwan kami. So what now? Ano nang mangyayari?
"Look, Miss. I'm sorry for what happened. Gusto ko lang hiwalayan yun. Salamat at tinulungan mo ako. Success!" nakangising sabi ng lalaki
Sinapak ko siya at tinignan ng masama. Kaloka siya! Dinamay-damay pa ako!
"Makakarma ka din gago!" inis kong sabi
Tumawa lang siya "I'm Cairo Zachary Andrada. You are?" inabot niya ang kanyang kamay para makipagshake hands
Tinignan ko lang ito at hindi siya pinansin. Pinara ko ang jeep na paparating..
"It wasn't nice meeting you. Get lost and don't ever bother me again"
Sumakay na ako ng jeep at napahinga talaga ako ng malalim nang makitang hindi niya ako sinundan. I'm so mad and stressed! Sana hindi na lang sa jeep na yun ako sumakay kanina. Kung alam ko lang na ganun ang mangyayari ay bumaba na agad ako kanina sa jeep. That man!
Nang makarating ako sa SM ay agad akong pumasok sa loob. Mag-aalas dose na ng tanghali. Gutom na ako. Sana nakapag-shopping na ako ngayon kung hindi ko nadatnan yung magsyotang yun. Kainis talaga!
From: Abby Zahara
Sienna! Saan ka? Pabalik na ako ng Pili
Napangiti ako nang magtext si Abby. Wag na nga lang akong magshopping! Yayayain ko na lang siyang kumain sa Jollibee para mawala ang pagkabadtrip ko. Next time nalang akong magshopping. Alone..
"What's his name?" natatawang tanong ni Abby habang kumakain ng ice cream
I'm done telling the whole story that was happened a while ago. Kanina pa niya ako tinatawanan. Kapag sa kanya daw nangyari yun ay baka nasa ospital na yung babae. Silang dalawa actually...
"Cairo Andrada yata. I'm not sure. Yung girl, Anna"
"Baka destiny mo na yun, Sienna!. Sa dami ng babaeng mahihila niya sa jeep, ikaw pa talaga! Uy! May boylet na siya!" pang-aasar niya sa akin
Umiling ako at kumagat ng aking burger.. "Hindi no! Parang playboy yun eh. Hindi ganun yung mga type ko"
"Choosy ka pa? Wala ngang nagkakagusto sayo diba? Eh di kung siya na, go! Ewan ko ba kasi bakit walang nagkakagusto sa'yo. Maganda ka naman!"
Napangiwi na lang ako at tinuloy ang pagkain. Pagod na akong mag-isip ng mga rason kung bakit walang nagkakagusto sa akin. Siguro may mali sa akin. Siguro hindi ako kagusto-gusto kahit maganda naman daw ako. Siguro tatanda na lang ako na dalaga....
#
BINABASA MO ANG
Beauty Without Love (ON-GOING)
General FictionSienna Elisabeth is obviously pretty and sexy. She is beautiful inside and out. She's the perfect girl that would make a man obssessed with her... But the problem is, she had no boyfriend since birth at walang nagkakagusto sa kanya. Bakit kaya? W...