Chapter Twelve
"BABY Nik-Nik."
"Hm, baby. Inaantok pa ako," nagtalukbong ng kumot si Annika upang patigilin sa paglilikot sa mukha niya si Walter.
"Gising ka na, Baby Nik-Nik ko. Punta tayo sa palengke."
"What?"
"Punta tayo ng palengke."
"Palengke?" dahan-dahan niyang ibinaba ang kumot at kinusot ang mga mata.
"Uh-hmn. Palengke. Bili tayo ng ulam. Pero kung inaantok ka pa—"
"Sasama ako."
Dali-daling bumangon si Annika upang gumayak papuntang palengke. Kamuntik na siyang matalisod sa pagmamadali. Mabuti na lamang at maliksi siyang nasalo ni Walter bago pa siya lumagapak sa sahig.
"Tsk. Hindi naman aalis ang palengke masyado kang nagmamadali."
"Hmp! Nakakainis ka. Minamadali mo kasi ako."
Tatawa-tawang iniyakap ni Walter ang mga braso sa baywang niya. Kinudlitan siya nito ng halik sa tungki ng ilong.
"Sorry na. Sige, take your time. Ako na ang magliligpit ng hinigaan at magtitimpla ng kape. Hilamos ka na at magbihis."
"You're a dear. Thank you," she pecked his nose and headed straight to the bathroom.
Paglabas ni Annika ng banyo ay may nakahanda ng kape at pandesal.
"Yummy," isa iyon sa mga paborito niyang parte ng kanilang umaga.
Sa tuwing magigising siya ay may kape at pandesal nang nakahain sa mesa. Hindi siya mahilig sa kape, pero simula nang matira siya sa bahay nito ay walang araw na lumilipas na hindi siya nito ipinaghahanda ng kape sa umaga.
"Thank you, baby."
Bilang sagot ay itinuro ni Walter ang mga labi. Nakangiting hinagkan ito ni Annika. They usually drink their coffee in one cup. Nakuha niya ang habit ng pamangking si Samantha na kinakagat ang dulo ng pandesal saka isinasawsaw iyon ng lubog na lubog sa kape. Ayaw na ayaw ni Walter na may naiiwang himaymay ng pandesal dahil nasasamid ito kapag lumulunok. But he doesn't have a choice. Kalaunan ay parang nasanay na rin ito at hindi na nagrereklamo.
"We should buy a bigger cup," aniya sa nobyo. Sa ikalawang pandesal kasi na isinawsaw niya sa kape ay halos maubos na niya ang laman ng tasa.
"Sa palagay ko nga rin," amused na tugon ni Walter.
"Naninilaw na ang ngipin ko. I think I need to set an appointment with my dentist."
Parang natigilan ito sandali pagkatapos ay marahang tumango.
"Sabihin mo sa akin kung magkano ang magagastos mo," sabi nito pagkatapos lumagok ng kape.
"Gastos? I don't need to pay for my dental check-up. My brothers take good care of those things. All I need to do is walk right in there and everything will be taken cared of."
"Ah, gano'n ba? Ahm, bilisan na natin. Tapos ka na ba?"
"Uh, y-yeah. I'm done. I'll get our bags," tumayo na siya at kinuha ang dalawang reusable bags na ginagamit nila pamamalengke.
Twice na sila nitong namalengkeng magkasama. Hindi sa talipapa kundi roon sa malaking pamilihan talaga na pinag-aangkatan ng mga gulay at isda. It was a refreshing experience for her the first time she went there. Sa buong buhay niya kasi ay hindi niya pa naranasang mamalengke sa ganoong lugar. Maputik, mabaho, mainit, siksikan ang mga mamimili at ang tanging transportasyon nila ay traysikel na ang sakay ay hanggang bubong. Pero kung nagmamadali sila ay maaari silang mag-rent. Iyong tinatawag na special. Isandaan ang bayad.
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Pauper
RomanceRich and beautiful Filipino-American Annika is making amends for an old misdeed but falls in love with her unwitting victim. Will Annika and Walter find love? ...
Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte