Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

8-Chocolate

55.9K 1.5K 53
                                    

Chapter Seven

TAHIMIK na naghanda ng pagkain si Annika. May ilang luto na silang pagkain, mga padala ng hipag kaninang sunduin ng kapatid si Samantha. Ito-thaw niya na lang habang nag-i-inin ng kanin.

"Gusto mo ba ng sandwich? Igagawa kita, baka nagugutom ka na," alok niya kay Walter.

"Hindi na. Ayos lang ako. Kakain na rin naman tayo."

"Okay."

Inilahad nito sa kanya ang isang kamay. Nagtatakang inabot niya iyon. Nakaupo ito sa sofa habang nanonood ng telebisyon. Nang banayad siya nitong higitin ay napaupo siya sa tabi nito. Humilig itong pahiga sa armrest ng sofa hanggang sa mapahiga ito sabay kabig sa kanya.

"Walter."

"Malamig. Payakap."

Walang pag-aatubiling iniyakap niya ang mga braso rito. Nang yakapin pa siyang lalo nito sa dibdib ay napangiti siya. May kasiyahang inilapat niya ang pisngi sa dibdib nito.

"Hindi ka kaya mahirapang pumasok bukas dahil sa sugat mo sa paa?" may pag-aalalang tanong niya rito.

"Wala 'yon, malayo sa bituka."

"I should call my driver para ihatid ka ng school bukas. Mahihirapan kang mag-commute niyan, eh."

"'Yan ang huwag mong gagawin."

"Why not?"

"Annika, sanay ako sa hirap. Sanay ako sa sakit. Itong sugat ko sa paa, minor pa 'yan. Kahit pumasok ako ng school nang may tungkod ay walang kaso. Hindi ko kailangan ng service at driver mo, maliwanag?"

"I-I just want you to be comfortable."

"Komportable ako. Komportable ako sa kung ano lang ang meron ako. At sana... sana, mapagtiisan mo 'yon. Kasi sa ngayon, walang-wala pa ako, eh. Wala pa akong maipagmamalaki sa'yo."

Napaawang ang mga labi ni Annika. Ramdam niya rin nang kumabog nang pagkabilis-bilis ang puso niya at biglang mag-init ang kanyang mga mata.

Siya lang ba ang nag-iisip niyon o may ibig ipahiwatig ang sinabi ni Walter?

Muli siya nitong hinigit palapit. Nang banayad na dumantay ang mga labi nito sa tuktok ng kanyang ulo ay napangiti siya. Kuntentong-kuntento ang pakiramdam niya habang nakabilanggo sa mga bisig nito. She wouldn't mind staying in his arms forever even if it means leaving everything behind—including her life in luxury.

Sa isip ay inilalarawan na ni Annika ang magiging buhay nila ni Walter sa hinaharap nang may maamoy siyang parang nasusunog.

"Oh, my God," napabalikwas siya ng bangon. "Ang sinaing ko, nasusunog!"


PANGITI-NGITI lang si Walter habang kumakain. Samantalang si Annika ay pulang-pula na halos ang buong mukha. Ang kinakain kasi nila ay sunog na kanin.

"Ang sarap," ani Walter.

Napasimangot si Annika. "Nang-aasar ka naman, eh."

"Masarap nga, peks man."

Napaingos lang ang dalaga.

"Kain nang kain. Akin na lang 'yong tutong."

"Ayaw. Kasalanan ko kaya hayaan mong ako na lang ang kumain ng lahat ng tutong."

"Gamot daw 'yan sa pasma, sabi ng tatay ko. At hindi ka naman pasmado kaya ako na lang ang kakain ng sunog," kinuha ni Walter ang sunog na kanin sa plato ni Annika at iniwan ang parteng maputi.

"Walt," protesta ng dalaga.

"Kain lang. Ayaw kong magda-diet ka. Hindi bagay sa'yo ang maging payat."

The Heiress and the PauperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon