Wattpad Original
Mayroong 12 pang mga libreng parte

4-Silver Spoon

59.8K 1.7K 73
                                    

Chapter Three

SI Walter na ang nagtuloy ng pagluluto. At katulad ng sinabi nito, attentive na pinanood ni Annika ang lahat ng ginagawa ng binata. Tumitilamsik ang mantika habang nagpi-prito ito ng tinapa kaya bahagya siya nitong pinalayo.

"Ang technique d'yan para hindi ka mag-shower sa kumukulong mantika, tatakpan mo nito," kumuha ito ng takip ng kaldero at itinakip sa kawali.

Tumango lang siya, ina-absorb ang lahat ng nakikita at sinasabi nito.

Everything was all new to her. Para bang nang matira siya sa bahay na iyon kasama nito ay parang napunta siya sa ibang mundo. Lahat ay bago sa kanyang paningin. She grew up with a nanny. Halos lahat ng pangangailangan niya ay inihahain na lang sa kanyang harapan. Nagka-interes man siya sa pagluluto, hindi siya kailanman pinahawak ng kanilang mga kasambahay ng mga kitchen utensils para makaranas ng pangungusina.

Ngayon lang. At si Walter, he seemed like a different person. He's far from the sweet and gentle guy that she met. Was it because of her? O dati na itong ganoon. She never saw this bad boy side of him. Hindi niya alam kung lalong maa-attract dito o matatakot. Oo, aminado naman siyang nagka-crush siya sa binata mula nang una silang magkita nang personal. Pero ang nakilala niyang Walter ay malambing, parating banayad magsalita at hindi nagmumura. Iyon nga yata ang dahilan kaya siya nagka-crush dito. Pero sa loob ng isang linggong iyon ay nakita niya ang ibang side ng pagkatao nito.

Will she like him more or fear him?

Napatingin siya sa kanyang daliri. Isang ngiti ang unti-unting nagkaporma sa kanyang mga labi saka palihim na sumulyap dito. He's still the same sweet guy that she knew. Maalalahanin pa rin ito sa kabila ng kasungitang ipinapakita nito sa kanya.

"Kakain na tayo."

Namumulang nagbawi siya ng tingin at naghanda na ng dalawang plato, baso at kubyertos.

"Mas masarap kumain ng tinapa kapag nakakamay."

Lagi nitong sinasabi sa kanya na masarap kumain nang hindi gumagamit ng kubyertos. But force of habit, lagi pa rin siyang naglalagay ng kutsara't tinidor. Noong una nga naghanap pa siya ng place mat. Pinagtawanan lang siya nito.

Nang maupo si Walter ay naupo na rin siya. Hindi niya alam kung anong isda iyong nakahain sa harapan nila. Ang kilala niya lang na isda ay tuna at lapu-lapu.

"Kain na," ipinaglagay siya nito ng tinapa sa kanyang plato.

Nagsandok na ng sariling kanin si Annika. Pasimple niya itong pinanood kung paano kumain.

"Kamatis at okra para lalo kang kuminis at gumanda."

Pinigilan ni Annika ang mapangiwi. Piling-pili lang ang kinakain niyang gulay. Mostly all the veggies on vegetable salad. But not okra, for heaven's sake. Madalas din siyang pilitin ng mga kapatid niyang kumain ng iba't ibang gulay. Lalo na ang kanyang Kuya Vincent. Sa dalawa niyang kapatid ay ito ang health buff palibhasa model. Kaso kapag ayaw ng bibig niya, ayaw din ng kanyang tiyan. Sumisipa ang sikmura niya.

Nakita niyang isinawsaw ni Walter sa kamatis na may asin ang steamed okra. Parang sarap na sarap nito iyong nginuya sabay subo ng kanin at kapirasong laman ng isda. Nakakamay lamang ito. Ang sarap nitong panooring kumain. Magana at walang kaarte-arte.

Naisip niyang gayahin na lang ito at baka magalit na naman sa kanya. Iisipin niya na lang na parte ng parusa nito sa kanya ang pagkain ng okra.

Kumurot siya ng isda. Pero mabilis na napaurong ang kamay niya nang mapaso.

Napapalatak si Walter saka kinuha ang plato ni Annika. Hinimay nito ang isda nang walang kahirap-hirap.

"Hayan, ayos na?"

The Heiress and the PauperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon