Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

15-Hold Me Tight

45.4K 1K 26
                                    

Chapter Fourteen

"GOOD morning, baby. Breakfast is ready."

Ang mukha ng kasintahan ang unang nabungaran ni Walter pagmulat na pagmulat ng mga mata.

"Good morning. Ang aga mo namang nagising."

"Kasi po, maaga ang pasok mo ngayon. Bangon na. Inihanda ko na rin ang bihisan mo."

"Salamat, Baby Nik-Nik. Mami-miss ko 'tong tiyak."

"Mami-miss? Bakit naman, eh, naririto lang naman ako?"

Sa halip na sagutin iyon ay bumangon na si Walter at dumiretso ng kusina. Nagmumog at naghilamos para mawala ang nalalabing antok.

"Halika na. Kain na tayo," yaya niya sa tila natutubigang kasintahan. "Baby ko?"

Lumapit ito at naupo sa upuang hinila niya para rito. Inalisan niya ng takip ang mga natatakpang pagkain. Pritong itlog at tuyo, sinangag at tasty. At siyempre pa, may timpla nang mainit na kape sa kanilang tasa.

"Dapat ginising mo ako para naibili kita ng pandesal," aniya sa nobya.

"May tinapay na tayo. Ayos na ito."

"Sigurado ka? Alam kong paborito mo ang pandesal na isasawsaw sa kape."

"No, this is okay."

"Ang bilis mong nakapagsangag, ah. Ang aga mo sigurong gumising."

"Dinurog mo na kasi 'yong kanin kagabi, di ba? Kaya hindi na ako nahirapan pagpi-prepare."

Nagsandok na siya ng kanin at ulam. Alam ni Annika na mas gusto niya ang tuyo at itlog kaysa hotdog o ham kaya iyon ang kadalasang ipinapares nito kapag ito'y nagsasangag ng kanin. Weekly ay nagpapadala ng processed meat products ang Ate Willa niya, ham at hotdog o di kaya ay bacon at breaded chicken and pork. Hindi nawawalan ng laman ang ref. Kaya lang ay hindi siya sanay sa mga ganoong pagkain kaya naman namimili pa rin sila ng sariwang isda at gulay.

"Gusto mo bang ipagluto kita ng bacon o ham?" tanong niya bago sumubo.

"No. I'm good. You should start eating now. Baka ma-late ka."

Tumango na lang siya at nagsimulang sumubo. Kumakain na rin ito. Pero tinapay lang. Isinasawsaw sa kape.

"I know we haven't discussed it yet, but..."

Nilingon ni Walter ang nobya nang hindi nito tapusin ang gustong sabihin.

"Ano 'yon?"

"I-I want to stay with you. Here."

"Siyempre naman."

"No. I mean, not just now. I don't wanna go back home like I promised my brothers. I want to stay with you, for the rest of our lives."

Speechless. Mixed emotions si Walter. Natutuwa siya, hindi niya maipagkakaila ang bagay na iyon dahil iyon din naman ang gusto niya para sa kanila ni Annika. Sa kabilang banda ay masyado pa silang mga bata para pagpasyahan nila nang maaga ang bagay na iyon. Isa pa, kahit wala siyang binitiwang pangako kay Vincent, alam niyang umaasa itong kukumbinsihin niya si Annika para magpatuloy ng pag-aaral sa Amerika.

"You love me, right?"

"Oo naman."

"Will you fight for me?"

"Kailangan ba talagang umabot sa gano'n? I'm sure maiintindihan din naman tayo ng pamilya mo. Moderno na ang panahon ngayon. Mayaman kayo, alam ko 'yan. Pero hindi naman kayo royalty para obligahing magpakasal sa kauri niyo, di ba?"

The Heiress and the PauperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon