BWL: 1

48 2 0
                                    






Ganito pala ang pakiramdam ng nakikipaghalikan. Para kang nawawalan ng hininga. Para kang lumulutang sa kalangitan. I moaned as I responded the kiss quickly. Pinikit ko ang aking mata at kinabisado lahat ng pakiramdam at gagawin pag may kahalikan ka.. This is my first kiss. I want to treasure everything..

"Sienna! Gising ka na ba? May bisita ka! Sienna!"

Nagising ako sa maingay na pagkatok ng pintuan. Argh! That was just only a dream! Akala ko ay totoo na. Nakakainis! Istorbo! Kahit sana panaginip lang ay nag-enjoy ako pero hindi eh!

Humikab ako at tinignan ang wall clock sa harap ko. Alas sais pa lang ng umaga! It's too early! Gusto ko pang matulog!

"Sienna? Gising na! may bisita ka sa baba"

Bumangon ako at naglakad patungo sa pinto. Binuksan ko ito at bumungad sa akin si Melinda, katulong namin na mas matanda ng dalawang taon sa akin. Ang alam ko'y kanina pa siya kumakatok pero masarap ang tulog ko dahil sa panaginip..

"Sino ba yun, Melinda?" busangot kong tanong at inayos ang buhok kong buhol-buhol

"Hindi po nagpakilala eh. Pero maarte. Mukhang balikbayan"

I got curious so I went down para tignan ang bisita. Hindi pa ako naghihilamos bahala na kung hindi ako presentable na haharap sa bisitang nasa baba.

"Sienna Elisabeth! Oh my gods!"

Tinanggal niya ang suot niyang shades at nakilala ang babaeng kung makasigaw ay wagas. Feeling ko ay rinig ng kapaitbahay namin..

"Abby! Kamusta na?" masigla kong sambit at lumapit sa kanya para mayakap siya

Abby Zahara is my cousin from father's side. We have the same age kaya medyo close kami noong bata pa kami. We only got separated nang mag-migrate na sila sa Canada kasi doon nagtratrabaho ang Daddy niya na kapatid ni Daddy, si Tito Justine..

"Okay lang! namiss talaga kitang bruha ka! Kamusta ka na?" patalon talon niya pang sabi

Umupo kami sa sofa at napansin ang dalawang maleta niya. May jacket na nakasabit sa kanyang bewang at ang alam ko'y kagagaling niya lang sa biyahe

"Okay lang naman. Laging busy sa Le Vanille"

"Omg! Gusto ko din pumunta sa bakeshop mo. Sa facebook ko lang nakikita yung mga cupcakes na ginagawa mo, pero ngayon matitikman ko na talaga"

Nagpakuha ako kay Melinda ng meryenda. Nagkwento siya sa mga nangyari sa kanya sa Canada. Ang lantod! Puro lalaki ang bukam-bibig.. siguro purolandian at walwal ang ginagawa niya sa Alberta. The last time I saw her was 3 years ago kaya namiss ko talaga siya..

"Anyway, Sienna. Dito muna ako titira. Nagpaalam na ako kay Tito Edward. Nasa France pala siya? He said yes kasi wala ka naman daw kasama dito except sa mga katulong" maarte niyang sabi habang umiinom ng kape

"Talaga? Oh my gods! Sure! I would love to para naman may ka-bonding ako"

Nagtawanan kami. Dito daw muna sila sa Pilipinas ng dalawang taon. Well, sana wag na lang silang bumalik para may kakulitan ako.. she'smy bestfriend aside for being a cousin. Ang mga college friends ko ay dina mahanap sa lupalop ng Pilipinas..

"Waaa! Namiss ko ang Pili, Camarines Sur! I miss the fresh air at ang busy'ng lalawigan"

Nilabas ni Abby ang kanyang mukha sa bintana ng sasakyan. Tumawa ako at sumeryoso sa pagdridrive. We're on our way in Le Vanille. Gamit ko ang sasakyan ko na 2017 Honda City. This car was my 22nd birthday gift from Dad. Kahit hindi ganun kalaki ang sahod niya ay nakakapag-ipon siya at binibilhan ako ng mga kailangan..

Beauty Without  Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon